Ang panganganak ay natural na paraan ng mga nanay na nagbibigay ng kasiguraduhan na magkaroon ng mga susunod na henerasyon sa mundo. Mahirap ang panganganak. Ito ay kulminasyon ng isang babae at ang panimula ng buhay ng sanggol sa mundo. Nakikita na mapanganib ang panganganak at kahit noong unang panahon pa man. Sa ngayon, nabawasan ang maternal-neonatal morbidity at mortality sa tulong ng agham.
Ang abdominal delivery para sa mahirap na obstructed labor ay may banta ng pagkamatay sa parehong nanay at baby. Gayunpaman, para sa karamihan ng mga babae na mapalad na sumailalim sa natural na paraan ay mas nagiging memorable ito.
Ano ang ibig sabihin ng Natural Vaginal Birth?
Mula sa salitang ‘natural’, ibig sabihin nito na panganganak na walang gamit na kahit na anong gamot, o maging para sa pagkontrol ng sakit o sa pag-simulate ng contractions. Ang normal na pamamaraan ng labor ay sinusundan ng kaunting interbensyon o hindi kaya wala.
Hindi lang ito tulad ng panganganak sa bahay, maaaring mangyari ang natural vaginal birth sa mga paanakan o ospital. Bago magpasyang sumailalim sa natural vaginal birth, kinakailangan na matingnan ang:
- Hindi dapat na malapit ang placenta o hindi dapat natatakpan ang cervical opening
- Ang posisyon ng baby ay hindi transverse
- Ang pelvis ng nanay ay sakto o tama
Natural na Pagkontrol ng Sakit Habang nasa Labor
Walang regional anesthesia o epidural para sa pagkontrol ng sakit. Tinutulungan ang nanay na gumamit ng complementary at alternatibong paraan para sa pagkontrol ng sakit. Narito ang ilang halimbawa ng mind-body intervention na ginagamit sa pagla-labor.
- Ang Lamaze technique ay base sa Pavlovian na konsepto ng conditioned reflex training. Sa pamamagitan ng pagtuon sa tiyak na breathing patterns o concentration points, posible na harangan ang pain messages sa utak.
- Nagtuturo ang Bradley method sa mga mag-partner na maunawaan ang natural na proseso ng panganganak. Ito ay paraan ng pagtaas ng self-awareness ng isang babae, paano haharapin ang stress ng labor sa pag-tune sa kanyang katawan.
- Ang hypnosis ay hinahayaan ang babae na mapunta sa estado ng konsentrasyon na hindi siya malay, ngunit hindi bulag sa kanyang paligid. Maaaring makabawas ng pagkatakot, pag-aalala, at sakit habang nagla-labor.
- Ginagamit ang music therapy upang magsulong ng relaxation at pagkakalmado. Sa obstetrics, ang mabagal at malumanay na uri ng awit ay maaaring gamitin bilang sedative sa maagang pagla-labor. Ang awit na may steady na ritmo ay maaaring gamitin bilang stimulant upang magsulong ng paggalaw sa mga panghuling hakbang.
- Ang Sayuntis, ang termino mula kay Dr. Fay Cagayan ay kombinasyon ng belly dancing, yoga, at ibang nakatutuwang paggalaw para sa mga buntis na kabilang ang malalim na konsentrasyon. Kabilang din ang paggalaw ng tiyan, at isolation ng muscles tulad ng mga itinuturo sa mga klase sa paghahanda na manganak.
- Ang touch therapy gamit ang massage o caring touch na may pinagsamang positibong reassurance ay nakikita na epektibo. Itinala ng mga babae ang pagkabawas ng depresyon, pag-aalala at sakit sa binti at likod habang nagla-labor.
- Nakatutulong din makabawas ng sakit ang aromatherapy sa huli at nagsisimulang aktibong phase, at maaaring gamitin bilang adjunctive na pamamaraan upang makontrol ang sakit nang walang seryosong side effects. Maaaring mag-activate ang mga essential oils ng tiyak na mga bahagi ng iyong utak upang mag-manage ng emosyon. Nare-release rinng feel-good brain chemicals tulad ng serotonin na nakapagpapakalma.
Natural na Paraan ng Panganganak: Paraan upang Isulong ang Uterine Contractions
Upang mag-stimulate ng contractions ang uterus nang walang ginagamit na oxytocin drip, hinihikayat na maglakad ang babae at kumilos.
Ang maya’t mayang pag stimulate ng utong ay ipinapayo rin. Maaaring payuhan ang babae na mag-stimulate ng isang suso, sa kanyang damit nang ilang ulit.
Upang magsimula ang labor at natural na paraan ng panganganak, maaaring gawin ang membrane stripping. Habang ineeksamin ang loob, ang health care provider ay magpapasok ng mga daliri sa iyong cervix at marahan na gagamitin ang mga daliri upang mahiwalay ang panubigan mula sa side ng uterus malapit sa cervix.
Madali itong magagawa sa office o sa kwarto ng pagla-labor habang nasa regular na pelvic exam.
Paraan ng Natural na Panganganak
Kung ang babae ay nasa aktibong bahagi na ng pagla-labor — yun ang panahon kung kailan dilated na ang cervix ng 6 na cm o mas malaki pa — maaaring pumutok na ang panubigan. Ang amniotomy, o artificial rupture ng membrane ay kilala sa tawag na “pagputok ng panubigan”.
Ito ang nagpapasimula ng proseso ng pagla-labor. Ito ay isinasagawa ng mga propesyonal na may kasanayan at natimbang na ang mga pros at cons ng pagsasagawa ng amniotomy.
Ang natural na panganganak, sa pangkalahatan ay bagaman na fulfilling ito rin ay napakasakit na karanasan para sa isang babae. Kung ang cervix ay fully dilated at ang nanay ay kinakaya, ang mga positibong reassurance at coaching ay nakatutulong sa mahalagang stage na ito.
Ang pain threshold ay iba-iba sa mga babae. Ngunit para sa karamihan, ang sakit sa labor at panganganak ay ang pinakamataas sa scale ng sakit. Matapos na ipanganak ang baby, maaaring may hiwa sa paligid ng puki at bahagi ng vulvar (ilabas na parte ng ari ng babae).
Kung labis ang pagdurugo, lalagyan ito ng panandaliang pressure. Kung may pagdurugo sa bahaging ito, aayusin. Sa puntong ito, bibigyan ng local anesthesia ang babae upang mamanhid ang bahagi na aayusin.
Kung hindi ito, isasagawa ang pagtatahi nang walang kahit na anong gamot at ang sakit ng bawat karayom ay tatama sa tissue.
Matapos ang Natural na Panganganak
Matapos ang panganganak, agad na inirerekomenda ang skin to skin na contact ng nanay at anak. Ito ay nagsasagawa ng maagang bonding at nagbibigay ng init para sa baby.
Dadamhin ng healthcare provider ang uterus mula sa tiyan upang tingnan kung ito ba ay contracted. Ito ay may pakiramdam na matigas tulad ng basketball. Matapos masiguro na kumpleto na ang placenta at wala nang pagdurugo, maiging imo-monitor ang nanay at baby.
Anong rewarding sa natural na paraan ng panganganak? Maliban sa mabilis na recovery, ang karanasan ay nagsasabing empowering para sa mga babae. Ito ay nagbibigay ng bagong kahulugan sa “labor of love”
Matuto pa tungkol sa panganganak dito.