backup og meta

Bakit Mahalaga Ang Gawaing Bahay Ng Mga Bata? Heto Ang Kasagutan

Bakit Mahalaga Ang Gawaing Bahay Ng Mga Bata? Heto Ang Kasagutan

Alam ng maraming mga magulang na responsibilidad nilang turuan ang kanilang mga anak kung paano maging responsableng adults. Gayunpaman, maaaring maging mapanghamon sa ating turuan ang ating mga anak kung paano maging independent kung ang tingin pa rin natin sa kanila ay mga maliit na bata. Matuto kung bakit mahalaga ang gawaing bahay at paano magtatalaga ng mga gawain na makatutulong sa iyong mga anak.

Bakit Mahalaga Ang Gawaing Bahay Ng Mga Bata?

Isa sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip ang mga magulang na bigyan ng responsibilidad ang kanilang mga anak ay dahil iniisip nilang masyado pang bata ang mga ito. Gayunpaman, mas magiging mahirap silang turuan kapag malalaki na sila dahil hindi sila natuto nang maaga.

Maaaring mag-alangan ang mga magulang na magdagdag pa ng bigat sa mga gawain ng kanilang mga anak lalo pa’t pumapasok pa ang mga ito sa paaralan. Bukod dyan, ipinag-aalala rin ng mga magulang na baka makahadlang pa ang dagdag na gawaing bahay sa paglalaro ng kanilang mga anak. Buti na lang, puwede mong bigyan ng tamang balanse ng gawain at takdang aralin ang mga bata upang hindi sila masobrahan sa trabaho.

May ilang mga magulang na iniisip na pagiging makasarili ang pagbibigay pa ng mga gawaing bahay sa kanilang mga anak. Gayunpaman, maraming mga dahilan kung bakit mahalagang maghati-hati ng responsibilidad sa bahay. Narito ang ilang mga halimbawa kung paano magbebenepisyo ang iyong anak sa paggawa ng gawaing bahay.

1. Napatataas Nito Ang Kanilang Tiwala Sa Sarili

Bakit mahalga ang gawaing bahay? Isa sa mga pangunahing benepisyo ng pakikibahagi ng mga bata sa gawaing bahay ay napatataas nito ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Maraming bata ang nakararamdam na maging proud sa sarili kapag nakatatapos ng mga gawain. Ito’y lalo na kung pupurihin mo sila o bibigyan ng gantimpala sa paggawa nito. Halimbawa, magiging masaya ang iyong anak kapag natutuhan nila kung paano magtali ng sariling sintas ng sapatos sa unang pagkakataon.

Kapag nakatapos ng gawaing pangmatanda ang iyong anak nang may kaunti o walang tulong, pakiramdam niya ay malaki na siya at mas nagiging responsable na. Ang kailangan mo lang gawin ay hikayatin siyang magtiwala sa sarili na kaya niya itong gawin. Hindi nila kailangan ang babasahing nagpapaliwanag kung bakit mahalagang gawin ang mga gawaing bahay.

Ngunit magandang tandaan na hindi mo kailangang purihin nang sobra ang iyong mga anak. Bagaman nakapagpapataas ng kumpiyansa sa sarili ang pagpuri sa kanilang ginagawa, baka naman masanay sila rito at palagi nang maghintay ng papuri tuwing may gagawin sila.

bakit mahalaga ang gawaing bahay

2. Natututo Nang Mag-Isa Ang Mga Bata

Para sa mas nakatatandang anak, naghahanap sila ng paraan kung paano matututong mag-isa. Ang isang pinakamagandang paraan upang mahikayat silang maging independent ay ang pagbibigay ng mga responsibilidad na kaya nilang gawin.

Sa paghahati-hati ng responsibilidad sa gawaing bahay, mainam kung magbibigay ng gawain sa mga bata na akma sa kanilang edad. Kailangang alalayan mo sila sa ilang mga gawain. Bantayan sila habang gumagawa ng mga gawain sa unang pagkakataon. Paglaon, magagawa na nila ito nang mag-isa.

Kayang gawin ng mga batang nasa edad 2-3 taon ang mga simpleng gawain gaya ng paglalagay ng tubig sa inuman ng alagang hayop (habang binabantayan mo) at paglalagay ng maruming damit sa laundry basket. Puwede rin silang magwalis sa mga lugar na kaya nilang maabot. Sa mas malalaki nang bata, puwede na nilang matutuhan kung paano maghanda ng mesa at maglinis nito nang may kaunti o walang tulong. Puwede rin nilang pagbukurin ang iba’t ibang kulay ng mga damit at matutong panatiling malinis ang kanilang kuwarto sa pamamagitan ng pag-aayos ng kanilang mga gamit.

Puwede mo rin silang turuan tungkol sa personal na kalinisan gaya ng kung paano magsuklay ng sarili nilang buhok, magsipilyo, maligo, at iba pa. Ito ang mga gawaing kailangan nilang gawin sa araw-araw. Kung gusto mong mas higit silang maging independent, hayaan mo silang pumili ng damit na gusto nilang isuot sa araw-araw.

bakit mahalaga ang gawaing bahay

3. Natututunan Nila Ang Responsibilidad Sa Lipunan

Magrereklamo ang mga bata sa paggawa ng gawaing bahay kung hindi nila alam ang kahalagahan ng mga ito. Ipaunawa sa inyong mga anak na ang paggawa ng gawaing bahay ay nakatutulong upang mapanatiling maayos ang bahay. At dapat na maging bahagi nito ang bawat isang miyembro ng pamilya. Kapag naunawaan nila ito, maaaring mas pumayag silang kumilos at maging masayang mag-ambag ng tulong para sa buong pamilya.

Sa pagtuturo ng kahalagahan ng pakikiisa, gugustuhin din nilang maging bahagi ng mas marami pang gawain at makatulong. Mapapansin nila ang mga pangangailangan ng ibang tao at mag-iisip kung paano nila matutulungan ang mga ito.

Nakasalalay sa consistency ang pagtuturo ng konsepto ng pagsasama-sama at responsibilidad sa lipunan. Makabubuti kung magbibigay ka sa iyong anak ng gawaing masusundan nila. Mangangailangan ng panahon upang masanay sila. Ngunit kapag natutuhan na nila ito, gagawin na nila ito nang kusa. Subukan ang iba’t ibang tips upang magkaroon ng magagandang gawi at pag-uugali.

4. Natuturuan Sila Nitong Mag-Isip Kung Anong Gawain Ang Dapat Unahin

Magiging mahirap na turuan ang isang bata na i-enjoy ang paggawa ng gawaing bahay. Mas maraming mga aktibidad ang puwede nilang ma-enjoy nang lubos kaysa sa gawaing bahay. Gayunpaman, makatutulong sa iyo ang pagtuturo sa kanila kung anong mga gawain ang dapat unahin at tapusin.

Halimbawa, gustong lumabas ng iyong anak at makipaglaro sa mga kaibigan. Ngunit marami pa silang mga takdang aralin na dapat matapos. Makipag-usap sa kanila at ipaliwanag na kailangan nilang matapos muna ang takdang aralin. Pagkatapos nito, puwede nilang maging gantimpala ang makapaglaro ng paborito nilang video game. Sa ganoong paraan, mas gaganahan sila.

Gayunpaman, mahalagang huwag silang ipahiya kung hindi nila natapos o nagawa nang tama ang gawaing itinalaga mo sa kanila. Sa halip, turuan ang iyong mga anak kung paano maiiwasan ang katulad na sitwasyon sa susunod.

Key Takeaways

Bakit mahalaga ang gawaing bahay para sa mga bata? Lalaki nang husto ang iyong anak bilang tao sa oras na matuto siya ng mga responsibilidad at gawain sa murang edad. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kanila kung bakit mahalaga ang gawaing bahay, matututuhan nilang maging responsableng indibidwal na taglay ang mga kasanayang mahalaga upang mabuhay.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Confidence in Children | Psychology Today, https://www.psychologytoday.com/us/blog/creative-development/200903/confidence-in-children, Accessed October 7, 2020

How to Get Your Children to Do Chores | Psychology Today, https://www.psychologytoday.com/intl/blog/some-assembly-required/201907/how-get-your-children-do-chores, Accessed October 7, 2020

Chores and Children | Psychology Today,https://www.psychologytoday.com/us/blog/growing-friendships/201303/chores-and-children, Accessed October 7, 2020

(PDF) The Developmental Roots of Social Responsibility in Childhood and Adolescence, https://www.researchgate.net/publication/51858309_The_Developmental_Roots_of_Social_Responsibility_in_Childhood_and_Adolescence, Accessed October 7, 2020

Parenting: Raise Independent Children | Psychology Today, https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-power-prime/201011/parenting-raise-independent-children, Accessed October 7, 2020

Kasalukuyang Version

08/03/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Safety tips sa bahay para sa mga preschoolers

Wastong Pagkain, Paano Maituturo Sa Mga Bata? Alamin DIto


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement