backup og meta

Anu-ano ang pinagdaranaan ng mga single parent?

Anu-ano ang pinagdaranaan ng mga single parent?

Ang kasabihan ay: “ Kailangan ng isang barangay upang mapalaki ang isang bata.” Kung totoo ito, paano hinuhubog ng isang single parent ang mga bata kumpara sa may dalawang magulang sa tahanan? Ang dating bumubuo sa isang pamilya ay ibang-iba na ngayon kaysa noong nakalipas na 50 taon o higit. Ngayon nakikita natin ang mga uri ng pamilya sa lahat ng anggulo kasama dito ang  pagiging single parent. Ang bawat parenting arrangement ay may kani-kaniyang hamon ngunit may kanya-kanyang lakas. Alamin ang mga pinagdaranaan ng mga single parent. 

Single Parenthood sa Pilipinas

Napag-alaman ng mga awtoridad na mayroong 14 hanggang 15 milyong single parents sa bansa noong 2021. Nakakabigla na 95% sa kanila ay kababaihan. Ito ay ayon sa pag-aaral na ginawa ng Department of Health at University of the Philippines-National Institute of Health. Bukod dito, bawat walo sa 20 kababaihan ay nasa ““vulnerable employment positions.” Isama pa dito na pinalala ng pandemya ang mga hamon na karaniwang kinakaharap ngpagiging single parent. Samakatuwid, nagpasa ang mga mambabatas ng panukalang batas na naglalayong bigyan sila ng buwanang cash aid, automatic health insurance, at iba pang mga benepisyo.

Sa ilalim ng panukala, ang mga single parent ay maaaring:

  • Mga babaeng nanganak pagkatapos ng panggagahasa
  • Magulang na namatay ang asawa
  • Ang asawa ay nakakulong nang hindi bababa sa isang taon
  • Isang magulang na may pananagutan dahil sa legal o de facto na paghihiwalay sa kanilang asawa nang hindi bababa sa isang taon
  • Isa na ang kasal ay napawalang-bisa at may kustodiya ng mga anak
  • Mga inabandona ng kanilang asawa nang hindi bababa sa isang taon
  • Unmarried na piniling palakihin ang kaniyang anak
  • Sinumang nag-iisang nagbibigay ng pangangalaga at suporta ng magulang
  • Isang miyembro ng pamilya na may pananagutan bilang breadwinner dahil sa pagkamatay, pag-abandona, pagkawala, o matagal na pagkawala ng biological parent

Mga dahilan na nakakaapekto sa isang single parent family

Ang pagiging single parent na mag-isang nagpapalaki ng anak ay maaaring magdulot ng ilang partikular na isyu:

  • Mas mababang kita: Ang pagpapalaki ng isang bata ay mahal – pagkain, tirahan, damit, edukasyon, at libangan – at maaaring maging mahirap, lalo na para sa nag-iisang kumikita sa bahay.
  • Less involvement sa buhay ng bata: Sa ilang mga kaso, bagaman hindi lahat, maaaring hindi mabantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak nang madalas, dahil sa iskedyul ng kanilang trabaho.
  • Conflict: Para sa mga bata na ang mga magulang ay hindi nagtapos ng mga bagay nang maayos, maaaring magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa, na magdulot ng labis na emotional stress sa bata.
  • Malaking pagbabago sa buhay: Ang pagiging single parent ay minsan may kasamang mga pagbabago sa kanilang financial situation. Katulad ng kung anong paaralan ang pinapasukan ng bata, o ang relasyon ng bata sa magulang na hindi nila kasama. Tiyak na nakakaapekto ito sa pangkalahatang kapakanan ng isang bata.

Mga positibong epekto sa bata

Ang mga bagong mga problema ay may bagong lakas. Sa isang pamilyang may nag-iisang magulang, karaniwang makakita ang magagandang epekto sa bata. Sa katunayan, ang mga batang pinalaki ng single parent ay lumaking kasingsaya ng mga may dalawang magulang.

  • Natututo ang mga bata na maging malaya, mature, at responsable. Maaaring hilingin sa kanila na tumulong sa bahay at maging “partner” ng kanilang magulang sa tahanan.
  • Mas mahigpit ang ugnayan ng magulang at anak.
  • Ang mga nag-iisang ama ay madalas na may positibong pagiging single parent kaysa sa mga may-asawang ama. Ito ay kinabibilangan ng mga pamamaraan na nagpapatibay sa iyong relasyon sa iyong anak.
  • Ang pagiging single parent ay hindi gaanong umaasa sa mga tradisyunal na gender roles kaysa sa mga pamilyang may dalawang magulang.
  • Posible ang paggamit ng problem-solving sa halip na parusa kapag nahaharap sa mahirap na pag-uugali ng bata.
  • Nakakahanap sila ng support system sa mga kamag-anak, support groups, mga guro, kapitbahay o kahit na mga contact sa social agency.

Key Takeaway

Ang pagiging isang single parent ay maaaring maging mahirap. Ngunit kung isa ka sa kanila, hindi ito nangangahulugan na kailangan mong gawin ito nang mag-isa. Bagama’t maaari mong maramdaman ang pressure ng pagiging nanay at tatay mo sa iyong anak, ang mahalaga lang ay palakasin ang iyong relasyon sa kanila at humingi ng tulong sa iba kapag kailangan mo. Huwag kalimutan na alagaan ang iyong sarili. Tandaan, you cannot pour from an empty cup.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Senate passes bill expanding benefits for solo parents, https://www.rappler.com/nation/senate-passes-bill-expanding-benefits-solo-parents/. Accessed 25 Mar 2022

Expanded Solo Parents Bill passed in the Senate as Bong Go highlights commitment to promote welfare of solo parents, children, and other vulnerable groups, https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2021/1215_go2.asp#:~:text=There%20are%20currently%20an%20estimated,Philippines%2DNational%20Institutes%20of%20Health. Accessed 25 Mar 2022

Filipino single mothers bear the brunt of COVID-19, https://www.worldvision.org.ph/stories/filipino-single-mothers-bear-the-brunt-of-covid-19/. Accessed 25 Mar 2022

Why Single Parenthood Affects Children, https://www.purdue.edu/hhs/hdfs/fii/wp-content/uploads/2015/07/s_wifis02c04.pdf. Accessed 25 Mar 2022

Positive parenting, https://learning.nspcc.org.uk/research-resources/leaflets/positive-parenting. Accessed 

Single Parenting, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/single-parenting. Accessed 26 Mar 2022

Kasalukuyang Version

08/11/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement