Ang asthma sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring isang mahirap na sitwasyon, lalo na kung dumaranas ka ng isang malubhang anyo ng kondisyong ito. Ang mga sintomas nito ay maaaring delikado at dapat matugunan sa tamang oras at sa tamang paraan para maiwasan ang panganib sa iyong sarili at sa fetus. Ano ang gamot sa asthma ng buntis?
Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang asthma sa panahon ng pagbubuntis, kung bakit kinakailangan ang wastong pamamahala ng kondisyon. Ang iba’t ibang opsyon sa paggamot na magagamit, at kung anong mga pag-iingat ang makakatulong.
Ano ang asthma sa panahon ng pagbubuntis?
Ang asthma ay isang kondisyon na humahantong sa inflammation ng mga daanan ng hangin. Karaniwan kapag huminga ka, ang hangin ay dumadaan sa ilong, sa airways, at sa baga. Ang lungs ay may maliliit na air passages na nagpapakalat ng oxygen sa ibang bahagi ng katawan.
Kapag may hika ka, ang airways mo ay nagiging inflamed, namamaga, at ang muscles sa paligid nito ay humihigpit. Dagdag dito, may sobrang mucus sa iyong mga baga. Kaya nahihirapan kang huminga. Kailangan ng gamot sa asthma ng buntis.
Dahil dito, may mga asthmatic symptoms na shortness of breath, wheezing, coughing, at paninikip ng dibdib. Kung inaatake ka ng asthma sa panahon ng pagbubuntis, maaari itong maging hadlang para sa oxygen ng iyong fetus. Ito ay dahil, sa panahon ng isang flare-up, ang blood oxygen levels ay nagiging mababa din.
At dahil ang iyong fetus ay nakakakuha ng oxygen sa pamamagitan ng iyong bloodstream. Maaaring magkaroon din ng problema dito. Sa madaling salita, ito ay maaaring nakamamatay sa iyo at sa fetus kung hindi ginagamot nang maayos. Ang asthma ay depende kung gaano kalala ito sa pasyente. Ayon sa research, na ang kalubhaan ng hika bago ang pagbubuntis ay nauugnay sa kalubhaan ng hika pagkatapos ng pagbubuntis.
May tatlong posibleng sitwasyon ng kaso na maaaring mangyari: Alinman sa lumala ang iyong hika, bumubuti ang iyong hika, o nananatili itong walang pagbabago.
Ang mga sintomas ng hika sa panahon ng pagbubuntis ay malamang na lumala sa mga kababaihang dumaranas ng matinding hika. Mahalagang pangalagaan ang iyong kalagayan bago ka pa man magbuntis.
Bakit mahalaga ang wastong pamamahala ng asthma sa panahon ng pagbubuntis?
Kapag ang babae ay buntis, siya ay humihinga ng mas malalim. Dahil dito, ang kanyang respiratory system ay kailangan ding magtrabaho ng doble. Ibig sabihin, ang oxygenation para sa ina at sanggol ay napakahalaga.
Ang hindi maayos o hindi ginagamot na asthma sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magpataas ng panganib ng iba’t ibang kondisyong medikal tulad ng:
- Premature birth
- C-section delivery
- Restricted fetal growth
- Preeclampsia: Isang komplikasyon sa pagbubuntis na may mataas na presyon ng dugo at mga palatandaan ng pinsala sa organ.
Dahil ang pagbubuntis ay may sariling set ng hormonal changes, nakakaapekto rin ito sa respiratory system. Ang pagtaas ng estrogen levels ay humahantong sa nasal congestion at ang pagtaas ng progesterone ay nagreresulta sa hirap ng paghinga. Kahit na ang mga pagbabagong ito ay tila pangkaraniwan, mahalagang magpa-check para malaman kung ito ay asthmatic o non-asthmatic symptoms.
Ang pagbubuntis ay nagdadala rin ng madalas na episodes ng acid reflux. Nangyayari ito kapag ang stomach acid ay umaakyat sa esophagus. Ang acid reflux na ito ay nagpapalala ng asthma.
Kung nama-manage mo nang mabuti ang asthma bago ang iyong pagbubuntis, mababa ang posibilidad na umatake ito. Kung binalewala mo ang mga asthmatic symptoms, maaari itong lumala sa panahon ng pagbubuntis, lalo na sa ikalawa at ikatlong trimester.
Ano ang iba’t ibang option sa gamot sa asthma ng buntis?
Ang iyong doktor ay malamang na mag-stick sa invasive na option sa paggamot. Kaya lang, mas mabuti na ang gamot sa asthma sa panahon ng pagbubuntis kaysa magkaroon ng atake nito. Ngunit ang medical advice na gamot sa asthma ng buntis ay mahalagang sundin.
Inirerekomenda ang regular na prenatal checkup at ma-monitor ang iyong hika. Kahit na ang ilang asthma medications ay maaaring may ilang partikular na risks, mas malaki ang mga benepisyo kaysa sa mga panganib na iyon. Ang doktor mo ang the best person para magdecide sa pag gamot sa asthma.
Karaniwan, ang mga doktor ay nagrereseta ng mga inhaler dahil gumagana ang mga ito sa isang mas tiyak na paraan. Napakaliit na halaga lamang ng inhaled na gamot na ito ang pumapasok sa daluyan ng dugo. Ito ang pinakaligtas na option dahil ang daloy ng dugo ay nagbibigay din ng nutrients at oxygen sa sanggol.
Dalawang gamot, budesonide at albuterol, ang itinuturing na pinakamahusay para sa gamot sa asthma ng buntis. Parehong inhaler na may steroid. Ang mga oral na gamot tulad ng montelukast ay madalas ding inirereseta, kahit na ang mga inhaled na gamot ay mas gumagana.
Ang pinakamahusay na paraan sa asthma habang nagbubuntis ay ang paggawa ng plano kasama ng iyong doktor.
Mga precaution at prevention tips
- Maghanda para sa tulong kasama ang iyong doktor. Kahit na bago ka magbuntis, simulan ang pag iingat sa iyong asthma at huwag mo itong gawing basta-basta.
- Inumin ang iyong mga gamot gaya ng inireseta. Huwag self-medicate o self-diagnose. Kumunsulta sa iyong doktor sa sandaling may hindi okay.
- Ang asthma ay madaling ma-trigger ng maraming isyu gaya ng pet dander, dust mites, mold, pollen, mga pollutant sa kapaligiran tulad ng usok o chemical fumes. Siguraduhing iwasan ang mga ito hangga’t maaari.
- Healthy ang mga prenatal exercises, pero maging maingat sa iyong pag-eehersisyo. Kung ang asthma ay exercise-induced, siguraduhing nasa iyo ang gamot at tanungin ang iyong doktor kung paano itutuloy ang pag-eehersisyo.
- Gaya ng nabanggit, ang paghinga at nasal congestion ay kasama sa hormonal changes. Pero hindi ibig sabihin na balewalain ang pagbubuntis. Kumunsulta sa iyong doktor kahit may minor discomfort.
- Ang mga allergy flu shot ay karaniwang hindi itinuturing na safe option sa panahon ng pagbubuntis. Iwasan ito habang ikaw ay buntis. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang best option.
- Huwag ding manigarilyo.Maaaring mag-trigger ang hika ng usok. Ang paninigarilyo ay maaaring maging mas malala para sa iyo at sa sanggol.
- Ang gastroesophageal reflux disease o GERD ay isang digestive disease na nagdudulot ng acid reflux at heartburn. Ito ay maaaring magpalala ng iyong asthma symptoms. Mag-ingat sa mga pagkain o inumin na nagti-trigger at iwasan ang mga ito.
- Pakiramdaman ang sarili. Maaaring may mga warning signs na nagsasabi na lumalala ang iyong asthma symptoms. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa gamot sa asthma ng buntis. Kasama din ang mga home remedies na makakatulong.
- Unawain ang inirerekomendang gamot at course treatment. Makakatulong ito sa iyo na i-manage nang mahusay ang iyong asthma sa panahon ng pagbubuntis.
Key Takeaway
Ang asthma sa panahon ng pagbubuntis ay hindi mapanganib kung nasa tamang panahon ang mga sintomas. Kung dumaranas ka ng isang matinding uri ng hika, mag-ingat sa iyong mga gagawin. Matutulungan ka ng iyong doktor na gumawa ng plano para sa mabuting kalusugan mo at ng iyong sanggol. Kasama dito ang gamot sa asthma ng buntis.