backup og meta

Bawal ba sa buntis ang magpakulay ng buhok? Alamin dito!

Bawal ba sa buntis ang magpakulay ng buhok? Alamin dito!

Bawal ba sa buntis ang magpakulay ng buhok? Marahil, isa ito sa tanong ng mommies na gusto pa ring maging blooming sa kanyang pregnancy journey. Ang pagpapaganda ay isa sa mga paraan upang maging mas confident ang isang tao. Kaya lang ang tanong, pwede bang magpakulay ng buhok ang buntis? Makakaapekto ba ito sa kalusugan ni baby at mommy? 

Basahin ang artikulong ito para malaman kung may panganib, at epekto ba ang pagpapakulay ng buhok sa buntis? Alamin dito.

Bawal ba sa buntis ang magpakulay ng buhok?

rebond ng buntis

Mayroong iba’t ibang hair treatments gaya ng coloring, pagkukulot, bleaching, at pagrerelaks. Ang lahat ng mga ito ay naglalaman ng kemikal, at kadalasan ang mga kemikal na ito ay available sa hair dyes.

Ayon sa health experts, walang sapat na pag-aaral ang nagawa tungkol sa mga epekto ng pagkukulay ng buhok sa fetus. Nananatiling hindi pa rin sigurado ang mga eksperto tungkol sa kaligtasan ng fetus at ng ina. Kaya naman, karamihan sa mga doktor ay nagpapayo sa mga buntis na iwasan, o ipagpaliban ang kanilang pagpunta sa hair salon.

Bilang karagdagan, iminumungkahi ng ilang mga doktor na ang tanging oras na ligtas, para sa mga buntis na magpakulay ng kanilang buhok ay pagkatapos ng unang trimester — o pagkatapos nilang maipanganak ang kanilang baby.

Naniniwala ang karamihan sa health experts, na ito ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos, dahil kakaunti lamang ang impormasyon na mayroon, tungkol sa kaligtasan ng mga buntis sa pagpapakulay ng buhok. Bukod pa rito, mayroon lamang “limited number of studies” na available. 

Sa kabilang banda, may ilang doktor ang nag-claim na ang kemikal na taglay ng pangkulay ay hindi ganap na makakapasok sa loob ng katawan. Kung saan sa teoretikal na pagpapaliwanag, ang “human skin” ay sumisipsip lamang ng kaunting pangkulay ng buhok — at iba pang hair products na ginagamit sa treatments.

Subalit, iminumungkahi pa rin na dapat nilang iwasan ang pagkukulay ng buhok, lalo na kung ang balat ay irritated, infected, o kung may mga palatandaan ng pagkasira sa balat. Ang anumang pinsala sa balat ay hindi maganda, dahil, magiging daan ito para mas madaling makapasok ang kemikal sa loob ng katawan.

Mga Safety Tips Kapag Nagkukulay ng Buhok

Kung gusto pa rin ng mga buntis na magpakulay ng buhok dapat nilang sundin ang safety tips na pinangangasiwaan ng FDA.

  • Maingat na sundin ang instructions na naka-print sa kahon ng pangkulay ng buhok. Karaniwan sa hair dye products ay may hiwalay na hanay ng instructions para sa mga buntis.
  • Palaging isuot ang guwantes na ibinigay sa loob ng kahon.
  • Huwag iwanan ang pangkulay ng buhok sa’yong ulo nang higit pa sa instructions na nakalagay sa kahon.
  • Banlawan nang maayos ang pangkulay ng buhok mula sa’yong ulo.

Huwag matakot na lumapit sa sinumang health expert, at humingi ng tulong tungkol sa paggamit ng pangkulay ng buhok lalo na sa panahon ng iyong pagbubuntis.

Bawal ba sa buntis ang magkukulay ng buhok? Mga Panganib

Wala pang natuklasang mga panganib tungkol sa pagpapakulay ng buhok ng buntis. Pwedeng magkaroon ng pagdududa ang mga buntis, partikular kapag sila’y nagpapasuso na. Ngunit, tandaan ligtas pa rin para sa kanila na ipagpatuloy ang pagpapasuso.

Ang paglanghap ng anumang usok mula sa bleach ay maaaring nakapipinsala. Kaya naman, ang paglanghap ng pangkulay ng buhok sa panahon ng pagbubuntis ay dapat iwasan. Kung magpapakulay, gawin ito sa isang mahusay na bentilasyon para hindi makalanghap ng usok at kemikal mula sa pangkulay ng buhok.

Karamihan sa health risk na kasangkot sa pangkulay ng buhok ay ang “allergy reactions”. Kung ang isang buntis ay nagpapakita ng mga palatandaan ng allergy sa pangkulay ng buhok. Pagkatapos gumawa ng isang patch test, dapat nila itong ihinto. Hindi lamang sa panahon ng pagbubuntis, maging sa panahon na tapos ng manganak.

Mga alternatibong pangkulay ng buhok

Maraming alternatibo na pangkulay ng buhok. Isa na rito ang paggamit ng henna dahil ang henna ay isang uri ng pangkulay na nagmumula sa halaman. Bukod pa rito, ito rin ay libre sa mga nakapipinsalang kemikal.

Ang isa pang tip para sa pagkukulay ng buhok ay dulo lamang ng buhok ang dapat kulayan. Sa ganitong paraan, ang mga buntis ay hindi kailangang mag-alala dahil ang pangkulay ay hindi direkta sa anit.

Key Takeaways

Walang masama kung gustong magpaganda at magpakulay ng buhok ng mga buntis. Gayunpaman, dapat lamang nilang tiyakin na gumawa ng mga pangunahing pag-iingat sa kaligtasan. Huwag magpakulay ng buhok kung sila ay may allergy sa produkto, lalo’t iilan pa lang ang pag-aaral tungkol sa epekto ng pagkukulay ng buhok sa mga buntis at baby. Kung ang mga buntis ay nais na manatiling ligtas, mas mahusay na maghintay pagkatapos ng unang trimester. O hanggang sa maipanganak ang kanilang baby — bago magpakulay ng buhok. 

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hair Treatment During Pregnancy, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/is-it-safe/hair-treatments-during-pregnancy/, Accessed Aug. 11, 2021

IS IT SAFE TO COLOUR OR PERM MY HAIR DURING PREGNANCY?, https://mtalvernia.sg/maternity/education/is-it-safe-to-colour-or-perm-my-hair-during-pregnancy/, Accessed Aug. 11, 2021

Can I dye my hair when pregnant?, https://www.tommys.org/pregnancy-information/im-pregnant/ask-a-midwife/can-i-dye-my-hair-when-pregnant, Accessed Aug. 11, 2021

Is it OK to use hair dye during pregnancy?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/hair-dye-and-pregnancy/faq-20058484, Accessed July 16, 2021

Hair Dyes, https://www.cancer.org/cancer/cancer-causes/hair-dyes.html, Accessed July 16, 2021

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan Ang Gestational Diabetes? Heto Ang Dapat Tandaan

Ano ang Safe Motherhood Week? Bakit Natin Ito Iginugunita?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement