Ang stillbirth ay pwedeng mangyari dahil sa ilang factors sa panahon ng pagbubuntis. Ang madalas na tanong ay “ Maaaring bang ang isang buntis ay nakunan dahil sa stress?”
Alamin ang koneksyon sa pagitan ng stillbirths at stress. Mabuting malaman ng mga ina kung ano ang pwede nilang gawin para mapababa ang tyansa na nakunan dahil sa stress.
Ano ang stillbirth?
Ang stillbirth ay nangyayari kapag ang isang sanggol ay namatay pagkatapos ng ika-20 linggo o 4 1/2 na buwan sa pagbubuntis. Sa kabaligtaran, ang isang miscarriage ay nangyayari bago ang ika-20 linggo. Sa ilang mga kaso, posible para sa sanggol na mamatay sa panahon ng panganganak, ngunit ang mga sitwasyong ito ay medyo bihira.
Kahit ngayon, hindi laging alam ng mga doktor kung bakit nangyayari ang stillbirth. Sa katunayan, ang tinatayang 1/3 ng mga stillbirth ay hindi maipaliwanag. Gayunpaman, may ilang posibleng dahilan, na kinabibilangan ng:
- Preeclampsia o mataas na presyon ng dugo na nangyayari sa panahon ng pagbubuntis
- Kung ang ina ay may lupus
- Mga sakit na nakakaapekto sa pamumuo ng dugo
- Mga problema sa umbilical cord at inunan
- Birth defects
- Paninigarilyo, pag-inom ng alak, o paggamit ng mga recreational drugs
- Iba pang mga problema sa kalusugan tulad ng diabetes, sakit sa puso, at mga viral o bacterial infection
Gayunpaman, may isa pang posibleng dahilan na nakunan dahil sa stress. Ngunit paano ang stress ay maaaring maging sanhi ng stillbirth, at maiiwasan ba ito?
Paano maaaring maging sanhi ng stillbirth ang stress?
Ang stress ay isang bagay na nararanasan ng marami sa atin araw-araw. Kung minsan, ang stress ay maaaring sobra, kaya nagsisimula tayong mabahala. May iba’t ibang paraan, tulad ng pakiramdam na pagod, madaling magalit, o pagiging balisa sa lahat ng oras.
Kung ganito ang epekto sa atin ng stress, isipin mo na lang kung gaano kalaki ang epekto nito sa mga buntis. Humaharap sa maraming bagay ang buntis. Araw-araw maraming maaaring magdulot ng stress. Halimbawa na ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan, pag-aalala sa kalusugan ng kanilang sanggol, o kahit na pag-aalala sa pagiging isang mabuting ina.