backup og meta

Sintomas Ng Chemical Pregnancy, Ano-ano Nga Ba?

Sintomas Ng Chemical Pregnancy, Ano-ano Nga Ba?

Ang chemical pregnancy ay isang kondisyon na kakaunti lamang ang may kaalaman bagaman ito ay masasabing karaniwan. Ngunit ano nga ba talaga ang chemical pregnancy? Magpatuloy sa pagbabasa para malaman ang mga sintomas, dahilan, at kung pwede bang maiwasan ang chemical pregnancy

Ano ang Chemical Pregnancy? 

Ang terminong “chemical pregnancy” ay hindi literal na katawagan sa katotohanan. Ito ay dahil ito ay tumutukoy sa pagkalaglag ng sanggol, na nangyayari sa napaka agang yugto ng pagbubuntis. Karaniwang nangyayari ito sa kahabaan ng unang ilang linggo ng pagdadalantao,  karaniwan na hanggang bago ang ika-5 linggo. 

Sa madaling sabi, ang nangyayari ay nape-fertilize ng sperm cell ang egg cell, ngunit dahil sa anumang rason, hindi nag tutuloy ang pagbubuntis. Ang ganitong mga uri ng pagkalaglag ng sanggol ay karaniwan din, at ang ilang mga babae ay hindi man lamang namamalayan na nangyari ito sa kanila. 

Ang isa pang mahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa chemical pregnancy ay hindi ito nakabubuhay ng sanggol sa kalaunan. Ang isang inaasahang magiging ina ay maaaring makaranas ng mga paunang sintomas ng pagbubuntis, at maaari pa ngang mag-positibo sa isang pregnancy test kung mayroon siyang chemical pregnancy. Gayunpaman, hindi kailanman mag tutuloy ang pagbubuntis. 

Ano-ano ang mga Posibleng Sanhi nito? 

May mangilan-ngilang mga posibleng dahilan kung bakit nangyayari ang chemical pregnancy. 

Ang unang dahilan ay maaaring dahil ito sa chromosomal abnormality. Ito ay nangangahulugan na  — sa panahon ng pagkakabuo ng fetus, may ilang mga iregularidad sa DNA. Maaari nitong maapektuhan ang mga genetic information na responsable sa aktong pagkakabuo ng fetus; kaya kung may abnormalidad, ang pagbubuntis ay hindi natutuloy kadalasan. 

Isa pang posibilidad ay maaaring walang sapat na hormones ang isang babae para sa pagbubuntis. Kung ito ang kaso, ang pagkalaglag ng isang ganap na fetus o maging ang isang  chemical pregnancy ay maaaring mangyari. 

Ang ikatlong dahilan para sa chemical pregnancy ay maaaring ang fetus ay hindi maayos na nakakabit sa matres. Ang tamang pagkakabit ng fetus sa matres ay mahalaga dahil ito ang magbibigay ng pagkakataon para sa fetus na makatanggap ng mga sustansya at oxygen mula sa kanyang ina. Kapag hindi nangyari nang maayos ang implantation, hindi magdedevelop nang normal ang fetus at ang pagkalaglag nito ay kalaunang maaaring mangyari. 

Ang pagkakaroon ng mababang body mass index o BMI ay maaari ding maging salik na may kinalaman sa chemical pregnancy. Ayon sa ating nalalaman, ang mga ina na may mababang BMI o mababa ang timbang kaysa sa karaniwang timbang para sa kanilang tangkad at edad ay maaaring makaranas ng mas mataas na banta ng pagkalaglag ng bata sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. 

May mga Sintomas ba ang Chemical Pregnancy? 

Ang mga sintomas ng chemical pregnancy ay hindi madaling matukoy. Ito ay dahil posibleng ang isang ina ay hindi pa namalayan na itong pag bubuntis na ito ay nangyari, dahil ito ay nagaganap sa maagang yugto ng pagbubuntis. Gayunpaman, may mga tiyak na sintomas na maaaring maging senyales ng pagkalaglag ng bata: 

  • Pagdurugo o spotting na hiwalay sa iyong karaniwang buwanang dalaw 
  • Pagpopositibo sa pregnancy test, ngunit hindi natutuloy ang pagbubuntis. 
  • Pananakit ng likod na maaaring kahawig o mas matindi pa sa menstrual cramps 
  • Pagkadama ng mga unang senyales ng pagbubuntis, na biglaang mahihinto 

Kung ikaw at ang iyong kapareha ay sumusubok na magkaroon ng anak, at nakaranas ka ng anuman sa mga sintomas sa itaas, posibleng ikaw ay makararanas ng pagkalaglag ng sanggol. Kung ito ay nangyayari nang madalas, isang mainam na ideya na bumisita sa iyong doktor para malaman kung ano ang maaari mong gawin para makapagbuntis ng ganap at maalwan. 

Key Takeaways

Nakalulungkot na walang tiyak na iisang paraan para maiwasan ang chemical pregnancy. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring maganap nang walang dahilan, kahit pa ang ina ay malusog at handa nang mabuntis. 
Gayunpaman, ang pananatiling malusog, pagkain nang tama, at pagsisigurong maiiwasan ang alak at paninigarilyo ay makapagpapataas ng tyansa para sa isang malusog na pagbubuntis. Kaya isang magandang ideya na isaalang-alang ang mga nabanggit kung nais mong mabuntis. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Early Pregnancy Loss – familydoctor.org, https://familydoctor.org/condition/early-pregnancy-loss/, Accessed November 23, 2021
  2. 7 Reasons Your Pregnancy Test Gave A False-Positive, https://www.thesource.org/post/reasons-your-pregnancy-test-gave-a-false-positive, Accessed November 23, 2021
  3. Chemical Pregnancy: Here Are the Facts – Regional Medical Center, https://rmccares.org/2019/10/08/chemical-pregnancy-here-are-the-facts/, Accessed November 23, 2021
  4. Signs of Miscarriage | American Pregnancy Association, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/pregnancy-complications/signs-of-miscarriage/, Accessed November 23, 2021
  5. Chemical pregnancy | Tommy’s, https://www.tommys.org/baby-loss-support/miscarriage-information-and-support/types-of-miscarriage/chemical-pregnancy-information-and-support, Accessed November 23, 2021

Kasalukuyang Version

06/10/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement