backup og meta

Safe Bang Makipagtalik Habang Ikaw Ay Buntis?

Safe Bang Makipagtalik Habang Ikaw Ay Buntis?

Habang nagbubuntis, natural na tumataas ang pag-alala sa kalusugan at kaligtasan. Isa sa mga tanong ay kung ligtas ba ang sex habang buntis. Ano ang ibig sabihin ng ligtas na pakikipagtalik habang buntis?

Ligtas na Sex Habang Buntis:

Mga Karaniwang Miskonsepsyon

Miskonsepsyon: Ang penetration ay maaaring makasama sa baby

Ang penetration sa sex habang buntis ay hindi nakapipinsala sa sanggol na maayos na napoproteksyonan. Ang iyong uterus ay may muscular walls at ang iyong tiyan kasama ng fluid ng amniotic sac ay nagsisilbing cushion ng iyong sanggol.

Miskonsepsyon: Ang orgasm ay nagti-trigger ng labor

Ang iba ay nag-aalala tungkol sa contractions na sanhi ng orgasm na dulot ng sex habang buntis. Nag-aalala sila na ang mga contraction na iyon ay magbibigay daan sa labor. Ang contraction na sanhi ng orgasm ay iba mula sa labor contractions.

Ngunit, kinakailangan ng alaga sa huling mga linggo ng pagbubuntis

Bagaman, may ilang mga doktor na papayuhan kang huwag makipagtalik sa iyong mga huling linggo ng pagbubuntis, dahil sa mga tiyak na hormones sa semilya na nakakapag-stimulate ng contractions.

Ang mga babaeng lagpas na sa tinakdang oras ng panganganak at gustong mag-adya ng labor ay irerekomenda ng doktor ang pagtatalik dahil sa hormone prostaglandin, na pinaniniwalaan ng ibang doktor na mag-uudyok sa contraction at potensyal na labor.

Isaisip lamang na ang koneksyon sa pagitan ng hormone at labor contraction ay hindi pa matibay at isa lamang teorya.

Sa madaling salita, kung ikaw ay nasa normal na pagbubuntis at hindi nararanasan ang anumang klase ng komplikasyon o kahit anong karamdaman na magkakaroon ng komplikasyon, ang pakikipagtalik habang buntis ay ayos lamang.

Ligtas na Pakikipagtalik Habang Buntis: Kailan Hihinto

Bagaman, pangkalahatang ligtas ang sex habang buntis, may mga tiyak na sitwasyon kung saan ang pakikipagtalik ay hindi nirerekomenda.

Gaya ng nabanggit kanina, may mga sitwasyon na magbibigay payo ang doktor na hindi makipagtalik habang buntis.

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga kondisyon na ito:

  • Mayroong history ng pagkalalag ng sanggol o na-diagnose ng doktor na may banta ng pagkalaglag ng bata.
  • Natukoy ng doktor na may banta sa preterm labor o labor contractions bago ang 37th na linggo ng pagbubuntis.
  • Ikaw ay nakararanas ng pagdurugo sa ari o cramps na hindi pa nalalaman ang dahilan. Ang iyong doktor ay posibleng payuhan ka na hindi makipagtalik sa ganitong kondisyon.
  • Ang amniotic sac ay pumutok at may butas.
  • Ang placenta ay sobrang baba sa loob ng iyong uterus.
  • Inaasahan mo ay kambal o mas marami pang sanggol.

Kung iyong napapansin, ang mga kondisyon sa ilalim ng ligtas na pakikipagtalik habang buntis ay hindi posible, at medyo madalang.

Mag-practice ng Ligtas ng Pakikipagtalik Habang Buntis

Bagaman ayos lamang ang sex habang buntis sa maraming pagkakataon, mayroon pa ring mga bagay na dapat alalahanin.

Bawat babae ay nakararanas ng pagbubuntis sa iba’t ibang paraan at sa parehong pagkakataon ay tunay rin kung tungkol sa pakikipagtalik. Para sa ibang kababaihan, may kabawasan sa pagnanasang sekswal o libido habang nagbubuntis.

Ang iba, gayunpaman, ay nakararamdam ng mas sekswal at mas matindi ang pagnanasa na makipagtalik.

Ang iyong nararamdaman ay kaugnay ng pagbabago na nararanasan ng iyong katawan. Kahit anuman ang karanasan o sexual drive, ito ay natural.

Ang pinakamahalagang bagay ay ang pagiging maalam tungkol sa anong maaari mong gawin at anong magiging epektibo.

Ligtas na Sex Habang Buntis: Tips na Dapat Tandaan

  • Pinapayuhan pa rin na magsagawa ng ligtas na pakikipagtalik habang buntis kung ikaw ay makikipagtalik sa bagong kapareha o kung wala ka sa isang monogamous na relasyon.
  • Laging gumamit ng condom upang maprotektahan ka at ang iyong sanggol mula sa pagkakaroon ng sexually transmitted infections.
  • Sigurahin na sabihin ang nararamdaman sa iyong kapareha tungkol sa pakikipagtalik sa ganung pagkakataon. Ang bukas na makikipag-ugnayan sa totoong nararamdaman tungkol sa pakikipagtalik sa ganitong pagkakataon ay makatutulong na pagtibayin pa ang relasyon.
  • Umisip ng ibang paraan maliban sa vaginal sex. Ang iba ay hindi komportable sa ganitong ideya ng sekswal na pakikipagtalik habang buntis. Kung ito ang iyong nararamdaman, mag-explore ka ng iba pang paraan ng intimacy na lagpas sa vaginal sex.
  • Iwasan ang pakikipagtalik sa likuran. Hindi ito sobrang komportable at maaaring ma-strain ang iyong mga balakang. Sumubok ng mga posisyon na hindi mape-pwersa ang balakang, tiyan o likod.
  • Mag-explore ng maaaring gawin sa sex toys. Gamitin ang pagkakataon sa pagbubuntis na oras upang mag eksperimento at mag-explore.
  • Maaari mo ring subukan ang sex habang buntis nang nakalubog sa tubig. Nakabubuo ito ng sensation na kakaiba na kawalan ng timbang at mababawasan na mabanat ang muscles.

Ito lamang ay ilan sa mga ideya na maaari mong i-explore kung nais mo makipagtalik habang buntis.

Kung iyong napapansin, ito ay tungkol sa exploration. Huwag mag-alinlangan na sumubok ng bagong mga bagay hangga’t ikaw ay maalam tungkol sa ligtas na pakikipagtalik habang buntis.

Miskonsepsyon Tungkol sa Sex Habang Buntis

Maraming mga sabi-sabi tungkol sa pakikipagtalik habang buntis na maaaring makapagpigil sa iyo.

Sa Pilipinas, halimbawa, marami ang naniniwala na ang pakikipagtalik habang buntis ay nagiging sanhi na magkaroon ng mga puti sa ulo ang sanggol na maipapanganak. Ang iba rin ay naniniwala na ang pakikipagtalik ay mag-stimulate ng maagang pagla-labor o maging, pagkalaglag ng bata.

Mahalagang Tandaan

Ayos lamang na magsaya sa sex habang buntis. At ayos lang din na ihinto ito, kung ito ang nais mo.

Ito ang oras na maaari kang mag-explore ng mga bagong paraan ng intimacy sa iyong kapareha, hangga’t mayroon kang pahintulot ng iyong doktor at hindi ka nakararanas ng kahit na anong komplikasyon.

Higit pang alamin ang tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What are Prostaglandins? https://www.hormone.org/your-health-and-hormones/glands-and-hormones-a-to-z/hormones/prostaglandins, Accessed June 11, 2020

Sex during pregnancy: What’s OK, what’s not, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/sex-during-pregnancy/art-20045318, Accessed June 11, 2020

Myths about pregnancy sex, https://www.oviahealth.com/guide/10348/myths-about-pregnancy-sex, Accessed June 11, 2020

Sex During Pregnancy, https://www.ucsfhealth.org/education/sex-during-pregnancy, Accessed June 11, 2020

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement