backup og meta

Sugat Sa Panganganak, Paano Ba Maiiwasan?

Sugat Sa Panganganak, Paano Ba Maiiwasan?

Ang sugat sa panganganak ay hindi na bago. Karaniwang nangyayari ang perineal tears sa panahon ng labor at panganganak. Lalo na kung ikaw ay unang beses na magiging ina. Paano mo maiiwasan ang sugat sa panganganak habang nanganganak sa’yong baby?

Ano ang vaginal tearing o sugat sa panganganak?

Ang vaginal tearing ay mga sugat sa panganganak sa balat at muscles sa paligid ng opening ng ari. Tinatawag din itong “perineal tear”. Dahil karaniwan itong nangyayari sa pagitan ng butas ng puki at tumbong (perineum). Gayunpaman, ang sugat sa panganganak na ito ay maaari ring mangyari sa loob ng puki, vulva, o labia.

Iba-iba ang nararanasan ng bawat mommy sa vaginal lacerations. Ang ilan ay mayroon lamang maliit na sugat sa panganganak na mabilis gumaling. Habang ang iba ay naghihirap dahil sa sugat.

Ano ang isang episiotomy?

Ayon sa mga ulat, hanggang 90% ng mga first-time mothers ang nakararanas ng vaginal tears o episiotomy. Hindi tulad ng vaginal tears, kung saan natural itong mga sugat, ang episiotomy ay isang surgical cut na ginagawa ng surgeon para lumaki ang vaginal opening at maka-assist sa panganganak.

Ayon sa kaugalian, ang mga doktor ay naniniwala na ang episiotomy ay maaaring maiwasan ang mga komplikasyon ng vaginal tearing sa panahon ng panganganak. After all ang laceration ay kadalasang “rugged” samantalang ang episiotomy na sugat ay “mas malinis.” Para sa kadahilanang ito, maraming mga medikal na eksperto ang nag-iisip na ang isang surgical na sugat ay naghihilom nang mas mabilis.

Gayunpaman, ipinapakita ng mga pag-aaral na hindi ito palaging nangyayari. Kaya naman, hindi na gumagawa ang mga doktor ng “routineepisiotomy; sa halip, inirerekomenda lamang ito sa mga sitwasyon kailangang maipanganak kaagad ang baby.

Kailan inirerekomenda ng mga doktor ang episiotomy?

Maaaring magrekomenda ang mga doktor ng episiotomy para sa mga sumusunod na sitwasyon:

Shoulder dystocia. Nangyayari ito kapag ang balikat ng iyong baby ay “naipit” sa likod ng pelvic bone ng ina.

Tinulungan ang vaginal delivery. Kapag nakita ng doktor na kailangan ng ina na ipanganak ang kanyang sanggol sa tulong ng mga kagamitan tulad ng vacuum at forceps.

Hindi maganda ang lagay ng sanggol. Ang doktor ay maaari ring magsagawa ng episiotomy kung nalaman nilang hindi normal ang vitals ng sanggol. At kailangang ipanganak ang sanggol sa pamamagitan ng vaginal sa lalong madaling panahon. Ang karaniwang halimbawa nito ay kapag iregular ang tibok ng puso. Applicable lamang ito kung ang ulo ng sanggol ay halos lalabas na sa ari. Ang ikalawang yugto ng panganganak ay nagsisimula sa buong cervical dilation at nagtatapos sa panganganak o pagsilang ng sanggol.

Ano ang mga lebel ng vaginal tear?

Ang mga doktor ay nagsasagawa lamang ng episiotomy kapag talagang kailangan. Mahalagang maging pamilyar sa mga uri ng vaginal laceration na maaaring maranasan ng mga buntis. Ang severity ng laceration sa pangkalahatan ay depende sa mga epekto ng vaginal tear:

First-degree laceration. Ito’y isang superficial injury na sugat sa panganganak, kadalasang nangyayari sa unang layer ng balat. Karaniwang nangyayari ang first-degree tear sa loob ng puki, labia, o perineum.

Second-degree laceration. Ang second-degree tear ay ang pinakakaraniwan. Kung ang unang antas ay nakaaapekto lamang sa tuktok na layer ng balat. Ang sugat sa panganganak na ito ay umaabot nang mas malalim sa muscular tissues ng perineum.

Third-degree laceration. Tulad ng second-degree laceration, ang third-degree tear ay nakaaapekto sa muscular tissues. Gayunpaman, ang sugat sa panganganak na ito ay maaaring mas malalim at mas mahaba. Kadalasan mula sa butas ng puki hanggang sa anal sphincter, ang structure na tumutulong sa pagkontrol sa iyong pagdumi

Fourth-degree laceration. Bagama’t ang sugat sa panganganak na ito ay hindi gaanong karaniwan, ito rin ang pinakamalubha. Mula sa butas ng puki, ang laceration ay maaaring umabot sa anal sphincter at umabot sa tumbong.

Ano ang mga kadahilanan ng risk para sa sugat sa panganganak?

Para maiwasan ang vaginal tearing sa panahon ng panganganak, dapat mong malaman ang tungkol sa mga risk factors. Sa pangkalahatan, ikaw ay nasa risk na magkaroon ng vaginal tear o laceration kung:

  • Mayroon kang baby na may timbang na higit sa 4kg
  • “Na-stuck” ang balikat ng iyong baby
  • May pangangailangan para sa’yo na magkaroon ng tulong sa panganganak (na may mga forceps o vacuum)
  • Mayroon kang mahabang second stage ng panganganak (ang pangalawang yugto ay ang oras kung kailan kailangan mong itulak palabas ang baby)
  • Nagkaroon ka na ng mga luha o lacerations sa iyong mga nakaraang panganganak

sugat sa panganganak

Paano mo ima-manage o gagamutin ang vaginal tearing?

Pakitandaan na karamihan ng mga kaso, ang first o second-degree na pagkapunit ay isang karaniwan at normal na bahagi ng isang malusog na labor at panganganak. Kadalasan, magreresulta sila sa pagdurugo at pananakit. Ngunit sa karamihan, hindi sila nagdudulot ng pangmatagalan o malubhang komplikasyon.

Ang first-degree tears ay karaniwang hindi nangangailangan ng tahi. Habang ang second-degree lacerations ay maaaring mangailangan ng ilang tahi. Kung sakaling makaranas ka ng third o fourth-degree perineal tears, kakailanganin mo ng higit pang mga tahi. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa sakit. Dahil ang iyong doktor ay magbibigay ng sapat na anesthesia sa procedure.

Para mabawasan ang mga negatibong epekto ng vaginal tears, malamang na iaalok sa’yo ang mga sumusunod:

  • Antibiotics para mabawasan ang risk ng impeksyon, depende sa lawak o kalubhaan ng laceration
  • Pain reliever para makatulong sa pananakit
  • Mga laxative para mapadali ang pagdumi

Mga Teknik sa Paghinga sa Paghahanda para sa Panganganak

Paano ko mapipigilan ang vaginal tearing habang nanganganak?

Para maiwasan ang vaginal tearing sa panahon ng panganganak ng iyong baby. Ang doktor ay magbibigay ng kanilang gabay:

Tamang Pagtulak

Kapag tinutulak ang baby palabas, subukang mag-bear down sa mahinahon at kontroladong paraan. Karaniwan, nangangahulugan ito na kailangan mong itulak nang dahan-dahan, ngunit may lakas. Nagbibigay ito ng oras sa’yong perineal muscles na mag-inat, kaya maiwasan ang lacerations.

Warm Compress

Para maiwasan ang vaginal tearing habang nanganganak sa’yong baby. Maaari kang maglagay ng mainit na compress sa perineum. Para makatulong na “ma-relax” at “magpaluwag” ng mga muscles.

Ipagpalagay ang Iba Pang mga Posisyon sa Pagsilang

Panghuli, para maiwasan ang pagpunit ng ari sa panahon ng panganganak. Maaari kang payuhan ng doktor na huwag manganak habang nakahiga nang patag o down flat. Ang mga posisyon tulad ng paghiga sa’yong tagiliran o habang nakaluhod ka ay maaaring makatulong na mabawasan ang risk ng perineal lacerations.

Key Takeaways

Paano mo maiiwasan ang mga sugat sa panganganak at vaginal tearing? Una, mahirap hulaan ang vaginal tearing, ngunit may mga paraan para mabawasan ang risk ng severe injury. Ang mga hakbang na ito ay nakasentro sa “pagprotekta sa perineum”. At maaaring kabilang ang pagpili ng isang mas magandang posisyon sa panganganak, pagre-relax sa pelvic floor muscles. Paglalagay ng warm compress, at pagtulak nang maayos sa sanggol palabas. Huwag matakot na makipag-usap sa’yong doktor tungkol sa vaginal tearing.

Matuto pa tungkol sa Panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Episiotomy: When it’s needed, when it’s not
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/episiotomy/art-20047282
Accessed October 19, 2020

Can vaginal tears during childbirth be prevented?
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/expert-answers/preventing-vaginal-tearing-during-childbirth/faq-20416226
Accessed October 19, 2020

Vaginal Laceration
https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=101287
Accessed October 19, 2020

Perineal tears during childbirth
https://www.rcog.org.uk/en/patients/tears/tears-childbirth/
Accessed October 19, 2020

Vaginal Tears During Childbirth
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21212-vaginal-tears-during-childbirth
Accessed October 19, 2020

VAGINAL LACERATION REPAIR
https://www.stgeorgesurgical.com/procedure/vaginal-laceration-repair/
Accessed October 19, 2020

Kasalukuyang Version

04/29/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement