The Relax Breathing Method
Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagtuon sa salitang, relax. Isipin ang pantig na “RE” sa paghinga. Ngayon, isipin ang salitang “LAX” kung ibubuga ang hangin. Kung atensyon mo ay naligaw, huwag mag-alala. Bumalik lamang sa salitang relax at orasan ito sa iyong paghinga.
The Counted Breathing Method
Huminga sa pamamagitan ng pagbibilang ng tiyak na mga numero na ikaw ay komportable. Sabihin nating ikaw ay humihinga habang nagbibilang hanggang ikatlong bilang. Ilabas ang hangin sa pamamagitan ng pagbilang ng mas mataas na numero, sabihin nating 5. Pumili ng numero depende sa iyong nais.
Paced Breathing Method
Ang paced breathing method ay kinakailangan ng labor coach. Kung sinabi ng coach na “Contraction begins,” gawin ang mga sumusunod:
- Ilagay ang iyong kamay sa iyong tiyan.
- Huminga ng 5 hanggang 10 beses sa isang minuto.
- Kung ikaw ay mag-inhale, padaanin ang iyong kamay mula sa ibaba ng iyong tiyan papuntang ribs.
- Kung mag-exhale, padaanin ang iyong kamay pabalik sa iyong ibabang tiyan.
- Huminga nang normal kung sinabi ng coach na “Contraction ends.”
Ang paggalaw ng kamay ay nangangahulugan ng maginhawang masahe para sa sakit. Ang coach ay gagabayan ka sa iyong contractions dahil oorasan niya ito. Tandaan na patuloy na tumuon sa kahit na anong bagay sa pagsasagawa ng pamamaraan sa paghinga.
Maaari mong gawin ang maraming breathing techniques para sa panganganak. Maraming pregnancy classes ang makapagbibigay sa iyo ng choices at tuturuan kayo ng iyong partner sa tamang paraan ng paggawa nito.
Ang mahalaga ay tumuon sa isang bagay at huminga sa pamamaraang komportable at maginhawa para sa iyo. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kung ano ang breathing birth techniques na maaaring gawin, kumunsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa pagbubuntis at panganganak dito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap