Ano ang dapat na BMI ng mga bata sa Pilipinas? Ito ay mahalaga dahil ang body mass index (BMI) ay may mahalagang tungkulin sa pagtukoy ng malusog na pangangatawan.
Ano ang BMI?
Bago natin talakayin ang kahit na ano mula rito, kailangan muna nating maunawaan ano ang BMI. Ang Body Mass Index (BMI) ay ang sukat ng timbang ng isang tao kung ikukumpara sa kanilang taas. Hindi ito direktang sukat sa body fat ng isang tao bagaman ito ay madalas na ginagamit upang masukat angdami ng fat sa katawan. Ito ay sa kadahilanan na kung ang BMI ng isang tao ay tumaas ganoon din ang kabuuang body fat.
Ang karaniwang formula upang makuha ang BMI ay ang pag-divide ng timbang (kilograms) sa square ng taas (meters).
BMI Calculator
Bakit Mahalagang Malamang Ito?
Gaya nang nabanggit ang BMI ay karaniwang ginagamit bilang indikasyon ng body fat kaya’t ginagamit ito sa pagsukat ng banta sa kalusugan. Ito ay kadalasan na ginagamit ng healthcare professional upang matukoy sino ang nasa ilalim ng kategorya ng obese o overweight. Ang mga tao na nasa ilalim ng mga kategorya na iyon ay mas mataas ang banta ng pagkakaroon ng tiyak na problema sa kalusugan tulad ng sakit sa puso, diabetes, at hypertension.
Bagaman ang BMI ay kapakipakinabang na indicator, may mga tiyak na bagay na hindi nito kayang sukatin. Halimbawa, hindi nito masusukat ang aktuwal na komposisyon ng katawan. Tandaan, na ang katawan ay gawa sa iba pang mga components tulad ng buto at iba pang tissues. Ang BMI ay hindi nakapagbibigay ng sukat sa iba pang components ng katawan.
Dapat na BMI sa mga Bata
Ngayon naiisip mo siguro ang tungkol sa dapat na BMI para sa mga bata sa Pilipinas.
Ito ay mahalaga dahil ang maayos na BMI ay nangangahulugan na ang bata ay walang banta ng pagiging overweight, na kasama ng maraming mga banta sa kalusugan. Bilang isang magulang, nais mong malaman ang ideal na BMI para sa iyong mga anak. Sa paggamit ng BMI chart para sa mga bata sa pamamagitan ng edad sa ibang mga bansa, ay hindi reliable dahil ang mga batang Pilipino ay may ibang average na height kada edad.
Para sa mga bata, ang BMI ay hindi nasusukat sa tiyak na numero gaya ng sa matatanda. Ito ay sa kadahilanan na ang katawan ng mga bata ay mabilis na magbago at mabilis silang lumaki. Ang dami ng body fat na maaaring magkaroon sila ay mabilis din na lalago.
Percentile Ranking
Kaya’t para sa mga bata, ang kanilang BMI ay iba-iba at ito ay base sa kanilang edad at kasarian. Ito ay karaniwan na base sa indikasyon ng percentile, na nagbibigay ng indikasyon sa BMI ng bata kumpara sa mga bata na may parehong edad.
Upang makuha ang BMI ng bata, kailangan na kunin ang edad at kasarian ng bata at tignan na growth curve upang makumpara sa average na timbang at taas ng mga bata na may parehong edad.
Ang BMI percentiles ay grinupo sa mga kategorya na:
- Mas mababa sa 5th percentile, na nasa kategorya ng underweight
- Nasa pagitan ng 5th percentile hanggang 85th percentile, na nasa kategorya ng malusog na BMI
- Mula sa 85th percentile hanggang 95th percentile, nasa kategorya ng overweight
- Mula sa 95th na percentile at mas mataas pa na ang kategorya ay obese
Ang dapat na BMI para sa Asian ay iba mula sa ibang mga lahi, kaya’t dapat na maging maingat sa paggamit ng sanggunian sa pagsukat ng ideal na BMI.
Tanungin ang iyong Pediatrician
Kung ikaw ay nag-aalala tungkol as BMI ng iyong anak, kailangan mong direktang tanungin ang iyong pediatrician. Kung nararamdaman mo na ang iyong anak ay overweight o may tendensiya na maging obese, kailangan mong talakayin ito sa iyong doktor.
Tips sa Pagkakaroon ng Ideal na BMI para sa mga Bata
Muli, ang BMI ay hindi all-in-one na indicator para sa kalusugan ng isang tao, kabilang na ang mga bata. Gayunpaman, mainam na malaman ito, lalo na kung ikaw ay ginagabayan ng iyong pediatrician. Ngayon, narito ang ilang tips na maaari mong sundin upang makuha ang ideal na BMI. Ang mga ideya na ito ay makatutulong hindi lamang sa iyong mga anak ngunit para sa iyo rin.
Maghanda ng mga Prutas at Gulay
Sa ideal na aspekto, ang iyong pamilya ay kailangan na may 5 serving ng mga prutas at gulay araw-araw. Mas magiging madali kung ang iyong mga anak ay matututuhan na i-appreciate ang mga prutas at gulay sa murang edad pa lamang.
Upang mas mahikayat sila na kumain ng mga gulay, yayain sila na samahan ka maghanda ng mga pagkain. Sa pagsasagawa ng masayang paghahanda ng meal, mas magiging sabik sila na subukan ang ibang mga uri ng pagkain.
Mas Maging Aktibo
Limitahan ang dami ng oras ng iyong mga anak maging ang buong pamilya sa paggamit ng device at panonood ng TV. Mas kaunting oras na inilalaan sa device, mas maraming pisikal na gawain ang magagawa.
Siguraduhin na ang iyong buong miyembro ng pamilya ay magkakaroon ng pisikal na gawain, ng nasa 60 minuto kada araw. Kung posible, kailangan mong maglaan ng oras sa iyong pamilya upang magsagawa ng ehersisyo nang sabay-sabay. Sa ganitong paraan, maaari mong mahikayat ang bawat isa.
Magbawas ng Junk Food
Upang matulungan na makamit ang dapat na BMI sa mga bata, iwasan ang pagbibigay sa mga anak ng mga inumin na matatamis. Ang mga ito ay normal na naglalaman ng sobrang asukal para sa kanilang kalusugan. Mas mainam na ang iyong pamilya ay masanay na uminom ng tubig at ilaan ang mga matatamis na inumin sa tuwing may okasyon.
Gawing layunin ang malusog na pamumuhay para sa iyo at sa iyong pamilya. Laging may mas malusog na pagpipilian na mabibili.
Mahalagang Tandaan
Ang BMI ay maaaring maging mahalagang indicator para sa kalusugan ng iyong anak upang makamit ang maayos na kalusugan, kailangan mong isagawa ang tamang aksyon upang makamit ito. Ang magandang pag-uugali at isipan para sa diet at nutrisyon at ang ehersisyo ay maaaring malaki ang maitutulong sa iyong anak tungkol sa malusog na pamumuhay.
Kung napag-alaman na ang iyong anak ay obese o overweight, humingi ng tulong sa pediatrician ng iyong anak upang masiguro na ang kalusugan ng iyong anak ay nababantayan. Maaari silang magrekomenda ng akmang ehersisyo batay sa edad, nutrisyon, at ilang tips upang makatulong. Ngunit syempre, ang mga bata ay mas maa-adopt at susubukan ang mga malusog na gawain na ito kung nakikita nila sa kanilang mga magulang at ginagawa ng ibang matatanda.
Hikayatin ang iyong anak na makamit ang malusog na BMI sa pangangalaga ng sariling BMI. Maaari mong tingnan ang iyong ideal BMI gamit ang BMI calculator.
Matuto pa tungkol sa Parenting dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]