Ang pananakit ng likod ng buntis ay karaniwan sa nagdadalantao. Bukod sa pamamaga ng paa, pagkahapo, at pagduduwal, ang sakit sa likod ay mararanasan mo sa isang punto ng iyong pagbubuntis.
Ang magandang balita ay, lumalaki ang sanggol sa iyong sinapupunan. Ngunit kahit na mapapangiti ka kapag naisip mo yan at gusto mong indahin ang sakit, mararamdaman mo pa rin ang sakit ng likod mo.
Ngunit huwag mag-alala dahil karamihan sa mga buntis ay nakakaranas nito. Kadalasan ay sa kalagitnaan ng pagbubuntis nagsisimulang maramdaman ang sakit ng likod. Ayon sa isang pagsusuri, ang low-back pain ay nakakaapekto sa higit two-thirds ng mga kababaihan sa panahon ng pagbubuntis.
Dahilan ng pananakit ng likod ng buntis
Ang pananakit ng likod ay maaari ding magsimula malapit sa gitnang bahagi ng likod at tinatawag itong lumbar pain. Maaari din itong magsimula sa tailbone at tinutukoy ng mga doktor na posterior pelvic pain.
Maraming buntis ang nakakaranas ng sakit sa likod habang lumalaki ang kanilang tiyan. Kasabay nito ang dagdag na timbang na nagpapahirap sa mga kalamnan at gulugod.
Ang iba pang dahilan ng sakit sa likod ay ang mga sumusunod:
Relaxin
Sa panahon ng pagbubuntis, ang katawan ay gumagawa ng hormone na tinatawag na relaxin. Ito ay tumutulong sa paghahanda ng katawan para sa panganganak. Isa sa mga epekto nito ay ang pagluwag ng ligaments sa buong katawan. Pinalalambot at pinalalawak din nito ang cervix. Dahil dito, mas madaling kapitan ng pinsala ang mga buntis, at nagreresulta sa pananakit ng likod ng buntis.
Ang mga epekto ng relaxin ay mas madaling maisalarawan sa panahon ng reproductive cycle at pagbubuntis. Ang antas ng relaxin sa sirkulasyon ay tumataas pagkatapos ng ovulation. Pinipigil nito ang contraction para maiwasan ang premature na panganganak. Inihahanda din nito ang lining ng matris para sa pagbubuntis. Bumababa muli ang mga antas ng relaxin kapag hindi natuloy ang pagbubuntis.
Sa panahon ng isang malusog na pagbubuntis, karaniwang nadadagdagan ng timbang na mula sa 25 at 35 pounds ang buntis. Dapat suportahan ng gulugod ang timbang na ito at maaaring magresulta sa pananakit ng likod ng buntis.
Ang bigat ng lumalaking sanggol at matris ay naglalagay din ng dagdag na pressure sa mga daluyan ng dugo at nerves sa pelvis at likod.
Pagbabago ng posture
Nagbabago ang sentro ng iyong gravity kapag ikaw ay buntis. Bilang resulta, maaari na unti-unti mong naa-adjust ang iyong posture at paraan ng paggalaw na di mo napapansin. Ito ay maaaring magresulta sa pananakit ng likod o strain sa likod.
Muscle separation
Habang lumalawak ang matris, maaaring maghiwalay ang dalawang parallel sheet ng muscles na tinatawag na rectus abdominis muscle. Ito ay tumatakbo mula sa rib cage hanggang sa pubic bone at maaaring maghiwalay at magpalala ng pananakit ng likod.
Ang emosyonal na stress ay maaaring magdulot ng pag-igting ng kalamnan sa likod. Ito ay maaaring magresulta sa pananakit ng likod ng buntis. Iwasan ang regular na pag-aalala kung ikaw ay buntis upang maiwasan din ang stress.
Solusyon sa pananakit ng likod ng buntis
Upang makuha ang magandang postura, dapat lang na ikaw ay::
- Tumayo ng tuwid at matangkad
- Panatilihin nakakarelaks ang iyong balikat
- Itaas ang iyong dibdib
- Paghiwalayin ang iyong mga tuhod
Kapag ikaw ay tumayo, gumamit ka ng pinaka-komportableng tindig para sa mas maaasahang suporta. Kung kailangan mong tumayo ng mahabang panahon, ipahinga ang isang paa sa mababang step stool at maglaan ng oras para sa mas madalas na pahinga.
Ang magandang postura ay nangangahulugan din ng pag-upo nang may pag-iingat. Pumili ng isang upuan na sumusuporta sa iyong likod. Pwede ka ring maglagay ng isang maliit na unan sa likod ng iyong likod.
Normal ba ang pananakit ng likod ng buntis?
Ang pananakit sa likod ng buntis ay normal subalit kung ito ay napakasakit, mas mabuting magpakonsulta agad sa iyong doktor. Maaaring irekomenda ka sa isang obstetric physiotherapist na makapagbibigay ng suhestiyon kung paano maiiwasan ang sakit.