backup og meta

Cancer Ng Buntis: Mga Dapat Malaman Tungkol Dito

Cancer Ng Buntis: Mga Dapat Malaman Tungkol Dito

Cancer sa panahon ng pagbubuntis

Dahil ang katawan ng isang babae ay higit na mas mahina sa panahon ng pagbubuntis, ang epekto ng pagkakaroon ng kanser sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring malubha.  At maaaring direkta o hindi direktang makaapekto sa kalusugan ng sanggol. Ngunit paano malalaman na meron silang cancer habang buntis? Ano ang common type ng cancer ng buntis? 

Pag-detect ng cancer sa panahon ng pagbubuntis

Maaaring mahirap malaman ang cancer sa mga buntis. Ito ay dahil marami sa mga tipikal na senyales ay mga sintomas ng pagbubuntis. Kabilang dito ang ang pagsusuka, at pagbaba ng pisikal at mental fortitude. Dahil dito, ang isang buntis ay maaaring hindi na magpa-check-up dahil sa maling pagpapalagay. Mahalagang kumunsulta sa doktor kung hindi maganda ang pakiramdam.

Anong mga uri ng cancer ng buntis ang pinakakaraniwan?

Mga karaniwang uri ng cancer sa panahon ng pagbubuntis

May iba’t ibang uri ng cancer na maaaring madevelop sa panahon ng pagbubuntis. Ngunit ang mga pinakakaraniwan ay tatalakayin sa ibaba.

Breast cancer

Ang una at pinakakaraniwang cancer na nabubuo sa panahon ng pagbubuntis ay ang breast cancer. Ito ay nakakaapekto sa humigit-kumulang 1 sa bawat 3000 na pagbubuntis. Ang pagiging buntis ay hindi dahilan ng breast cancer. Ngunit ang pagbabago sa mga hormone at sa iyong mga suso sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring dahilan sa existing breast cancer cells na lumaki.  

Kung ma-detect sa mas maagang stage, maaaring magpa-surgery. Ito ay para alisin ang malignant tissue, at maging ligtas habang nagbubuntis. Gayunpaman, kung ang cancer ay masyadong mabilis na kumakalat o natuklasan sa susunod na stage, maaaring kailanganing  isaalang-alang muna ang pagtatapos ng pagbubuntis, dahil ang chemotherapy at radiation treatments ay maaaring makapinsala sa ina at sa bata.

Cervical cancer

Mukhang walang kaugnayan sa pagitan ng pagbubuntis at cervical cancer , dahil ang mga kaso ng mga buntis kumpara sa mga hindi buntis na may cervical cancer ay halos magkapareho. Bagama’t ito ang kaso, ang cervical cancer ng buntis ay magdudulot ng mas maraming komplikasyon para sa mga buntis dahil sa posibilidad na kumalat ang cancer sa ibang bahagi ng ari ng babae kung hindi agad magamot. Gayundin, nagdudulot ito ng problema sa pagbubuntis.

Ang cervical cancer ay dapat gamutin agad, dahil ang pagkaantala ay maaaring maging sanhi ng pagkalat at paglala nito. Gayunpaman, ang anumang chemotherapy o radiation treatment sa loob ng unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mas mataas na tyansa ng miscarriage. Kasunod nito, kailangang magdesisyon ang buntis na magpagamot kaagad. Sa harap ito ng pagkaantala ng tatlong buwan para matiyak ang kaligtasan ng sanggol. 

Lymphoma

Kabilang sa mga karaniwang uri ng cancer ng buntis ay lymphoma. Tulad ng iba pang karaniwang mga cancer sa panahon ng pagbubuntis, ang pagbubuntis ay hindi ang sanhi ng pagkakaroon ng cancer. Ngunit ito ay maaaring magdulot ng karagdagang risks sa bata at sa ina. Ang lymphoma ay hindi mas mahirap kaysa sa cervical cancer dahil maaaring maantala ang paggamot gaya ng pagkatapos ng panganganak at pagpapasuso. Gayunpaman, hindi ito palaging nangyayari. Ang mga malalang tumor na maaaring may mas malaking panganib ay kailangan ng mas maagang paggamot. Ang pros at cons ng hindi agad pagpapagamot ay dapat palaging isaalang-alang ng mga doktor at ina.

Melanoma

Ito ay isang cancer sa bahagi ng ating balat na kumokontrol sa pigment ng ating balat. Karaniwang sanhi ng pinsala sa UV, ang melanoma ay hindi apektado ng pagbubuntis at ligtas itong subukan at gamutin sa early stages. Dahil ang melanoma ay isang skin cancer, ito ay mas madaling matukoy at magamot kumpara sa breast cancer o cervical cancer. Ngunit, tulad ng anumang cancer, kung nasa late stage, maaari itong kumalat sa ibang organs tulad ng utak. Maaari itong magdulot ng malubhang pinsala kung hindi ginagamot. Ang mga ligtas na paraan para gamutin ang ganitong uri ng cancer ng buntis nang hindi naaapektuhan ang sanggol ay:  

  • Operasyon para alisin ang apektadong bahagi
  • Interferon injections na tumutulong sa katawan na labanan ang mga tumor
  • Radiation treatments hindi sa pelvic area 

Thyroid cancer

Taliwas sa popular na paniniwala, kahit na ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng imbalance sa mga hormone, hindi nito pinapataas ang panganib na magkaroon ng thyroid cancer. Kasama sa paggamot sa thyroid cancer ang chemotherapy na sinusundan ng radiation treatment, tulad ng karamihan sa iba pang mga cancer. Karaniwang maaaring piliin ng mga ina na hindi muna magpagamot hanggang matapos ang panganganak, maliban kung ang tumor ay mabilis ang pagkalat.

Key takeaway

Bagama’t hindi nagdudulot ng cancer ang pagbubuntis, ang pagbubuntis ay maaaring lumikha ng karagdagang mga panganib o komplikasyon para sa ina at sa kanyang baby. Kailangan ang dagdag na pangangalaga upang matiyak ang kalusugan ng ina at sanggol.

Anong mga uri ng cancer ng buntis ang pinakakaraniwan? Kabilang dito ang breast cancer, cervical cancer, lymphoma, melanoma, at thyroid cancer.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breast cancer during pregnancy, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/breast-cancer/living-with/breast-cancer-during-pregnancy

Accessed July 15, 2021

Pregnancy Complications, https://www.cdc.gov/reproductivehealth/maternalinfanthealth/pregnancy-complications.html

Accessed July 15, 2021

Gestational Trophoblastic Disease, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/gestational-trophoblastic-disease Accessed July 15, 2021

Cancer and Pregnancy, https://women.texaschildrens.org/program/high-risk-pregnancy-care/conditions/cancer-and-pregnancy

Accessed July 15, 2021

5 Things You Need To Know About Cancer and Pregnancy, https://www.nfcr.org/blog/5-things-you-need-to-know-about-cancer-during-pregnancy/

Accessed July 15, 2021

Cancer During Pregnancy: The Oncology Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6396773/

Accessed July 15, 2021

Pregnancy, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/cervical-cancer/treatment/pregnancy

Accessed July 15, 2021

Management of lymphoma in pregnancy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4989728/

Accessed July 15, 2021

Melanoma During Pregnancy: What It Means for You and Your Baby, https://www.aad.org/public/diseases/skin-cancer/types/common/melanoma/during-pregnancy

Accessed July 15, 2021

Melanoma, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/melanoma/symptoms-causes/syc-20374884#:~:text=Melanoma%20is%20a%20form%20of,into%20the%20deeper%20skin%20layers.

Accessed July 15, 2021

A Review of Thyroid Cancer During Pregnancy: Multitasking Is a Must, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4921779/#:~:text=Thyroid%20cancer%20is%20the%20second%20most%20common%20malignancy%20during%20pregnancy,risk%20factors%20for%20thyroid%20cancer.

Accessed July 15, 2021

Kasalukuyang Version

07/08/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement