backup og meta

Gabay sa Pagbubuntis Para sa mga Ama: Heto ang mga Dapat Tandaan

Gabay sa Pagbubuntis Para sa mga Ama: Heto ang mga Dapat Tandaan

Para sa maraming first-time na ama, maaaring maging mahirap ang pag-alam ng lahat ng mga bagay na kailangan mong gawin upang mapangalagaan ang iyong kapareha at ang iyong anak. Ito ang dahilan kung bakit bumuo kami ng isang madaling gamitin na gabay sa pagbubuntis para sa mga ama upang gawing mas madali ang mga bagay para sa iyo!

Gabay sa Pagbubuntis Para sa mga Ama

Ang pagiging ama ay may malaking responsibilidad na ginagampanan. Hindi na lang ang iyong sarili at ang iyong kapareha ang inaalagaan mo, kundi pati na rin ang inyong anak. Ito ay maaaring maging parehong kapana-panabik at nakakatakot na sandali. Sapagkat, pagkatapos ng lahat, nais lamang ng mga ama maging pinakamahusay na maaari nilang maging para sa kanilang mga pamilya.

Ang iyong tungkulin bilang isang ama ay hindi lamang magsisimula kapag ang iyong kapareha ay nanganak. Mayroong maraming mga bagay na maaari mong gawin sa panahon ng pagbubuntis ng iyong kapareha upang gawing mas maayos ang mga bagay-bagay.

Gabay Habang Nagbubuntis

Suportahan ang iyong kapareha habang nagbubuntis

Kaakibat ng pagiging supportive na ama ang paglalaan ng oras upang dalhin ang iyong kapareha sa mga appointment sa doktor para sa chek-up.  Dagdag pa rito, nararapat din na ikaw ay magsikap sa pagtulong at matiyak na malusog ang iyong kapareha sa panahon ng kanyang pagbubuntis.

Hindi mo lang napaparamdam ang iyong suporta sa pagsama sa iyong kapareha sa kanyang mga check-up, ngunit nagkakaroon ka rin ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa paglaki at pag-unlad ng iyong anak.

Dumalo ng mga klase para sa mga magiging tatay

Isa pang maaari mong gawin bilang isang first-time na ama ay ang pagdalo ng mga pregnancy classes. Mayroong mga klase para sa mga mag-asawa, at mayroon din naman para sa mga first-time na ama.

Ang mga naturang klase ay makatutulong upang bigyan ka ng mga mahahalagang impormasyon, tips, at gabay kapag napanganak na ang bata. Kung ikaw ay mga takot o pangamba, ang pakikipag-usap sa mga first-time na ama sa klase ay makatutulong rin na gumaan ang iyong pakiramdam at maging kampante ka sa mga abilidad mo bilang tatay.

Maging ‘present’ sa panganganak

Panghuli na kabilang sa unang parte ng gabay sa pagbubuntis para sa mga ama ay ang presensya mo sa panahon ng panganganak. Maaaring maging mahirap na proseso ang panganganak para sa ina. Kung kaya, dapat mong ibigay ang iyong suporta sa iyong kapareha sa lubos na iyong makakaya.

Siyempre, hindi mo rin gustong palampasin ang mga unang sandali ng iyong bagong silang na sanggol! Kaya kung maaari, subukang nandoon ka kapag manganganak ang iyong kapareha.

Gabay Matapos ang Pagbubuntis

Ngayon na ang iyong kapareha ay nanganak na, kailangan mo namang gampanan ang mga bagong responsibilidad bilang ama. Narito ang ilan sa mga bagay na kailangan mong tandaan:

Maging proactive pagdating sa mga responsibilidad

Una sa listahan ng gabay sa pagbubuntis para sa mga ama ang pagiging proactive sa mga tungkulin. 

Ito ay nangangahulugan na ikaw ang dapat na magkusa pagdating sa mga gawain at iba pang responsibilidad sa bahay. Kung ang iyong partner ay nag-aalaga ng inyong sanggol, gawin ang iyong makakaya upang tumulong sa pagluluto, paglilinis, at pamamahala ng buong bahay.

Kung ang iyong kapareha ay tila pagod na o nais ng magpahinga, huwag mag-atubiling mag-alok na alagaan ang iyong sanggol habang siya ay natutulog. Ang pagpapasuso at pag-aalaga sa isang bagong panganak ay maaaring maging lubhang nakakapagod, lalo na para sa isang kakapanganak pa lang.

Kaya bilang partner niya, dapat ikaw ang magkusa para hindi masyadong ma-stress ang iyong kapareha. 

Alamin ang baby’s cues

Sa pag-aalaga ng iyong sanggol, mahalaga na malaman mo rin ang kanilang cues. Dapat alam mo kung siya ba ay gutom, antok, o kailangan na magpalit ng diaper. 

Makatutulong ang pag-alam ng baby’s cues upang mapadali ang pangangalaga sa iyong anak.

Maglaan ng maraming oras kasama ang iyong anak

Ang panghuli sa gabay sa pagbubuntis para sa mga ama na ito ay ang paglalaan ng maraming oras kapiling ang iyong sanggol. Ito ay makatutulong na paigtingin ang inyong bond, at mararamdaman din ng iyong anak na siya ay ligtas kasama ka.

Huwag kalimutang pahalagahan ang lahat ng mga sandaling ito. Bilang isang ama, ito ang mga alaala na dadalhin mo sa buong buhay. 

Mahalagang Mensahe

Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan tungkol sa pagiging isang first-time na ama ay ang hindi pag-overthink ng mga bagay-bagay. Ang pagiging ama ay isang bagay na kailangan mong maranasan bago ka masanay. Huwag mong masyadong pahirapan ang iyong sarili kung nahihirapan kang alagaan ang iyong sanggol. Kalaunan ay malalaman at mauunawaan mo rin ang mga ito. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Paghahanda dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Becoming a Dad: Advice for Expectant Fathers • ZERO TO THREE, https://www.zerotothree.org/resources/1838-becoming-a-dad-advice-for-expectant-fathers, Accessed November 25, 2020

Pregnancy, birth and beyond for dads and partners – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/dad-to-be-pregnant-partner/, Accessed November 25, 2020

Pregnancy: where do men fit in? | Raising Children Network, https://raisingchildren.net.au/pregnancy/dads-guide-to-pregnancy/early-pregnancy/pregnancy-where-men-fit-in, Accessed November 25, 2020

Being a dad | Pregnancy Birth and Baby, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/being-a-dad, Accessed November 25, 2020

Pregnancy guide for dads | Family Lives, https://www.familylives.org.uk/advice/pregnancy-and-baby/becoming-a-dad/pregnancy-and-birth-a-guide-for-dads-to-be/, Accessed November 25, 2020

Kasalukuyang Version

11/20/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Kailan Dapat Mag PT? Mga Dapat Tandaan Pagdating sa Pregnancy Test

Spotting ng buntis: Isa ba itong maagang sintomas ng pagbubuntis?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement