Ang huling bahagi ng pagbubuntis ay karaniwang lubos na inaabangan. Tuwing may biglang pananakit ng tiyan, kahit na malapit ka na sa iyong due date, ay parang may mali at dapat na gamutin medically. Ang isa sa mga pangunahing sakit ay ang labor pain contractions na nagpapa-stress sa mga kababaihan. Magbasa pa para matuto pa tungkol sa totoong labor pain at kung ano ang Braxton Hicks contractions (or false labor).
Kadalasan, ito ay mga maling alarma na nanlilinlang sa iyong pag-iisip na ang sanggol ay lalabas na habang nasa ika-36 na linggo ng pagbubuntis.
Gayunpaman, ito ay paghahanda ng iyong katawan para sa tunay na pregnancy contractions. Ang artikulong ito ay maghahanda sa iyo para malaman mo kung aling sakit ang tunay at alin ang hindi. Gayundin, ano ang gagawin kung nakakaranas ka ng totoong labor pain.
Ano ang False Labor Pain at ano ang Braxton-Hicks contractions?
Sa isang banda, ang false labor pain at ang mga braxton hicks contractions ay isang warm-up bago magsimula ang aktwal na labor pains. Ito ay paraan ng kalikasan para sabihin sa iyo na ang sanggol ay naghahanda na para lumabas sa lalong madaling panahon. Ang mga ito ay hindi lang basta pananakit na walang kahulugan. Ang mga contraction ay nagsisimula ring magpanipis sa cervix, na gumagawa ng daan para sa paglabas ng sanggol.
Kilala rin na false labor pains, ang Braxton-Hicks contractions ay tumatagal ng 30 segundo hanggang sa kung minsan ay 2 minuto.
Bagama’t ang false labor pain at ang Braxton Hicks contractions ay irregular at maaaring mangyari sa mga random na oras, karamihan sa mga kababaihan ay hindi nakakaramdam ng ganap na sakit kapag nangyari ito, pero ang isang mild discomfort dahil sa mga naturang contraction ay maaaring madama sa ibabang bahagi ng tiyan. Ibig sabihin din na ang tindi at dalas ng pananakit ay mas mababa sa panahon ng false labor pain kumpara sa tunay na labor pain.
Ang false labor pain at Braxton Hicks contractions ay hindi mauuwi sa panganganak. Walang tunay na pattern sa mga ganitong hindi tunay na labor pains. Maaaring mangyari ang mga ito pagkatapos ng sobrang aktibong araw sa opisina o bahay o kahit na nagpapahinga ka sa hapon. Mararamdaman mo na ang bahagi ng tiyan mo ay humihigpit kapag nagsimula ang mga false labor pains, bagaman, ang mga ito ay hindi palaging masakit o makirot.
Ang mga maling alarma na tulad nito ay malayo kumpara sa aktwal na labor pains. Ibig sabihin, ang false labor pains at Braxton Hicks contractions ay nangyayari ng kusa anumang oras, walang regularidad. Halimbawa, kung maranasan mo ang mga contraction na ito sa 6 PM, malamang na hindi mo ito mararamdaman sa 6:05 PM o 6:10 PM.
Iba pang mga palatandaan ng False Labor Pain at Braxton Hicks contraction
Ang iba pang mga senyales na titingnan para makilala ang pagkakaiba ng false labor pain at mga Braxton Hicks mula sa actual na labor pains ay:
- Nangyayari ang mga ito kapag may sobrang activities tulad ng sex o sobrang puno na ang pantog.
- May natitirang brownish discharge sa iyong underwear.
- Nagising ka na basang basa–malamang na ihi ito. Kung pumutok na ang iyong panubigan, hindi mo ito makokontrol.
- Ang iyong mga contraction ay tumutugon sa paggalaw at huminto.
Narito kung paano i-handle ang Braxton-Hicks contraction:
- Uminom ng maraming fluid tulad ng tubig, tubig ng buko, sariwang juice, at smoothies. Siguraduhin lang na hindi ka maduduwal sa mga ito.
- Baguhin ang iyong posisyon o subukang maglakad. Kung ikaw ay nakaupo nang napakatagal, bumangon at gumalaw galaw.
- Kung naging aktibo ka sa buong araw sa trabaho o sa bahay, mag-paghinga ng ilang oras.
Ano ang aktwal na labor pains?
Hindi tulad ng false labor pain at Braxton Hicks contractions, ang totoong labor pains ay madalas nangyayari lamang pagkatapos ng ika-37 linggo. Kung nakakaranas ka ng pananakit bago ito, malamang na nasa preterm labor ka.
Kapag nagsimula ang mga pananakit na ito, ang katawan mo ay naglalabas ng isang hormone, oxytocin, na nag-iistimulate sa mga contraction ng matris. Ang mga contraction na ito ay nagdudulot ng matinding sakit, na nangyayari sa pantay na frequency o dalas.
Kung nakararanas ka ng tunay na labor pains, orasan o tandaan kung gaano kadalas ang mga ito. Kung nangyayari ang mga ito tuwing limang minuto na may parehong matinding sakit, malamang na ikaw ay nasa aktwal na labor.
Ang mga uterine contractions na ito ang magtutulak sa sanggol pasulong sa birth canal para tuluyang maabot ang lumalambot na cervix. Sa bawat contraction, bumubuka ang cervix. Kailangan na 10 centimeters na dilated ang cervix mo para sa delivery.
Ang tunay na labor pains ay dumadating ng sunod sunod na masakit at hindi makayanan na kirot. Nagsisimula ito sa iyong lower back, hanggang sa lower abdomen at pagkatapos ay hihinto. Bagaman, ang bawat pagbuhos ng sakit ay maaaring maging mas masakit kaysa sa huli.
Tingnan ang mga sumusunod na palatandaan ng totoong labor pains:
- May pink o bloody mucus sa salawal.
- Pakiramdam mo ay bumaba ang sanggol sa ibabang bahagi ng iyong tiyan.
- Pumutok ang iyong panubigan. Ibig sabihin, ang amniotic fluid ay tumagas at hindi humihinto. Hindi mo makokontrol ang likidong ito, hindi tulad ng ihi.
- Tumaas ang blood pressure mo.
- Biglang pakiramdam na mas madaling huminga o umihi, habang bumababa ang sanggol.
- Maaaring sumakit ang iyong tiyan o magka diarrhea.
- May pantay na pagitan ng mga contraction.
Ano ang gagawin kung nakakaranas ng labor pain
- Iwasang hawakan nang palagian ang iyong pelvic floor.
- Mag-practice ng paghinga. Hindi nito mababawasan ang sakit pero mas makakatulong ito sa pakiramdam mo.
- Hilingin sa iyong partner o sa nars na tulungan kang haplusin ang iyong lower back. Makakatulong ito na mabawasan ang sakit.
- Kung nasa bahay ka, tawagan kaagad ang iyong ospital. Bago pa man, i-save ito na emergency contact mo sa telepono.
- Maghanda para sa aktwal na panganganak. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga epidural. Kung may oras, talakayin sa iyong doktor ang mga posibleng opsyon mo sa delivery.
- Kung nararanasan mo ang sakit na ito bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis, malamang na nasa preterm labor ka. Makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor.
- Huwag patagalin ang sakit na ito na maghintay hanggang sa tuluyang bumukas ang iyong cervix ng 10 sentimetro para pumunta sa ospital. Tawagan ang iyong medical center o ospital sa oras na maramdaman mo ang unang pag-trigger.
Mga mahalagang punto na dapat tandaan
- Ang Braxton-Hicks contractions ay false labor pains. Mabuting kumunsulta sa doktor mo kung paano haharapin ang mga ito kung regular itong nararamdaman sa loob ng isang linggo.
- Ang false labor pains ay naghahanda lamang sa iyo para sa tunay na delivery. Makakatulong ito sa mas mahusay na diskarte mo sa paghinga. Ganoon din sa mga paraan para mas mahusay na ma-manage ang sakit. Gamitin ang oras na ito nang lubusan o kung hindi, maaaring hindi makayanan na sakit ang maramdaman pagdating ng oras. Ito ay dahil maaaring mag-panic ka.
- Ang tatlong bagay para malaman kung ano ang Braxton-Hicks contractions: dalas ng mga contraction, pag-respond sa pananakit sa paggalaw, at discharge sa underpants.
- Ang tatlong aspeto para matukoy ang tunay na labor pain: pattern ng mga contraction, sakit mula sa lower back hanggang tiyan, at kung pumutok na ang panubigan.
Key Takeaways
Braxton-Hicks Contractions | Totoong Labor Pains |
Contractions are irregular i.e they come and go | Contractions are uniform and remain constant |
Contractions are not painful or bearable pain is experienced | Contractions become more painful as time passes |
Contractions are felt in the abdominal region | Contractions are felt in the back and then travel forward |
Cervix does not thin or dilate with contractions | Cervix starts dilating with every contraction |
Occur in the second or third trimester | Occur around 37th week of pregnancy and if earlier, it could be preterm labor |
Contractions subside with some movement or change in position | Contractions remain despite movement or change in position |