backup og meta

Buhok Pagkatapos Manganak: Paano ito Papalaguin?

Buhok Pagkatapos Manganak: Paano ito Papalaguin?

Ang pagkalagas ng buhok ay maaaring makaapekto sa tiwala sa sarili ng isang tao o confidence, at ang kabuuang kalusugang mental. Kaya’t maraming mga babae na nakaranas ng pagklagas ng buhok pagkatapos manganak ay mahalagang malaman paano ito palalaguin matapos ang pagbubuntis.

Ngunit, ano eksakto ang dahilan ng postpartum na pagkalagas ng buhok, at ano ang mga bagay na maaaring gawin ng mga babae tungkol dito?

Ano ang mga sanhi ng pagkalagas ng buhok pagkatapos manganak?

Matapos na manganak, hindi na uncommon para sa ibang mga nanay na makaranas ng pagkalagas ng buhok. Ang pinaka sanhi ng pagkalagas ng buhok ay ang pagbabago ng hormones na pinagdaraanan ng isang nanay matapos ang panganganak. Kaya ito karaniwang kilala bilang postpartum hair loss.

Maaari kang magulat na malaman na habang nagbubuntis, ang katawan ay nagbabawas ng hair shedding. Ito ay nangyayari bilang resulta ng pagbabago ng hormones na pinagdaraanan ng katawan upang maghanda para sa pagbubuntis at panganganak.

Ngunit matapos manganak, ang lebel ng estrogen ay bababa. Ito ay nagreresulta sa iba lumipas na labis na shedding.

buhok pagkatapos manganak

Nangyayari ito sa 1-6 na mga buwan matapos manganak at tumutukoy bilang telogen effluvium.

Bagaman ang pagkalagas ng buhok pagkatapos manganak ay cosmetic concern, hindi ibig sabihin nito na babalewalain na lamang. Maraming mga nanay na nakararanas ng pagbaba ng tiwala sa sarili at confidence matapos ang panganganak dahil kinahaharap din nila ang pagbabago na dala ng pagbubuntis tulad ng pagbigat ng timbang at pagbabago ng balat.

Sa kabutihang palad, ang pagkalagas ng buhok ay panandalian lamang, at ito ay babalik din sa normal matapos ang ilang mga buwan. Gayunpaman, mayroong mga bagay na kinakailangang gawin ng mga babae upang mabawasan ang epekto ng pagkalagas ng buhok, maging ang pagpapalakas ng tiwala sa sarili at confidence.

Paano I-manage ang Pagkalagas ng Buhok Matapos ang Pagbubuntis

Narito ang ilang mga bagay na maaaring gawin ng mga nanay upang palaguing muli ang kanilang buhok matapos ang pagbubuntis, o kahit papaano ay pabagalin ang pagkalagas ng buhok.

Gumamit ng tamang shampoo

Isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin upang tulungan na palaguin muli ang iyong buhok matapos magbuntis ay gumamit ng tamang shampoo. Sa kasong ito, ang ibig sabihin ay gumamit ng mild shampoo na hindi harsh sa iyong buhok at anit.

Ito ay sa kadahilanan na kung gumamit ka ng harsh shampoo, maaaring pahinain niya ang iyong buhok o gawing tuyo ang anit. Ang paggamit ng milder na shampoo ay nakapipigil na mangyari ito.

Maaari ka ring gumamit ng volumizing shampoo upang makatulong na magmukhang mas mayabong ang buhok. Maaari ka ring sumubok na mag-shampoo kada pagkatapos ng araw sa halip na araw-araw upang makatulong sa pagpigil ng pagkalagas ng buhok. Iwasan ang conditioning shampoo dahil ito ay maaaring magpabagsak ng buhok, na magmumukhang malata at manipis.

Baguhin ang istilo ng buhok

Isa sa mga karaniwang bagay na ginagawa ng mga nanay ay ang paggupit ng buhok matapos manganak. Hindi lamang ito mas komportable, ngunit makatutulong din ito na magmukhang malago ang buhok. Maaari rin itong makabawas ng pagbabara ng buhok sa sink.

Isa pang dagdag na benepisyo ng mas maikling buhok ay hindi mo na kinakailangan itong itali. Ang pagtatali sa buhok ay nakakasakit sa iyong anit, at nagpapadagdag sa sanhi ng pagkalagas ng buhok.

Kumain ng masustansya

Ang pagkain na iyong kinakain ay may malaking epekto sa iyong kalusugan, at maging sa iyong buhok. Mag pokus sa pagkain ng maraming prutas at gulay, at kaunting pulang karne.

Magandang ideya rin na bawasan ang fats at sugars sa iyong diet.

Maging banayad sa iyong buhok

Isa pang paraan upang harapin ang pagkalagas ng buhok pagkatapos manganak ay ang pagiging banayad sa iyong buhok. Gumamit ng malaking mga ngipin ng suklay o malambot na hair brush upang maiwasan ang pagkasira ng iyong buhok.

Magandang ideya rin na iwasan ang sobrang sikip na pagtatali ng iyong buhok, o ang pagkuskos ng iyong buhok o anit nang malakas habang nagsha-shampoo.

Huwag mag-alinlangang humingi ng tulong

Panghuli, kung sa tingin mo ay maraming mga buhok ang nalalagas, o ang iyong buhok ay hindi na muling tumutubo, huwag mag-alinlangang humingi ng tulong. Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong doktor tungkol sa pagkalagas ng buhok pagkatapos manganak, at tutulungan ka nila sa iyong problema, o isasangguni ka sa isang espesyalista.

Ang pakikipag-ugnayan sa iyong doktor tungkol dito ay makatutulong upang alamin ang sanhi ng mas naglalagas na buhok. Maaari ka rin nilang bigyan ng payo kung paano ito mas maayos na i-manage, maging ang mga paraan paano ito palalaguin matapos ang pagbubuntis.

Matuto pa tungkol sa postpartum na pangangalaga dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hair loss in new moms, https://www.aad.org/public/diseases/hair-loss/insider/new-moms, Accessed February 26, 2021

Postpartum Hair Loss: Will It Come Back? – Regional Medical Center, https://rmccares.org/2020/01/09/postpartum-hair-loss-will-it-come-back/, Accessed February 26, 2021

The Truth about Postpartum Hair Loss – Lancaster General Health | Penn Medicine, https://www.lancastergeneralhealth.org/health-hub-home/motherhood/fourth-trimester/the-truth-about-postpartum-hair-loss, Accessed February 26, 2021

How to Deal With Hair Loss After Pregnancy – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/how-to-deal-with-hair-loss-after-pregnancy/, Accessed February 26, 2021

Postpartum Alopecia – John H Eastham, 2001, https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1345/aph.10153, Accessed February 26, 2021

Kasalukuyang Version

03/30/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Dapat Gawin Pagkatapos Manganak: Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Ina

Dapat Gawin Kung Nakunan: Gabay Para Sa Mga Ina


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement