backup og meta

Tiyan Matapos Manganak: Paano ito Maibabalik sa Dati?

Tiyan Matapos Manganak: Paano ito Maibabalik sa Dati?

Matapos manganak, hindi na uncommon para sa mga nanay na madagdagan ang timbang. Gayunpaman, ang ilang mga nanay ay nakararanas ng tinatawag na “hanging belly” matapos ang manganak. Bakit ito nangyayari, at ano ang magagawa ng mga nanay upang maibalik sa dati ang kanilang tiyan matapos manganak?

Ano ang Dahilan ng Nakalawlaw na Tiyan Matapos Manganak?

Matapos manganak, karamihan ng mga babae ay mapapansin na mayroon pa rin silang post-baby belly. Nagreresulta ito mula sa pagbabago ng katawan na pinagdaraanan ng nanay upang maglaan ng espasyo para sa lumalaking sanggol.

Sa paglipas ng panahon, ang post-baby belly ay bumabalik din sa dati. Kinakailangan ng ehersisyo at diet, ngunit ang pinakamahalagang parte, asahan ng mga nanay na ang kanilang mga tiyan ay mag “retract.”

tiyan matapos manganak

Gayunpaman, ang ibang mga nanay ay makakapansin na kahit na nabawasan sila ng timbang at nag-ehersisyo, mayroon pa ring bulge sa kanilang tiyan. Ang nakalawlaw na tiyan na ito matapos manganak ay tinatawag na diastasis recti, at ito ay resulta ng overstretched na muscles sa tiyan.

Ito ay nangyayari dahil ang muscles na nasa patayong parte ng tiyan ay nagsimulang maghiwalay sa isa’t isa. Ito ay dahil ang nakakonektang tissue mula sa na-stretch habang nagbubuntis, na nagiging sanhi na maging manipis at humiwalay sa isa’t isa.

Ang diastasis recti ay karaniwang nangyayari kung ang nanay ay nanganak nang higit sa isang beses, kung mayroon siyang kambal, o kung mayroon siyang strained sa kanilang muscles sa tiyan.

Anong mga problema ang nagiging sanhi ng diastasis recti?

Ang pagkakaraon ng lawlaw na tiyan matapos manganak ay mas malawak kaysa sa problemang cosmetics. Dahil ang mga muscles ay na-stretch, hindi na ito kasing tibay kaysa nung dati.

Ito ay magiging sanhi ng problema tulad ng sakit sa likod dahil sa nahihirapan ang tiyan na sumusuporta sa itaas na bahagi ng katawan. Maaari rin itong makaapekto sa stability ng katawan, maging ang pagbabago ng postura ng ina.

Mayroon ding mataas na banta ng abdominal hernia sa malalalang kaso, o maaaring humantong sa pelvic floor dysfunction.

Imposible para sa diastasis recti na mawala nang kusa. Gayunpaman, mayroong mga paraan upang mapabuti ang muscles sa tiyan. Kulang sa pagsasailalim ng surgical repair, mayroong mga konserbatibong paraan na maaaring subukan muna ng mga nanay.

Ano ang iyong kayang gawin tungkol sa paglalaw ng tiyan matapos manganak?

Narito ang mga bagay na maaaring gawin ng mga nanay upang matulungan sila sa lawlaw na tiyan matapos magbuntis:

Ehersisyo

Isa sa mga epektibong pamamaraan upang harapin ang diastasis recti ay sa pamamagitan ng pag-ehersisyo. Dahil ang muscles ay humina, ang pag-ehersisyo ay mainam na paraan upang mapabuti ang lakas at maibalik ito sa normal.

Ang paniniwala noon ay ang paggawa ng kahit na anong ehersisyo sa tiyan ay magpapalala lamang ng diastasis recti. Gayunpaman, kung gagawin nang tama, ang ilang mga ehersisyo sa tiyan ay maaaring maging epektibo sa pagpapalakas at pag-tone ng tiyan upang matugunan ang diastasis recti.

Tandaan na mahalagang maging maingat sa kahit na anong programa na magpapalakas ng muscles sa tiyan dahil ang iba ay maaaring magpalala. Ang ibang halimbawa na kinikilalang programa ay ang MUTU System o Tupler Technique.

Sa pagsasagawa ng ehersisyo sa tiyan, siguraduhin na i-activate ang iyong malalim na muscles sa tiyan, at hindi ang iyong likod. Mahalaga na iwasan ang intense core abdominal exercises tulad ng crunches sa tiyan at mabibigat na ehersisyo. Mahalaga rin na iwasan ang pagbubuhat ng weights. Ang kaunting pagbabago sa mga gawain upang mapigilan ang karagdagang strain ay hinihikayat. Mag-ensayo ng malalim na paghinga.

Ang ehersisyong malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mapalakas ang tiyan. Ito ay sa kadahilanan na ang malalim na paghinga ay gumagamit ng muscles sa tiyan at sa iyong diaphragm.

Sa pag-eensayo ng malalim na paghinga, ikaw ay nagpapalakas ng iyong core muscles, at makatutulong ito sa diastasis recti.

Gumamit ng compression garments

Maaari ka ring gumamit ng compression garments, o gamit na dinisenyo upang ipitin ang iyong tiyan. Ang garments ang isinusuot sa ilalim ng iyong damit, at makatutulong na sumuporta sa iyong tiyan.

Makatutulong ito na manatili ang iyong tiyan sa tamang posisyon, at magpabuti ng tsansa na ang iyong muscles ay gagaling nang tama at babalik sa dati.

Mahalagang Tandaan

Ang pagkakaroon ng lawlaw na tiyan matapos manganak ay maaaring nakakainis na harapin. Ngunit kung susundin ang tips sa itaas, matutulungan mo ang iyong muscles sa tiyan na gumaling matapos manganak.

Ang mahalagang bagay na dapat tandaan ay ito ay higit pa sa problemang cosmetic. Ang pag-work out ng iyong core muscles ay nagpapabuti ng iyong postura, stability, at makatutulong din na mapigilan ang problema tulad ng sakit sa likod.

Alamin ang marami pa tungkol sa Pangangalaga ng Ina rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Prevent Diastasis Recti (with Crunches), https://blog.nasm.org/womens-fitness/how-to-prevent-diastasis-recti-with-crunches, Accessed March 1, 2021

Your post-baby belly: why it’s changed and how to tone it – BabyCentre UK, https://northwestphysio.com.au/abdominal-separation-what-is-diastasis-recti/, Accessed March 1, 2021

Abdominal Separation: What is Diastasis Recti? – Physiotherapist Brisbane City, Physio Therapy, https://northwestphysio.com.au/abdominal-separation-what-is-diastasis-recti/, Accessed March 1, 2021

Diastasis Recti Abdominis (Abdominal Separation Post Pregnancy), https://www.coreconcepts.com.sg/condition/diastasis-recti-abdominis/, Accessed March 1, 2021

Diastasis Recti Abdominis (Abdominal Separation Post Pregnancy), https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29512814/, Accessed March 1, 2021

Abdominal separation (diastasis recti) | Pregnancy Birth and Baby, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/abdominal-separation, Accessed March 1, 2021

 

Kasalukuyang Version

03/27/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Safe Motherhood Week? Bakit Natin Ito Iginugunita?

Pagbabago ng Katawan Pagkatapos Manganak, Alamin Dito Kung Ano Ang mga Ito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement