backup og meta

Ano ang Safe Motherhood Week? Bakit Natin Ito Iginugunita?

Noong Linggo (Mayo 8), ginunita natin ang araw na itinalaga para maparangalan ang ating mga nanay na siyang ilaw ng ating mga tahanan. Siya ang nagdala sa atin sa kani-kanilang mga sinapupunan sa loob ng 9 na buwan at maging patuloy na nagaasikaso sa atin hanggang sa tayo ay lumaki at tumanda. Subalit, narinig niyo na ba ang tungkol sa safe motherhood week? Ano ang nais iparating sa atinn ng isang linggong pagdiriwang na ito? Alamin. 

Ano ang Safe Motherhood Week?

Tuwing ikalawang linggo ng Mayo, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Safe Motherhood Week. Ang natatanging isang linggong selebrasyon na ito ay nagsusulong sa kalusugan at nutisyon ng bawat ina. 

Ang mga haligi ng ligtas na pagiging ina ay ang mga sumusunod:

Kung kaya, ang World Health Organization (WHO) ay nakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) upang matiyak na ang mga ina at sanggol ay may pinakamahusay na posibleng pangangalaga bago, habang, at pagkatapos ng kapanganakan. 

Bukod sa pagdiriwang ng safe motherhood week, isinisulong din ng DOH ang National Safe Motherhood Program. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay tiyakin na ang mga kababaihang Pilipino ay magkaroon ng ganap na access sa mga kalidad na serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ng ina. Ito ay malaking tulong upang magkaroon sila ng mas ligtas na pagbubuntis at panganganak.

Paano Nakaapekto ang Bagyong Yolanda sa Pagtataguyod ng Safe Motherhood?

Ang mga kababaihan ay nararapat na manganak sa isang pasilidad upang matiyak na ang ina at ang sanggol ay maayos na inaalagaan ng mga trained healthcare workers. Sa Pilipinas, ang rate ng mga sanggol na ipinanganak sa mga pasilidad, kinikilala bilang facility-based delivery rate, ay patuloy na tumataas sa nakalipas naa ilang taon. Gayunpaman, marami pa rin ang mga kababaihan na hindi nagkakaroon ng pagkakataon manganak sa isang angkop na pasilidad, partikular sa mga lugar na pinakanaapektuhan ng bagyong Yolanda. 

Ayon sa WHO, mayroong humigit-kumulang 220,000 buntis sa mga lugar na apektado noong Yolanda at 70,000 bagong silang na sanggol. Nasira o nawasak ng bagyo ang 582 health facilities. 

Higit pa rito, mayroong nangungunang tatlong hadlang sa pag-access sa mga maternal delivery services:

  • Kawalan ng pera
  • Kahirapan sa pagsakay sa pampublikong sasakyan 
  • Ayaw pumunta nang mag-isa

Sa loob ng mga lugar na tinamaan ng Yolanda, ang mga hadlang na ito ay lalong lumaki. Isa ito sa maraming dahilan kung bakit sa buong Pilipinas, ang WHO ay nakikipagtulungan sa DOH para maging totoo ang pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan at nakikipagtulungan sa DOH at mga local government units para sanayin ang mga skilled birth attendant sa Essential Intrapartum at Newborn Care.

Ano ang Unang Yakap?

Sa paggugunita ng safe motherhood week, hinihikayat din ng WHO ang Unang Yakap na siyang unang hakbang sa isang malusog na simula para sa sanggol. 

Matapos manganak ng isang ina at malinisan ng sanggol, ang sanggol ay inilalagay sa ina upang matiyak ang balat-sa-balat na kontak sa pagitan ng dalawa. Ito naman ay susundan ng pag-clamp ng chord matapos huminto ang mga pulsation. Ito rin ay gugupitin gamit ang isang sterile na instrumento. At ang panghuli, hinihikayat ang ina na pasusuhin ang kanyang anak sa unang pagkakataon.

Ang mga kasanayang ito, kasama ng eksklusibong pagpapasuso sa hindi bababa sa unang anim na buwan, ay napatunayang napapabuti ang kaligtasan at kalusugan ng mga bagong silang na sanggol.

Key Takeaways

Hindi matatawaran ang lakas na ipinamalas ng isang ina sa loob ng siyam na buwan na pagbubuntis. Kung kaya nararapat lang na makatanggap siya nutrisyon, pag-aaruga at pangangalaga na kanya ring kinakailangan.
Habang nasasabik ang lahat sa pagdating ng panibagong miyembro ng pamilya, ang Safe Motherhood Week ay isang munting paaalala sa ating lahat na bigyang-pansin din ang kalusugan ng mga nagbubuntis. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga ng Ina dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Did you know? Safe Motherhood Week is every 2nd week of May, https://www.nnc.gov.ph/regional-offices/mindanao/region-ix-zamboanga-peninsula/5242-did-you-know-safe-motherhood-week-is-every-2nd-week-of-may Accessed May 6, 2022

Safe Motherhood Program, https://doh.gov.ph/health-programs/safe-motherhood-program/types-of-service Accessed May 6, 2022

Safe Motherhood Week, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/safe-motherhood-week Accessed May 6, 2022

National Safe Motherhood Program, https://doh.gov.ph/national-safe-motherhood-program#:~:text=National%20and%20regional%20advocacy%20every,Health%20Promotion%20and%20Communication%20Service Accessed May 6, 2022

Proclamation No. 200, s. 2002, https://www.officialgazette.gov.ph/2002/05/17/proclamation-no-200/ Accessed May 6, 2022

 

Kasalukuyang Version

05/30/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan Ang Gestational Diabetes? Heto Ang Dapat Tandaan

Pagbabago ng Katawan Pagkatapos Manganak, Alamin Dito Kung Ano Ang mga Ito


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement