backup og meta

Ano ang Food Supplement na Dapat Ikonsidera Matapos Manganak?

Ano ang Food Supplement na Dapat Ikonsidera Matapos Manganak?

Kung kapapanganak mo pa lang, maaaring marami kang iniisip. Ngunit mahalaga ring kumakain ka ng masustansya upang maka-recover nang husto. Kung sa tingin mo ay hindi ka nakakakuha ng sapat na nutrisyon mula sa iyong kinakain, pwede kang makipag-usap sa doktor para sa supplementation. Ano ang food supplement para sa postpartum recovery? Narito ang listahan ng pwede mong ikonsidera.

Iron Supplement

Upang matiyak na ang iyong katawan ay nakakukuha ng sapat na iron upang gumaling, maaaring kailangan mo ng iron supplement. Karaniwan na ang iron deficiency, at minsan ay isang delikadong problema habang nagbubuntis at pagkapanganak (dulot bahagya ng acute blood loss). Maaari itong mauwi sa mga sintomas tulad ng fatigue at pamumutla.

Kung sa palagay mo ay nakararanas ka ng anemia, kausapin ang iyong doktor para sa pinakatamang paraan ng gamutan. Sa mga mild case, sapat na ang pagkuha ng iron mula sa iyong mga kinakain upang mailayo ka sa anemia. Ang magagandang pagkunan nito ay red meat, dark leafy greens, beans, itlog, isda tulad ng tuna o salmon, mani tulad ng almonds o kasoy (tamang dami lang).  

Probiotics

Alam mo bang may mga pag-aaral na nagsasabing nauugnay ang postpartum depression sa mataas na level ng pro-inflammatory markers, high-sensitivity C-reactive protein (Hs-CRP) at interleukin (IL)-6)?

Kaya naman, maaaring magandang ideya na magdagdag ng anti-inflammatory food, tulad ng green leafy vegetable sa iyong pagkain. Mayroon ding anti-inflammatory properties ang probiotics at nakatutulong pa sa kalusugan ng bituka. Maaari mong kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga probiotic supplement. Gayunpaman, tandaang pwede mo rin itong makuha sa mga fermented food, tulad ng kimchi at kombucha. 

Protein Drinks

Ano ang food supplement para sa postpartum recovery? Isinama ba dito ang protina? Kasama raw ito, sabi ng mga ulat. 

Kung hindi ka nakakakuha ng sapat na protina, matagal bago maayos ng katawan ang sarili. Kabilang sa pinakamagandang pagkunan ng protina ang isda, itlog, at lean meat tulad ng chicken breast. Syempre pa, pwede mo ring ikonsidera ang mga protein drink. 

Collagen

Maaaring makatulong ang collagen upang gumaling ang iyong katawan matapos ang mahaba, masakit, at nakapapagod na pagbubuntis. Maganda ito sa mga muscle na nabatak, napunit, o tinahi, na resulta ng iyong panganganak.

Makakakuha ka ng collagen mula sa isda at iba pang produktong hayop, tulad ng manok, baka, itlog at dairy. Napakarami ding inumin at tableta na may collagen. Gaya ng dati, makipag-usap sa iyong doktor bago kumonsumo ng ganitong uri ng supplement.

Multivitamins

Ano ang food supplement  para sa postpartum recovery? Bukod sa mga banggit na, maaari mo ring ikonsidera ang multivitamins na may:

  • Vitamin C at E: napakamakapangyarihang antioxidant na tumutulong magpagaling ng mga nasirang cell, at nagpapabilis ng recovery. 
  • Zinc: Kilala ito dahil sa immune-boosting properties. Kasabay ng vitamin C, makatutulong itong labanan ang mga impeksyon at sakit.
  • Calcium at vitamin D: matapos manganak, mas maraming calcium ang kakailanganin ng iyong katawan upang masuportahan ang pagpapasuso. Makatutulong ang vitamin D upang mas maigi kang makakuha ng calcium.
  • Folate, DHA, at Iodine: Karaniwan itong kasama sa prenatal vitamins at sinasabi ng mga eksperto na malaki pa rin ang naitutulong nito matapos manganak, lalo na kung nagpapasuso. Ito ay dahil nakatutulong ito sa development ng utak ng baby. 

Maaari Mong Makuha Lahat ng Ito sa mga Masustansyang Pagkain

Ano ang food supplement para sa postpartum recovery? Bukod sa mga nabanggit sa itaas, tandaang kailangan mo ring isaalang-alang ang pangkalahatang kalagayang pangkalusugan o kasalukuyang karamdaman. Kaya’t pinakamabuting kausapin ang iyong doktor kung sa tingin mo ay kailangan mo ng supplementation.

Bukod dyan, tandaang ang pinakamabuting paraan upang makuha ang mga micronutrients na ito ay sa pamamagitan ng masustansya at balanseng pagkain. Tiyaking nakakakain ka ng magkakaibang gulay at prutas, whole grains, lean protein, dairy, at masustansyang fats.

Key Takeaways

Maraming mapagpipilian para sa supplement matapos magbuntis. May mga babaeng ipinagpapatuloy ang kanilang iniinom na prenatal vitamins. May iba namang nagpopokus sa mga supplement para sa pagpapasuso. At dahil napakaraming pagpipilian, mas mabuting sundin ang sinasabi at payo ng iyong doktor. 

Matuto pa tungkol sa Postpartum Period dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Elevated levels of Hs-CRP and IL-6 after delivery are associated with depression during the 6 months post partum, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S016517811630275X, Accessed August 1, 2022

Chapter 9 – Anti-inflammatory effects of probiotics, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780128169926000097#:~:text=Therapeutic%20use%20of%20probiotics,%2C%20respiratory%20disease%2C%20and%20cancer., Accessed August 1, 2022

Collagen, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/collagen/, Accessed August 1, 2022

Pregnancy, Breastfeeding and Bone Health, https://www.bones.nih.gov/health-info/bone/bone-health/pregnancy#:~:text=Although%20this%20mineral%20is%20important,milligrams)%20of%20calcium%20each%20day., Accessed August 1, 2022

Vitamins Postpartum: 5 Things to Think About, https://lancastergeneralhealth.org/health-hub-home/motherhood/fourth-trimester/vitamins-postpartum-5-things-to-think-about, Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Postpartum Iron Deficiency Anemia

Postpartum Exercise: Kailan Ka Maaaring Mag-ehersisyo Pagkatapos Manganak?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement