backup og meta

Anu-ano Ang Mga Prutas Na Dapat Kainin Ng Mga Buntis?

Anu-ano Ang Mga Prutas Na Dapat Kainin Ng Mga Buntis?

Bilang magiging ina, ang kagustuhan mong maging malusog para din sa iyong dinadalang sanggol ay mahalaga. Ganoon na lamang ang pag-alam mo tungkol sa mga pagkaing makabubuti sa iyong pagbubuntis. Isa na rito ang mga prutas na dapat kainin ng buntis na makakabuti para sa iyo.

Kailangang Nutrisyon para sa Buntis

Ang pagpili ng masustansyang pagkain na kakainin ng isang buntis ay mahalaga. Sa kanilang kinakain nakadepende ang sustansyang kinakailangan ng sanggol para sa paglaki. At isa sa mga pagkain na puno ng sustansya ay mga prutas.

Narito ang ilan sa mga karaniwang nutrisyon na kailangan ng buntis:

  • Protina para sa dugo at cell na makukuha sa isda, puti ng itlog, beans, peanut butter at tofu
  • Carbohydrates para sa enerhiya sa araw-araw na makukuha sa tinapay, kanin, patatas, prutas, gulay at pasta
  • Calcium para sa matibay na buto at ngipin na makukuha sa gatas, keso, at yogurt
  • Iron para maiwasan ang anemia na makukuha sa whole-grain na tinapay at cereal
  • Folate upang mabawasan ang panganib para sa mga problema sa neural tube

Prutas na dapat kainin ng buntis

Ilan sa mga prutas na makatutulong at makapagbibigay ng nutrisyong kinakailangan ng buntis ay ang sumusunod:

Mansanas

Isa sa karaniwang problemang nararanasan ng mga buntis ay ang pagkakaroon ng almoranas. Matutulungan ng mansanas na maiwasan ito ng buntis. Ang prutas na ito ay mayaman sa fiber na tumutulong sa pagsasaayos ng digestion ng babae. Bukod rito, mayaman din ang mansanas sa vitamin A at C, at potassium.

Lemon at Orange

Ang mga prutas na citrus tulad ng lemon at orange ay mayaman sa vitamin C. Tinutulungan ng bitamina na ito na maiwasan ang pagkasira ng cell. Gayundin, tumutulong ito upang mas maayos na ma-absorb ng katawan ang iron.

Nagtataglay rin ng folate ang orange na tumutulong upang maiwasan ang anumang problema sa neural tube. Ito ay nakatutulong na hindi magkaroon ng abnormalidad sa utak at spinal cord ng sanggol.

Saging

Isa ang saging sa prutas na mayaman sa potassium. Ganoon pa man, malaki ang naitutulong nito sa buntis upang pag-regulate ng blood pressure at likido sa katawan ng babae. Naiiwasan din ang mga cramp o pananakit ng binti sa mga huling yugto ng pagbubuntis.

Kiwi

Mayaman ang kiwi sa folic acid na tumutulong upang maiwasan ang problema sa paglaki ng sanggol. Sinisigurado rin nito na nagdadala ng oxygen sa sanggol ang dugo ng ina.

Pakwan

Ang pakwan ay mayaman sa vitamin A, C, at B6 maging sa potassium at magnesium. Maaaring maiwasan ang premature contractions sa panahon ng pagbubuntis dahil sa prutas na ito. Bukod rito, nilalabanan din ng pakwan ang morning sickness. Binabawasan din nito ang heartburn at higit ay maiwasan ang dehydration.

Berries

Kabilang sa uri ng prutas na ito ang strawberry, blueberry at raspberry. Mayaman ang mga ito sa antioxidant na tumutulong upang maiwasan ng buntis at sanggol ang malalang sakit. Gayundin, nagtataglay rin ito ng vitamin C at fiber. 

Mangga

Mayaman ang mangga sa vitamin C at A. Ito ay mahalagang bitamina na dapat makuha ng isang buntis.

Sa katunayan, ang sanggol na kulang sa vitamin A ay maaaring mataas ang tyansa na magkaroon ng komplikasyon.

Abokado

Ang prutas na ito ay nagtataglay ng vitamin C, E, at K, fiber, potassium at copper. Tumutulong ito upang mapalakas ang mga cell na responsable sa pagbuo ng balat at tisyu ng utak ng sanggol. Habang ang potassium naman ay maaaring maging lunas sa cramp ng mga binti ng buntis.

Bayabas

Ang bayabas ay prutas na mayaman sa vitamin C at E at folate. Tumutulong ang pagkain ng bayabas upang mabawasan ang constipation.

Key Takeaways

  • Mahalagang alamin ang mga pagkain na makabubuti sa iyong pagbubuntis.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay sa panahon ng pagbubuntis upang makatulong sa maayos na paglaki ng sanggol.
  • Kumonsulta palagi sa iyong doktor upang masubaybayan ang iyong pagbubuntis.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eating During Pregnancy

https://kidshealth.org/en/parents/eating-pregnancy.html

Accessed August 1, 2022

Pregnancy Week by Week

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-nutrition/art-20043844

Accessed August 1, 2022

18 Best Foods to Eat During Pregnancy

https://www.whattoexpect.com/pregnancy/eating-well/week-11/big-nutrition-small-packages.aspx

Accessed August 1, 2022

An Essential Guide on What to Eat During Pregnancy

https://www.fhcsd.org/prenatal-care/what-to-eat-during-pregnancy/

Accessed August 1, 2022

Fruits During Pregnancy: The Good, The Bad, and The Unhealthy

https://www.allaboutwomenmd.com/pregnancy-prenatal-care/fruits-during-pregnancy.html

Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement