backup og meta

Ano Ang Perineal Massage At Paano Ito Nakatutulong Sa Buntis?

Ano Ang Perineal Massage At Paano Ito Nakatutulong Sa Buntis?

Sa mga buwan bago ang iyong panganganak, napakaraming first-time experiences na maaaring maglaro sa iyong isipan. Isa na rito ang proseso ng panganganak. Dahil sa mga pelikula, dumami ang mga kababaihang takot nang dumanas sa prosesong ito. Higit pa sa panganganak, ang tila kinatatakutan nila ay ang mga hiwa at sakit na dulot ng parehong vaginal delivery at C-section. At lalo na sa kaso ng vaginal delivery, kung saan mapupunit ang sensitibong perineum, at sa gayon ay kakailanganin ng mga tahi. Kung iisipin, ito ay parang isang masakit na karanasan. Ngunit, huwag mag-alala, may isang bagay na maaaring makatulong at ito ang perineal massage. Ano ang perineal massage?

Maaaring ihanda ka ng perineal massage para sa panganganak, sa pisikal na paraan. Kung plano mong dumaan sa natural birth at ang iyong gynecologist ay sang-ayon sa iyong desisyon, kung gayon ang masahe na ito ay malaki ang maitutulong para sa iyo. Alamin natin kung paano.

Ano ang Perineal Massage?

Ang perineum ay tumutukoy sa lugar sa pagitan ng iyong vaginal opening at rectum. Maaaring makaranas ito ng maximum tear habang isinasagawa ang vaginal birth. Ito ay dahil sinusubukan ng sanggol na itulak ang sarili palabas mula sa birth canal. Maaaring tumagal ng ilang buwan bago gumaling ang perineum tear na ito, depende sa kung paano isinagawa ang iyong panganganak. Ang perineal massage ay isang manu-manong paraan ng pag-stretch at paglambot sa perineum tissue upang maging mas maayos ang pangangak. Samakatuwid, magiging maayos din ang quick post-delivery recovery. 

Habang sinusuportahan ng iyong perineum ang bituka, pantog, at buong reproductive system, ito ay binuo upang natural na ma-stretch sa panahon ng panganganak. Ngunit ito ay maaaring maging mas mahirap, lalo na kung mayroon kang isang matibay na pelvic floor. Ang perineal massage ay maaaring makatulong sa pagtaas ng sirkulasyon ng dugo at ihanda ito upang ma-stretch para sa panganganak.

Ang mas mahabang pagka-unat ay nangangahulugan ng mas kaunting pagkapunit, na maaari ring makabawas sa sakit at discomfort.

Ano ang Perineal Massage At Bakit Kailangan Mo Itong Gawin?

Ang perineal massage ay mahalaga upang maging komportable ka sa parehong pisikal at mental na aspeto. Bago mag-abiso ang isang pangkat ng mga eksperto sa delivery room, kinakailangan na mailatag nang maayos ang proseso ng panganganak.

Ang masahe na ito ay magbibigay din ng kumpiyansa sa iyong panganganak. Ayon sa mga gynecologist, dapat simulan ang perineal massage sa pagitan ng 34-36 na linggo, habang malapit ka sa iyong due date.

Ano ang Perineal Massage At ang mga Benepisyo Nito?

Matapos malaman kung ano ang perineal massage, atin namang talakayin ang mga benepisyong hatid nito sa isang nagdadalang-tao. 

Ang perineum tear ay pansamantala ngunit napakaraming hindi kanais-nais na kalalabasan. Maaari itong humantong sa mga sumusunod:

  • Impeksyon
  • Mga tahi ng episiotomy buhat ng panganganak
  • Sekswal na abala
  • Limitadong paggalaw

Kung gayon, ang perineal massage ay makakapagligtas sa iyo mula sa mga problemang ito:

  1. Mas magiging handa ka para sa panganganak dahil ang perineal massage ay makakatulong sa iyo na maunawaan kung ano ang maaari mong maramdaman habang nanganganak. Ang regular na pagmasahe ng perineal area ay makatutulong din sa pagrerelaks nito bago magsimula ang panganganak.
  2. Kung mayroon kang matigas o stiff na perineum, ang masahe na ito ay maaaring makatulong na mapaluwag ito nang onti.
  3. Habang regular mong minamasahe ang perineal area, tataas ang sirkulasyon ng dugo. Nangangahulugan ito na ang iyong mga tisyu ay lalakas din upang maayos na madala ang panganganak.
  4. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang perineal massage ay maaaring pababain ang pagkakataon makaranasas ng perineum tear.

Ano ang perineal massage? Nababawasan ang pagkakataon mong makakuha ng vaginal stitches ng humigit-kumulang 10%, habang binabawasan ang pangangailangan para sa episiotomy ng humigit-kumulang 15%. Bagama’t ang porsyentong ito ay nasa mas mababang bahagi, ang anumang bagay ay mainam na kaysa sa wala sa puntong ito.

Mga Pamamaraan Kung Paano Isinasagawa ang Perineal Massage

Upang maisagawa ng perineal massage, kakailanganin mo ng natural oil tulad ng sunflower, olive, o grapeseed, o isang walang amoy na personal lubricant. Ayon sa mga eksperto, maaari ring gamitin ang vaginal lubrication ng mga babae kung sila ay komportable dito. Tandaan na huwag gumamit ng mga artipisyal na langis o lubricant dahil ito ang pinakasensitibong bahagi ng iyong katawan. Hindi namin gusto ang anumang pantal o impeksyon bago ang panganganak.

Dapat ito ay maisagawa sa maximum na 5-8 minuto. Hindi dapat maging labis ang pagmasahe dahil ang maselan ang partikular na lugar na ito. Maaari itong humantong sa sirkulasyon ng dugo sa mga lugar naman kailangan at magkaroon ng mga pantal. Kaya, panatilihin itong mabagal at banayad.

Steps

  1. Hugasan ang pelvic floor nang maayos. Maaari mo rin itong gawin habang naliligo, hangga’t ang sabon ay hindi nakapasok sa iyong vagina. O maaari mong linisin nang lubusan ang iyong mga kamay at ang pelvic region bago i-masahe.
  2. Sumunod ay kailangan mong umupo sa komportableng posisyon. Maaari kang humiga sa kama nang nakabukaka o kaya naman ay nakaupo sa tuwid na posisyon habang nakabuka ang mga binti. Ang importante ay maabot mo ang iyong perineum.
  3. Kumuha ng kahit anong natural oil, tulad ng sunflower o olive, at ipahid ito sa parehong hinlalaki. Ngayon dahan-dahang ilagay ang iyong mga hinlalaki sa loob ng iyong mga vaginal walls, hanggang sa unang buko. Maaari kang gumamit ng salamin kung hindi ka sigurado kung paano ito gagawin. Lagyan ng kaunting presyon gamit ang iyong mga hinlalaki mula sa mga vaginal walls patungo sa anus at likod. Dahan-dahaning ang pagsasawa nito. 
  4. Kapag patuloy mong naaunat na ang lugar mula sa iyong vaginal walls papunta sa iyong anus, maaari kang makaramdam ng slight burn o tingling sensation. Ito ay normal. Ituloy lang ang pagsasagawa nito hanggang sa makagawa ka ng U-shape motion sa pamamagitan ng paggalaw ng iyong mga hinlalaki pataas at papasok.
  5. Ang iyong vaginal tissues ay mauunat sa loob ng mahabang panahon. Mahalagang ikaw ay pisikal at mental na nakakarelaks habang iminamasahe ito. Kapag nasanay ka na sa masahe, awtomatikong magiging komportable ang iyong katawan dito.

Mga Munting Paalala

  1. Kung hindi ka komportable na gawin ito nang mag-isa, maaaring gawin ito ng iyong partner para sa iyo. Gayunpaman, siguraduhing malinis niyang mabuti ang kanyang mga kamay bago ito gawin. Hilingin din sa kanya na gamitin ang kanyang mga hintuturo at hindi ang mga hinlalaki para sa perineal massage.
  2. Pagkatapos ng ilang linggo ng regular na perineal massage, mararamdaman mo na ang vaginal tissue ay mas lumuwag na kumpara dati at umuunat na nang maayos. Ito ay isang magandang senyales at nangangahulugan na ang masahe ay epektibo. Kung gagawing regular, ang iyong vaginal skin ay magiging mas malambot at tataas din ang pagkaelastiko nito. 
  3. Kung mayroon kang anumang uri ng impeksyon o genital herpes, agad na ihinto ang pagsasagawa ng masahe. Maaaring kumalat ang herpes sa natitirang bahagi ng tract.

Ano ang perineal massage? May mga pagkakataon na ang perineal massage ay maaaring hindi gumana para sa ilang mga magiging ina. Gayunpaman, ito ay hindi nakakapinsalang masahe na nag-aalok ng ilang mga benepisyo.

Alamin ang iba pa tungkol sa Paghahanda dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is perineal massage and how is it done? https://www.babycentre.co.uk/x1955/what-is-perineal-massage-and-how-is-it-done/Accessed on March 24, 2020

Perineal Massage During Pregnancy/https://americanpregnancy.org/first-year-of-life/perineal-massage-pregnancy/Accessed on March 24, 2020

What is the evidence for perineal massage during pregnancy to prevent tearing, https://www.lamaze.org/Connecting-the-Dots/what-is-the-evidence-for-perineal-massage-during-pregnancy-to-prevent-tearing, Accessed June 17, 2021

Perineal techniques during the second stage of labour for reducing perineal trauma, https://www.cochrane.org/CD006672/PREG_perineal-techniques-during-second-stage-labour-reducing-perineal-trauma, Accessed June 17, 2021

Kasalukuyang Version

05/09/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kailan Dapat Mag PT? Mga Dapat Tandaan Pagdating sa Pregnancy Test

Spotting ng buntis: Isa ba itong maagang sintomas ng pagbubuntis?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement