backup og meta

Bukol Ng Bata: Dapat Bang Ipag-Alala Ang Bukol Sa Katawan?

Bukol Ng Bata: Dapat Bang Ipag-Alala Ang Bukol Sa Katawan?

Hindi maikakaila ang pagiging likas na aktibo, kulit, at gulo ng mga bata. Kaakibat nito ang malaking posibilidad na sila ay maaksidente, mauntog, o tumama kung saan man habang naglalaro Ito ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng sugat, o kung hindi naman, ay bukol. Ngunit, may ibang bukol din naman na, higit pa sa pagkatama, ay maaaring magpahiwatig bilang sintomas ng iba pang kondisyon. Paano mo malalaman kung dapat ka bang mag-aalala sa bukol ng bata? Alamin ang impormasyon dito. 

Pag-Unawa Sa Mga Bukol Ng Bata

Bilang magulang, natural ang pag-aalala sa iyong anak. Sa katunayan, maaaring konting daplis lang sa iyong anak ay naaalarma ka na. Paano pa kung makakita ka ng namumuong bukol sa kanyang katawan? Sa kabutihang palad, karamihan sa mga bukol ng bata sa balat ay benign at hindi isang pangunahing dahilan ng pag-aalala, ayon kay Dr. Saeed Awan, isang pediatric general at thoracic surgeon sa CHOC.

Ang mga bukol na ito ay maaaring lumitaw sa kahit saang parte ng katawan. Ngunit, ang mga ito ay madalas na matatagpuan sa ulo o leeg. Maaaring mapansin mo ito kapag nagsusuklay ng buhok ang iyong anak, o nakikita itong gumagalaw kapag siya ay lumulunok. Posible rin namang lumitaw ang mga bukol sa mga binti.

Kadalasan, hindi naman nagkakaroon ng anumang iba pang mga sintomas, ngunit maaari silang makaranas ng mga sumusunod:

Madalas na inirerekomenda ang operasyon upang maalis ang mga bukol sa balat at gayundin maiwasan ang panganib ng impeksyon.

Uri Ng Mga Bukol Ng Bata

May iba’t ibang anyo ng bukol, kabilang ang:

  • Tumors. Madalas mabahala at maalarma ang mga magulang dahil ang unang tumatakbo sa kanilang isipin ay kung ang bukol ng bata ay sanhi ng cancer. Ngunit, katulad ng nabanggit, ang mga superficial tumors, tulad ng lipoma (fatty tumor) ay benign. 
  • Cysts. Ang mga ito ay madalas na nagmumula sa mga skin appendages na maaari namang ipatanggal sila ay lumalaki o nagdudulot ng pananakit. Makatutulong din ang pagtanggal nito upang maiwasan ang impeksiyon. Ang ilang mga cyst ay maaaring benign tumor. 
  • Enlarged lymph nodes. Ang mga bukol ng bata na kilala bilang mga lymph node ng ay maaaring lumaki kapag sila ay may sipon o impeksyon. Ito ay maaari namang bumalik sa normal kapag ang siya ay gumaling na. Subalit, dapat na ito ipatingin sa doktor kung mas malaki ito sa isang pulgada o mabilis itong lumalaki na isang kumpol.
  • Congenital lesions. Maraming uri ng congenital lesions. Maaaring mo itong mapansin kapag sila ay nahawahan, nagdugo, o nagreklamo ng pananakit. Ilan naman sa mga ito ay kadalasan mababaw lang, ngunit ang iba ay maaaring mas malaki at medyo mas malalim. Ito ay maaaring binubuo ng mga kumpol ng spongy lymph vessels sa ngalan ng lymphatic malformations. Gumagamit ng ultrasound imaging upang kumpirmahin ang diagnosis.
  • Breast lumps. Halos lahat ng mga bukol sa dibdib sa mga batang babae ay benign. Ang pinakakaraniwang uri ay fibroadenoma. Hindi naman ito nakakabahala maliban na lang kung mapapansin ang bilis ng paglaki nito na nagdudulot ng pananakit.

Kabilang ang kagat ng mga insekto, aksidente, kalyo, pigsa, o scalp hematoma sa mga maaaring sanhi ng bukol sa bata.

Kailan Hindi Dapat Mag-Alala

Karaniwan na nangyayari ang mga bukol sa bata na walang kongkretong kadahilanan. Hindi ka dapat mag-aalala kung:

  • Ang iyong anak ay hindi nakakaramdam ng sakit, o ang sakit ay nababawasan sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
  • Ang bukol ay mas mababa sa 2 cm, halos isang-kapat ang laki, at hindi na lumalaki pa.
  • Walang mga buto ang nabali.

Upang gumaling ito, maaari kang gumamit ng yelo at patuloy na papahingahin ang bata. 

Kailan Dapat Mag-Alala

Sa kabilang banda naman, ang mga sumusunod na kondisyon ang makapagsasabi sa iyo na dapat ka ng magambala na dalhin ang iyong anak sa doktor:

  • Ang bukol ay higit sa 2 cm, halos isang-kapat ang laki, o mas lumaki.
  • Hindi humuhupa ang sakit matapos ng dalawang linggo, na patuloy ang pagyelo at pahinga. Lalo pang lumalala ang pananakit. 
  • Nagigising ang bata sa gabi buhat ng sakit.
  • Nagkakaroon siya ng lagnat, o kung hindi naman ay nabawasan ang kanyang timbang.
  • Paika-ika ang kanyang paglakad sa isang panig ng kanyang katawan nang higit sa tatlong araw at hindi ito umiinam.
  • Siya ay naiirita at/o umiiwas sa mga aktibidad at sports na dati naman niyang kinahuhumalingan.

Key Takeaways

Karaniwan ang mga bukol sa uloo leeg ng mga bata. Ngunit, maaari rin itong matagpuan sa ibang parte ng katawan. Karamihan sa mga ito ay benign, ngunit ang ilan ay maaaring senyales ng nakapaloob na kondisyon. Siguruhing makipag-ugnayan sa iyong doktor tungkol sa bukol ng iyong anak upang maiwasan ang lubhang pag-aalala. 

Alamin ang higit pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lumps and Bumps in Children—What, Why, and When?, https://healthier.stanfordchildrens.org/en/lumps-and-bumps-in-children-what-why-and-when/  Accessed June 28, 2022

What to Do If You Discover a Lump on Your Child’s Neck, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/ear-nose-throat/Pages/What-to-Do-If-You-Discover-a-Lump-on-Your-Childs-Neck.aspx Accessed June 28, 2022

Skin Lump, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/skin-lump/ Accessed June 28, 2022

Lumps and Bumps in Kids: When to Worry , https://www.cuimc.columbia.edu/news/lumps-and-bumps-kids-when-worry Accessed June 28, 2022

Skin Lumps: When Parents Should Worry, https://health.choc.org/skin-lumps-parents-worry/  Accessed June 28, 2022

Kasalukuyang Version

08/03/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bukol sa Balat: Dapat ba itong Ipag-alala?

Bukol Sa Katawan: Alamin Kung Anu-Ano Ang Mga Ito!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement