Mataas na sex drive sa early pregnancy
Kasabay ng morning sickness o paglambot ng suso, maaaring isa rin ang pagtaas ng sex drive sa early pregnancy sa mga unang senyales na nagbubuntis ang isang tao. Bakit mataas ang sex drive ng buntis?
Mabilis na tumataas ang hormone level ng katawan sa unang trimester. Dahil dito, mas nagiging malaki at sensitibo ang mga suso at utong. Posible ring tumaas ang emosyonal na koneksyon ng iyong kapareha sa unang buwan ng pagbubuntis.
May halos tatlong pounds ng dugo ang isang babae tuwing nagbubuntis. Dumadaloy ang sobrang dugo sa mga suso, vulva, at sexual organ. Dahil sa karagdagang daloy ng dugo, maraming buntis ang nakararamdam ng pagtaas ng kanilang libido.
Dahil sa mataas na hormones, may posibilidad na makaranas ng pagtaas ng libido ang mga babaeng buntis, lalo na sa dulo ng unang trimester. Dagdag pa rito, maaari ding mas matindi ang orgasm at makaranas ng marami pang orgasm tuwing sexual activity. Normal lang ang pagtaas ng sex drive ng buntis sa early pregnancy at hindi dapat maging dahilan ng pagkaalarma.
Maaari ka bang makipagtalik habang buntis?
Oo ang pinakamaikling sagot. Pinoprotektahan ng amniotic fluid sa loob ng matris at ng malalakas na muscle ng matris ang iyong lumalaking sanggol. Hanggang hindi nakararanas ng preterm labor o mga problema sa inunan, hindi makakaapekto sa iyong sanggol ang anumang sexual activity.
Habang nagbubuntis, maaaring makaranas ng mga pagbabago sa level ng iyong comfort at sexual desire. Posible na tumaas ang sex drive ng buntis tuwing early pregnancy, ngunit nakararamdam din ang mga buntis na babae ng pagbaba ng kanilang drive habang umuusad ang kanilang pagbubuntis.
Kailan dapat iwasan ang pakikipagtalik habang buntis?
Maaaring makipagtalik habang nagbubuntis ngunit dapat ding isipin ang mga epekto nito sa sarili. Halimbawa, ang mga prostaglandin, isang grupo ng hormones sa semen, maaaring magsanhi ito ng uterine contractions na posibleng nakababahala. Posible ding magdulot ng pananakit at hindi komportableng pakiramdam ang uterine contractions.
Sa kabila ng pagtaas ng sex drive ng buntis sa early pregnancy, maaaring pagbawalan ng iyong healthcare provider ang pagsasagawa ng sexual activity kung may inaasahan o nakitang komplikasyon sa iyong pagbubuntis. Kung may planong makipagtalik habang nagbubuntis, siguraduhing komunsulta muna sa iyong doktor kung mayroong:
- Twins, triplets, o maraming fetus ang nabubuo sa iyong sinapupunan
- Napagdaanan ang pagkalaglag noon, o kasalukuyang may panganib sa pagkalaglag
- History sa panganganak ng sanggol bago ang 37 na linggo (preterm labor)
- Mga panganib o history ng pagkalaglag o napaaga na panganganak dahil sa mahinang cervix
- Nakaranas ng mga senyales ng preterm labor gaya ng preterm contraction
- Mga sintomas ng vaginal discharge, pagdurugo, o cramps sa bahaging ibaba ng pusod
- Paglabas ng fluid mula sa amniotic sac (ang sac na nakapalibot sa sanggol)
- Placenta Previa. Isang kondisyon kung saan masyadong mababa ang inunan, kaya natatakpan nito ang pasukan ng matris (cervix)
Normal lang ang pagtaas ng sex drive ng buntis sa early pregnancy. Gayunpaman, bago makipagtalik, siguraduhing walang panganib na magkaroon ng mga komplikasyon sa panahon ng pagbubuntis.
Sexual urges sa bawat trimester
1st Trimester
Sa tuwing buntis ang isang babae, nagsisimulang magbago ang kanyang hormone levels at maaari din siyang makaramdam ng mataas na sexual desire. Mauugnay sa pabago-bagong level ng estrogen at progesterone sa pagtaas ng sex drive sa early pregnancy. Gayunpaman, maaari ding mapansin ang pagbaba ng libido dahil sa pagduduwal, pagkapagod, stress at pagbigat ng timbang.
Maaaring makaapekto ang mataas na hormone level, hindi komportableng mga pisikal na sintomas, at stress sa libido ng isang babae.
2nd Trimester
Ang ikalawang trimester ang oras kung kailan karamihan sa kababaihan ang nagsasabing nasa sukdulan ang kanilang libido dahil nawawala na ang pagduduwal galing sa early pregnancy. Sa pagtaas ng sex drive sa early pregnancy, ito ang tamang oras para sa iyo at sa iyong kapareha na magtalik.
Iba-iba ito sa bawat babae ngunit puwedeng patuloy na mataas pa rin ang iyong libido hanggang sa unang ilang linggo ng ikatlong trimester.
3rd Trimester
Habang papalapit na ang panganganak, mas mababawasan ang iyong pagnanais na makipagtalik dahil sa pagkapagod at pananakit na nararamdaman. Nakararanas ng pagbaba ng libido ang ibang kababaihan hanggang sa magsimula na silang magkaroon ng contraction.
Tandaang magkakaiba ang lahat. At normal ang halos anumang level ng sexual interest at frequency sa panahon ng pagbubuntis.
Maaaring wala din talaga sa mood para sa anumang sexual activity. Karamihan sa kababaihan ang nagsasabing bumababa ang sex drive ng buntis minsan sa panahon ng pagbubuntis. Kaya huwag mag-alala. Pansamantala lang ito. Pagkatapos manganak, normal lamang na babalik ang iyong libido.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa pagbubuntis dito.