Ikaw ay isang buwang buntis ngayon at nakararamdam ng kakaiba, ang nasa isip mo lang ay ang pagkain ng yelo at atsara. Wirdo mang pakinggan, hindi ka nag-iisa. Ang paglilihi sa pagkain ay hindi na unusual sa mga buntis, na mayroong mahigit 50% na nanay ay iniisip na kumain ng mga kakaibang pagkain at iba pang wirdong kombinasyon ng paglilihi sa pagkain. Ano ang paglilihi? Narito ang ilan sa mga common at uncommon na halimbawa.
Ano Ang Paglilihi? Kailan Ito Nagsisimula?
Bago natin talakayin kung ano ang mga halimbawa ng weird na cravings, alamin muna natin kung ano ang paglilihi.
Ang paglilihi sa pagkain ay kadalasang nagsisimula sa iyong unang trimester ng pagbubuntis, na pinaniniwalaan na may biglaang pagbulusok ng hormones na pumapasok sa iyong bloodstream. Ang iba ay naniniwala na ang paglilihi ay nagsisimula kahit isang linggo matapos magdalang tao kaya’t masasabi mong ito ay unang senyales ng pagiging buntis.
Sa pagdating ng ikalawang trimester, ang mga paglilihi sa pagkain na ito ay nawawala na nang kusa, ngunit may iba na nananatili. Makokonsidera mo ito na comfort food sa halip na paglilihi.
Ano ang Paglilihi? Bakit Ito Nangyayari?
Ang mga kasalukuyang pag-aaral ay hindi nagbigay ng siyentipikong pagpapaliwanag kung bakit ang mga buntis ay nagkakaroon ng kakaibang paglilihi. Gayunpaman, pinaniniwalaan na malaki ang gampanin ng hormonal changes dito.
Kadalasang walang kinalaman ang kinakailangang nutrisyon para sa buntis, ngunit dahil lang sa gusto mong malasahan o kumain ng kung ano mang hindi ordinaryo.
Ano ang Paglilihi sa Pagbubuntis na Dulot ng Hormones
Ang pagbabago ng hormones ay nakaaapekto sa paglilihi sa pagkain, mas kakaiba kung paglilihi habang buntis. Ang mga kakaibang paglilihi sa pagkain na ito ay kadalasang nagsisimula sa unang trimester at nagtatapos bago ang ikaapat na buwan.
Kung ang isang babae ay buntis, ang katawan ay sumasailalim sa malaking pagbabago upang ihanda ang paglaki ng sanggol. Sa proseso, ang katawan ay nakararamdam ng kakaiba tulad ng maselan na pang-amoy. Oo, kung ang dating mabangong amoy sa iyo ay maaaring magdulot ng pagpunta sa pinakamalapit na banyo para sumuka.
Ano Ang Paglilihi? Madalas at Kakaibang Pinaglilihian ng Buntis
Yelo
Ang yelo ang isa sa pinakakakaibang pinaglilihian ng buntis, bagaman ito ay medyo karaniwan rin. Ang paglilihi na kainin ang yelo ay hindi na unusual para sa mga babae na nakararanas ng anemia o iron deficiency syndrome, isang karaniwang isyung medikal para sa mga buntis na babae.
Habang nagbubuntis, ang kakulangan sa iron ay karaniwan dahil ang katawan ay nagpo-produce ng maraming dugo upang suportahan ang paglaki ng sanggol, ngunit hindi makapag-produce ng sapat na red blood cells.
Isang sintomas ng kakulangan sa iron o anemia ay ang pamamaga ng bibig at maraming mga babae ang nakararamdam ng ginhawa sa pagnguya ng yelo.
May ibang mga babae na may anemia na mayroon ding kakaibang paglilihi habang buntis tulad ng pagkain ng abo ng sigarilyo, paste, at toothpicks. Ito ay tinatawag na pica, ang pagkain ng hindi nakakain na mga bagay habang nagbubuntis.
Ice Cream
Ang mga dairy product tulad ng keso at ice cream ay isa sa mga nangunguna sa listahan ng kakaibang pagkain na pinaglilihian habang nagbubuntis. Kung ang katawan mo ay nagnanais ng ice cream o ibang dairy items, para sa ganitong pagkakataon, maaaring ito ay sabi-sabi na senyales lamang na ang katawan mo ay nagkukulang sa calcium.
Ang calcium ay napakahalagang nutrisyon kung ikaw ay buntis, dahil ikaw at ang iyong sanggol ay kinakailangan nito. Upang makasigurado na ikaw ay makakukuha ng sapat na calcium sa kabuuan ng iyong pagbubuntis, uminom ng gatas at kumain ng mga pagkain na mayaman sa calcium. Ang ibang mga babae ay ayaw ang amoy ng keso, kaya sa halip ay ice cream ang pinipili nila.
Gayunpaman, tignan ang nilalaman na calories. Kung magpapatuloy kang maglihi sa ice cream, sumubok na tumingin ng iba pang masustansyang pagpipilian tulad ng low-fat yogurt o sa halip ay sorbet.
Dirt
Walang ibang makatutumbas sa pagiging wirdo ng paglilihi sa dumi. Ngunit mayroon talagang maraming mga babae na nagsasabing naglilihi sila sa dumi at kahit na sa pintura at papel.
Ang wirdong paglilihi na kumain ng bagay na hindi naman nakakain ay tinatawag na pica. Bagaman walang siyentipikong paliwanag para rito, marami ang naniniwala na ito ay dahil sa kakulangan ng iron o zinc.
Harina at Carbs
Ang pagbubuntis ay nakakapanabik na karanasan, ngunit nakakapagod din ito sa ibang mga punto. Mula rito, katanggap-tanggap sa mga magiging nanay na kumain ng kanilang comfort foods tulad ng cookies, cake, at pasta. Ang iba ay naniniwala na kung kumain ka ng carbs, ang pakiramdam ng pagkahilo ay mawawala.
Pagdating sa kakaibang paglilihi habang buntis, may mga buntis na kumakain ng harina o corn starch. Bagaman hindi ito unhealthy, marami ang nagbahagi ng kawalang kakayahan na labanan ang pagsubo nito paminsan-minsan. Makipag-ugnayan sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung ang mga kakaibang paglilihi na ito ay hindi nawala.
Red Meat
Maraming mga buntis na nakikita ang sarili nila na naglilihi sa mga karne — kahit na ang mga vegetarians. Oo, ang pagnanais ay nakakatakot kung sinusunod mo ang pagkain ng mga plant-based. Kung bawal ka kumain ng karne o isda, pwede kang sumubok ng alternatibo tulad ng mani, whole grain bread, o mga berdeng dahong gulay.
Ang karanasan sa kakaibang paglilihi sa pagbubuntis kasama na ang red meat ay maaaring paraan ng iyong katawan na sabihin na kailangan mo ng maraming protina. Ang mga nutrisyon na ito ay mahalaga sa production ng cells para sa paglago ng iyong sanggol. Kung kinakailangan mong kumain ng karne, pumili ng mas manipis na parte.
Maalat o Maasim na Pagkain
Ang pagkahilo at pagsusuka ay ang mga unang senyales ng pagbubuntis, at kung ikaw ay nakararanas ng pagkahilo, ang pagkain ng maalat at maasim na pagkain ay makatutulong na maibsan ito.
Ang pagkain ng chips o pag-inom ng lemonade, halimbawa, ay napapakalma ang tiyan ng mga magiging nanay. Para sa mas mainam na kahalili, sumubok ng saltine crackers.
Matamis at Maanghang na Pagkain
Dahil sa maselan na panlasa na mayroon ang mga buntis, maaari ka ring magkaroon ng kakaibang pag-ayaw sa maanghang at maalat na pagkain o kahit na anong sobrang linamnam.
Mahalagang Tandaan
Ang pagpapakasasa sa mga kakaibang paglilihi habang buntis ay hindi nakapamiminsala hangga’t ginagawa mo ito nang may moderasyon at hindi inilalagay sa panganib ang kalusugan ng sanggol. Bago ka sumubok o kumain ng bago (at kakaiba), laging kumonsulta sa iyong doktor.
Alamin ang marami pa tungkol sa Pagbubuntis dito.