Ang pagbubuntis ay isang mang overwhelming na panahon, ito rin ay tunay na kapana-panabik kapag ito ang iyong unang beses. Matapos ang siyam na buwan ng pagkakabuo sa iyong anak, ang huling pagsubok ay ang yugto ng labor at panganganak. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang nangyayari sa labor at panganganak.
Ang unang yugto ay nagpapakita ng pagsisimula ng mga kontraksyon hanggang sa ang cervix ay bumuka ng 10 sentimetro. Hindi mo pa kailangang pumunta sa ospital ilang oras pagkatapos magsimula ng unang yugto.
Ang ikalawang yugto ay ang karaniwang pumapasok sa isip ng mga tao kapag pinag-uusapan ang panganganak. Ito ay kung saan ang paglabas ng bata ay nangyayari. Pagkatapos nito, ang ikatlong yugto ay kung saan ang placenta ay nailalabas na karaniwang tinatawag na “afterbirth.” Ang ikaapat na yugto ay kinasasangkutan ng postpartum recovery period.
Ano ang Nangyayari sa Labor at Panganganak: Ang Unang Yugto ng Labor
Ang unang yugto sa mga yugto ng labor at panganganak ay nakatuon sa dilation. Ito ang proseso kung saan ang iyong katawan ay naghahanda para sa mismong panganganak. Ang dilation ay ang paglawak ng bukana ng cervix para makadaan ang iyong sanggol palabas.
Ang unang yugto ng labor ay nahahati pa sa tatlong yugto: early labor phase, ang active labor phase, at ang transitional labor phase.
Magkakaiba ang tatlong labor phases base sa lebel ng dilation at ang tindi, pattern, tagal, at oras sa pagitan ng mga kontraksyon.
Sa paglaon ng yugtong ito, mahalaga na mabantayan ang mga kontraksyon at magkaroon ng talaan ng mga ito. Isulat ang tindi ng kontraksyon, ang pattern, ang tagal ng mga kontraksyon, at ang oras sa pagitan ng mga serye ng kontraksyon.
Early Labor
Ang early labor ay nagaganap kapag ang cervix ay nag-dilate na sa 3 sentimetro. Ang paglilipat mula sa hindi pa dilated patungo sa dilated ng 3 sentimetro ay ang nagpapatagal sa subphase na ito sa pagitan ng 8 hanggang 12 oras. Wala pang pangangailangan na pumunta sa ospital nang ganito kaaga. Higit pa, makatutulong pa nga para sa iyo na ipunin ang iyong lakad at mag-relax buong araw.
Sa early labor, ang karaniwang tagal ng mga kontraksyon ay 30 hanggang 45 segundo ang bawat isa na may 5 hanggang 30 minutong pagitan. Sa yugto ring ito puputok ang iyong panubigan o sasabog ang iyong amniotic sac, na magdudulot ng paglabas ng likido. Kapag ito ay nangyari, ilista ang kulay, amoy, at oras kung kailan ito nangyari.
Active Labor
Kasunod ng early labor ay ang active labor phase na tumatagal ng tinatayang 3 hanggang 5 oras. Sa yugtong ito, ang cervix ay nagda-dilate mula sa 3 hanggang 7 sentimetro.
Ito ang punto kung kailan kailangan mo nang pumunta sa isang klinikang paanakan o ospital kung saan mo plinanong manganak. Dito, ang mga kontraksyon ay mas matindi, matagal, at mas maiikli ang pagitan.
Ito ay ang magandang oras para magsimula sa mga breathing techniques para matulungan kang ma-relax. Asahan na ang mga kontraksyon ay tatagal mula 45 hanggang 60 segundo na may pagitan na 3 hanggang 5 minuto.
Transition Phase
Ano ang nangyayari sa labor pagkatapos ng active labor? Matapos ang mga kontraksyon sa active labor phase, ang transitional phase naman ay magtatagal ng tinatayang 30 minuto hanggang 2 oras. Sa yugtong ito, ang cervix ay magda-dilate mula 7 patungong 10 sentimetro.
Ang mga kontraksyon sa yugtong ito ay tatagal sa pagitan ng 60 at 90 segundo na may pagitang tatagal sa pagitan ng 30 segundo hanggang 2 minuto. Ang mga kontraksyon ay titindi pa sa yugtong ito dahil ang mga ito ay magiging mahahaba, matitindi, at may tyansang magpang-abot. Gayunpaman, mapanatag na ang yugtong ito ng panganganak ay hindi naman gaanong magtatagal. Ang iyong panganganak ay mas magiging madali na lamang pagkatapos ng yugtong ito.
Maari kang makaranas ng panginginig, maiinit na sensasyon, gas, pagduduwal, at pagsusuka kaya napakalahaga na ikaw ay makipag-usap at kumapit sa iyong kaagapay.
Mga Yugto ng Labor at Panganganak: Ikalawang Yugto ng Labor
Sa ikalawang yugto ng mga yugto ng labor at panganganak, ang iyong anak ay ang tuon. Ang yugtong ito ay kasasangkutan ng pagtutulak at pagpapalabas ng iyong anak sa labas ng matres. Ngayon na ang iyong cervix ay fully dilated na, ito na ang panahon para sikaping mailabas ang sanggol.
Ang yugtong ito ay tumatagal sa pagitan ng anuman sa 20 minuto hanggang 2 oras, at ang mga kontraksyon ay tatagal mula 45 hanggang 90 segundo na ang pagitan ay 3 hanggang 5 minuto. Ang iyong katawan ay magkakaroon ng natural na pagnanais na maitulak ang bata at makararamdam ka ng matinding pressure sa iyong pelvic area.
Normal na maglabas ng dumi o maihi sa kabuoan ng yugtong ito. Makararamdam ka rin ng nagbabaga o masakit na sensasyon kapag ikaw ay nagka-crowning.
Ang mangyayari naman sa iyong anak ay hihilig ito sa isang gild. Sa parehong pagkakataon, awtomatiko niyang kikipkipin ang kanyang baba sa kanyang dibdib para ang likod ng kanyang ulo ang mauunang makalabas. Ito ang tinutukoy na “crowning.”
Ang ulo ng bata ang magpapatiuna at ang katawan ay ipipilipit para mas maging madali para sa kanya ang makalabas.
Ikatlong Yugto: Afterbirth
Ano ang nangyayari sa labor at panganganak? Ang ikatlong yugto, o ang “afterbirth,” ay ang pinakamadali at pinakamaikli. Ito ang yugto kung kailan ang inunan ay inilalabas. Kadalasang sinasabi ng mga ina na ang pakiramdam nito ay matinding bersyon ng buwanang dalaw.
Ang yugtong ito ay maaaring magtagal sa pagitan ng 5 hanggang 30 minuto at nangyayari pagkatapos na maipanganak ng sanggol. Ang mga kontraksyon ang magsisilbing tanda ng paghihiwalay ng iyong inunan mula sa uterine wall at ito ay nangangahulugang maaari na itong mailabas.
Maaaring hilutin ang iyong matres o maaaring hilahin ang umbilical cord para makatulong sa paglalabas ng inunan.
Ikaapat na Yugto: Pagre-recover
Ang yugto ng labor at panganganak ay natapos na. Pagkatapos mailabas ang inunan, inaasahang makaramdam ka ng panginginig at pangangatog. Kapag natapos na ang buong prosesong ito, babantayan ka para makasiguro na walang matinding pagdurugo. Titiyakin din ng mga doktor na ang kontraksyon sa iyong matres ay magpapatuloy hanggang sa malaglag na ang uterine lining.
Matuto ng higit pa ukol sa Panganganak dito.