Napapalibutan ng membranous sac ang fetus sa loob ng uterus kung saan naglalaman ito ng fluid na tinatawag na amniotic sac. Pinoprotektahan ng sac na ito ang sanggol at pati na rin sa mga trauma o pressure tuwing nagbubuntis. Kapag pumutok ang sac na ito, dadaloy ang fluid mula sa sac papuntang cervix at vagina. May kaugnayan ang pagputok ng panubigan sa paglabas ng hormones na kinakailangan para magsimula ang contractions na magsisimula ng panganganak. Alamin pa dito ang tungkol sa panubigan sa pagbubuntis at kung ano ang dapat asahan mula dito kapag pumutok na ito.
Panubigan sa pagbubuntis: Ano ang gagawin kapag pumuntok ito
Maaaring inaasahan mo ang madramang karanasan pero napakabihira lang nito mangyari. Karamihan sa mga babae ang nagkakaroon muna ng regular contraction bago ang pagputok ng panubigan nila. Kapag pumutok na ang iyong panubigan, makararamdam ka ng popping sensation kasabay ng pagtulo ng fluid. Ang amniotic fluid, isang malinaw at walang amoy na fluid, maaaring mapagkamalan itong ihi sa una.
Kadalasan, natutukoy ng kababaihan ang pagkakaiba nito. Kung hindi naman, kailangan mong makipag-usap sa iyong gynecologist na magsasagawa ng pisikal na pagsusuri at mag-te-test sa iyo upang malaman kung lumalabas ba ang fluid.
Tandaan ang kulay at amoy ng fluid sa unang beses itong maramdaman. Kung kayumanggi o berde ang kulay nito, ibig sabihin may dumaan na dumi sa matris galing sa iyong anak at nangangahulugan na kailangan ng monitoring kung sakaling magkaroon ng ingestion. Pagputok ng panubigan, gumamit dapat ng pad upang masalo ang fluid at makaiwas sa impeksyon.
Panubigan sa pagbubuntis: Ano ang mangyayari kung maagang pumutok ang panubigan?
Kadalasan, nangyayari ang pagputok ng panubigan sa simula at sa oras ng panganganak. Sa ilang pagkakataon, pumuputok din ang panubigan bago magsimulang manganak. Tinatawag itong prelabour rupture of membranes (PROM).
Sumusunod ang mga risk factors sa PROM:
- History ng preterm PROM sa nakaraang pagbubuntis
- Fetal membrane inflammation (Intra-amniotic infection)
- Vaginal bleeding o abnormal discharge tuwing ikalawa at ikatlong trimester
- Underweight at mahina ang nutrisyon ng ina
- Maikling cervical length
Maaaring mauwi ito sa mga posibleng komplikasyon tulad ng maternal o fetal distress, mga impeksyon, placental abruption kung saan nagbabalat ang inunan mula sa inner wall ng matris bago ang panganganak at mga komplikasyon sa umbilical cord.
Kung nangyari ang pagputok ng panubigan sa loob ng 37 na linggo o bago pa ito, tinatawag itong preterm PROM. Maaaring mapatagal ng gynecologist ang iyong pagbubuntis ngunit kadalasang ipinapanganak na nang premature ang bata. Kung mayroong preterm PROM at halos 34 linggong buntis na, inirerekomenda ang panganganak para makaiwas sa impeksiyon.
Kung nasa pagitan naman ng 24-34 na linggo ng pagbubuntis, maaari namang patagalin ng obstetrician ang iyong pagbubuntis para matiyak na mas developed ang sanggol. Makatutulong panlaban sa prematurity ang isang shot ng antibiotics para sa impeksyon at potent steroids para mapabilis ang paglaki ng baga ng sanggol.
Anong mangyayari kung hindi pumutok ang panubigan?
Kung nagpapakita ng mga senyales ng pagkabalisa o may nakaplanong induction of labor, maaaring mano-manong putukin ng obstetrician ang iyong panubigan. Tinatawag na amniotomy ang prosesong ito at gumagamit ng manipis na plastic hook ang obstetrician upang gumawa ng maliit na hiwa sa amniotic sac para makalabas ang fluid nito.
Maaaring mangailangan din ng procedure ang ilang kababaihan na nakararanas ng contraction at panganganak nang hindi pumuputok ang kanilang panubigan.
Habang papalapit na sa iyong due date, natural lang na mabalisa at matakot sa panganganak. Kaya para maging handa, magtago ng mga sanitary pad sa iyong banyo at pitaka. Maaari ka ring maglagay ng plastic cover sa iyong kutson kung sakaling mangyari ang pagputok ng panubigan sa gabi habang natutulog. Tandaang natural na bahagi ito ng panganganak at naghuhudyat lang ng magandang simula. Dahil isisilang na ang iyong anak.
kumonsulta sa iyong doktor kung may mga tanong ka pa tungkol sa panubigan sa pagbubuntis.