backup og meta

Sintomas Ng Pagkalaglag Na Dapat Malaman Ng Bawat Ina

Sintomas Ng Pagkalaglag Na Dapat Malaman Ng Bawat Ina

Ang pagbubuntis ay isa sa mga pinaka-exciting na sandali na maaaring maranasan ng isang babae sa kanyang buhay. Kaya lang, ang ilang mga pagbubuntis, sa kasamaang-palad, ay nagtatapos nang hindi inaasahan. Ang miscarriage ay nangyayari, hindi dahil ang isang babae ay hindi karapat-dapat na maging isang ina. Nangyayari ito dahil sa mga siyentipikong dahilan na nagbabawal sa isang babae na ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis. Ang isang babae ay dapat alisto sa mga sintomas ng pagkalaglag para malaman niya kung kailan siya pupunta sa emergency room.

Ano ang miscarriage?

Ang miscarriage o pagkalaglag ay tumutukoy sa natural na pagtatapos ng pagbubuntis dahil sa pagkamatay ng isang fetus sa sinapupunan ng ina bago mag ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis.

Humigit-kumulang 10 hanggang 20% ng pagbubuntis ay nagtatapos sa miscarriage para sa mga kababaihan na nakakaalam na sila ay buntis. Minsan, masyadong maaga ang mga miscarriages na ang isang buntis ay walang pagkakataon na malaman na siya ay buntis.

Ano ang nagiging sanhi ng pagkalaglag?

Magkakaiba ang bawat miscarriage. Bago alamin ang mga sintomas ng pagkalaglag, kailangan munang malaman kung ano kaya ang nagiging sanhi. Maraming mga factors ang pwedeng i-consider ng mga doctor na pangunahing sanhi ng marriage. Ang mga ito ay: 

Mga abnormalidad ng chromosome

Ang mga abnormalidad sa chromosome ay ang pinakakaraniwan na sanhi ng karamihan sa mga miscarriage. Nangyayari ito kapag ang isang embryo o isang fetus ay tumatanggap ng mga di-proporsyonal na chromosome. Ang hindi regular na bilang ng mga chromosome (23 pares) ay nagpapahirap sa fetus na mabuo at mabuhay. Ang hindi pangkaraniwang bagay na ito ay madalas na humahantong sa pagkalaglag.

Kadalasan ang mga problema na dulot nito ay resulta ng mga problema na lumalabas kapag lumalaki na ang embryo. Hindi palaging namamana sa magulang.

Narito ang mga halimbawa ng pwedeng mangyari kapag may abnormalidad sa chromosomes:

  • Blighted ovum. Tinatawag rin itong anembryonic pregnancy. Ito ang nangyayari kapag ang isang fertilized egg ay na-implant ang sarili sa matris ngunit hindi nagiging embryo. Ang blighted ovum ay magiging sanhi ng pagdurugo mo sa unang trimester ng pagbubuntis. 
  • Molar pregnancy na kung saan ang sa pamamagitan ng isang abnormal na paglaki ng mga trophoblast, ang mga cell na nagiging placenta. Mayroong dalawang uri ng molar pregnancy:

1. Complete molar pregnancy kung saan ang fetus ay hindi magkakaroon ng pagkakataong mabuo.

2. Partial molar na pregnancy kung saan nabubuo ang fetal tissue. Tandaan na ang fetal tissue ay hindi                        maihahalintulad sa pagkakabuo ng viable fetus.

Mga abnormalidad sa matris o cervix

Mayroong ilang mga abnormalidad sa cervix o matris na maaaring maging sanhi ng pagkalaglag, kabilang dito ang:

1. Septate uterus

Ang septate uterus ay isang congenital uterine abnormality na nagpapataas ng risk ng miscarriage. Ito ang congenital anomaly na tumutukoy sa isang tissue (septum) na hinahati ang matris patayo sa dalawa. Ang metroplasty, o hysteroscopic septum incision, ay isang reconstructive surgery na nag-aayos ng congenital uterine abnormalities tulad ng septate uterus.

2. Cervical insufficiency

Ang cervical insufficiency o incompetent cervix ay nangyayari kapag ang mahinang cervix ay nag-dilate nang maaga sa pagbubuntis. Nagiging sanhi ito ng mga pagkalaglag at pati na rin ng mga premature birth. Ang incompetent cervix ay kadalasang nagiging sanhi ng preterm birth sa ikalawang trimester ng pagbubuntis.

Ang cervical cerclage ay isang medikal na pamamaraan na maaari mong makuha kung saan tinatahi ng mga doktor ang iyong cervix. Pinipigilan ng pamamaraang ito ang mga late miscarriages at preterm birth na mangyari.

3. Asherman syndrome

Ang Asherman syndrome, o intrauterine adhesions, ay nagreresulta mula sa pagbuo ng mga scar tissue sa matris dahil sa mga nakaraang operasyon sa uterus o ng dilatation at curettage. Ang mga babaeng may Asherman syndrome ay maaaring tumaas ang risk ng pagkalaglag dahil maaaring hindi maganda ang implantation ng embryo.

Bago mag-decide na magbuntis, kailangan mong sumailalim sa isang medikal na pamamaraan na tinatawag na hysteroscopy. Ginagawa ng mga doktor ang pamamaraang ito upang suriin at gamutin ang mga peklat sa iyong matris upang maiwasan ang unang beses o paulit-ulit na pagkalaglag.

Kondisyong Medikal

Ang iba pang underlying medical conditions ay maaari ding magresulta sa pagkalaglag, tulad ng:

  • Mga malubhang kondisyong medikal, gaya ng uncontrolled diabetes, hypertension, thyroid diseases, autoimmune diseases, sakit sa bato, at sakit sa puso.
  • Sexually-transmitted infections tulad ng mga impeksyon e.g., TORCH (Toxoplasmosis, Other agents, Rubella, Cytomegalovirus, at Herpes simplex)

Lifestyle choices

Ang isa sa mga pinaka common na sanhi ng pagkalaglag ay ang unhealthy lifestyle na kinabibilangan ng:

  • Paninigarilyo
  • Labis na pag-inom ng alak
  • Paggamit ng ilegal na droga.

Mga Sintomas ng pagkalaglag

Narito ang mga sintomas ng pagkalaglag na dapat mong bantayan.

Vaginal bleeding

Ito ay isa sa mga pinakakaraniwan na sintomas. Gayunpaman, hindi lahat ng vaginal bleeding ay humahantong sa miscarriage. Ang pagdurugo ay nagsisimula sa spotting o bahagyang pagdurugo at nagiging mas matindi sa bawat pagdaan ng oras. Ang vaginal bleeding ay maaaring isang sintomas ng pagkalaglag kung ang pagdurugo ay nagiging mas matindi. Ayon rin sa ibang pananaliksik, ang isolated vaginal bleeding sa ika-anim hanggang ika-walong linggo ng pagbubuntis ay nauugnay sa mas mataas na risk ng pagtatapos ng pregnancy.

Cramps sa lower abdomen, pelvic area, at likod

Maaaring ito ay isang indikasyon ng miscarriage. Hindi dapat nararamdaman ang cramps sa  panahon ng pagbubuntis dahil wala kang regla. Maaaring nagkakaroon ka ng miscarriage kung nararamdaman mo ang kaparehong menstrual-like cramp sa panahon ng iyong pagbubuntis.

Vaginal discharge

Ito ay isang normal na bahagi ng pagbubuntis. Gayunpaman, nakakapag-alala kung makakita ka ng malalaking kumpol ng mga tissue sa iyong discharge. Ang mga kumpol ng tissue na ito ay maaari ding sinamahan ng mga pamumuo ng dugo, na karaniwang inunan o mga produkto ng conception.

Kapag hindi mo na nararamdamang buntis ka 

Ang pakiramdam na hindi buntis ay hindi palaging sintomas ng pagkalaglag. Sa kabilang banda, kung sa palagay mo ay biglang nawala ang mga sintomas na ito, pinakamahusay na kumonsulta kaagad sa iyong OBGYN. Maaring sintomas ito ng pagkalaglag.

Kailan tatawag ng doktor?

Tawagan kaagad ang iyong local emergency hotline o ang iyong OB-Gyne kung lumala ang mga sumusunod na sintomas ng pagkalaglag:

  • Matinding pagdurugo na sinamahan ng pagkahilo
  • Malaking pamumuo ng dugo o tissue sa discharge na lumalabas sa vagina
  • Menstrual cramp-like pain na tumitindi 
  • Matinding pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan o puson, tagiliran at likod. Ang matinding sakit na ito ay katulad ng sa mga babaeng nanganganak o malapit nang manganak.

Huwag balewalain ang anumang sintomas ng pagkalaglag.

Mahalagang Paalala

Ang pagkakaroon ng miscarriage ay isa sa mga nakadudurog na sandali na pwedeng pagdaanan ng isang babae. Mahalagang malaman ang mga sintomas ng pagkalaglag habang ikaw ay buntis. Ito ay upang maiwasan ang anumang uri ng problema sa iyong pagbubuntis.

Siguraduhing gawin ang lahat ng kailangang tests bago magpasyang magbuntis. Makatutulong ito na makita mo kung may factors na posibleng may negatibong epekto sa iyong pagbubuntis. Kung alam mo ang tungkol sa mga risk, ang pagsasagawa ng mga karagdagang hakbang ay makatutulong na magkaroon ka ng ligtas at malusog na pagbubuntis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Miscarriage  https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9688-miscarriage Accessed July 13, 2020

Overview: Miscarriage https://www.nhs.uk/conditions/miscarriage/ Accessed July 13, 2020

Miscarriage https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pregnancy-loss-miscarriage/symptoms-causes/syc-20354298 Accessed July 13, 2020

Miscarriage https://www.health.harvard.edu/a_to_z/miscarriage-a-to-z Accessed July 13, 2020

What are the Signs of Early Miscarriage https://health.ucdavis.edu/obgyn/services/family-planning/early_miscarriage.html Accessed July 13, 2020

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement