Mahalaga ang pagpapahinga at pag-iwas sa mga nakakapagod na gawain para sa mga nagdadalang-tao. Malaki ang tulong na naihahatid ng dalawang ito upang maiwasan ang anumang posibleng komplikasyon na maaaring mangyari tulad ng pagdurugo sa panahon ng panganganak at maging ang stillbirth o pagkakunan. Ngunit, kailan nga ba talagang pinapayuhan ng mga doktor ang mga ina na sundin ang striktong bed rest pagkatapos manganak?
Kailan ang Ipinapayo ang Bed Rest Pagkatapos Manganak?
Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang ang bed rest pagkatapos manganak upang maiwasan ang iba’t-ibang posibleng kondisyon. Ito ay maaari ring maipayo sayo kung ikaw ay nakararanas ng mga kaso tulad ng mga sumusunod:
Gayunpaman, hindi na madalas na iminumungkahi ng mga doktor ang bed rest pagkatapos manganak para sa mga kababaihan. Ito ay dahil sa mga pag-aaral na nagpapakita na ang kawalan ng aktibidad ng mga ina sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mas malubhang komplikasyon.
Ang mga bed rest guidelines ay inirerekomenda lamang sa mga natatanging kaso.
Ano ang Ipinapakita ng mga Pag-aaral?
Mayroong ilang mga tao na nag-iisip na ang bed rest ay makatutulong upang maiwasan ang maagang panganganak (o premature birth). Subalit, hindi talaga iyon ang kaso dahil walang ebidensya na nagpapakita nito.
Madalas na ihinihikayat ng mga doktor ang mga babaeng nagdadalang-tao na maging aktibo, lalo na habang sila ay nagiipon ng lakas upang dalhin ang kani-kanilang mga sanggol na may labis na timbang.
Gayunpaman, may mga pagkakataon din na maaaring hilingin ng doktor sa ina na striktong sundin ang mga alituntunin ukol sa bed rest. Ito ay upang maibsan ang ilang mga pananakit na maaring maramdaman habang nagbubuntis. Ito ay makatutulong din upang matiyak na hindi sila masyadong ma-stress, at hindi na humantong sa iba pang mga komplikasyon.
Mga Striktong Alituntunin Tungkol sa Bed Rest Pagkatapos Manganak Para sa mga Nanay
Narito ang ilang mga paalala na maaari mong maging gabay kung ikaw ay nautusang sumailalim sa bed rest:
Matulog nang nakatagilid
Madalas na hinihiling ng mga doktor sa mga nagbubuntis na sila ay matulog nang nakatagilid. Ito ay lalo na kung nasa ikatlong trimester ka na ng pagbubuntis. Ang pagtulog sa iyong likod ay maaaring maging sanhi ng ilang pagbara sa mahahalagang daluyan ng dugo na papunta sa iyong sinapupunan. Dahil dito, maaaring maghigpit ang supply ng oxygen para sa sanggol.
Gumamit ng unan para sa pagbubuntis
Ang ilan sa mga kababaihang nagdadalang-tao ay nangangailangan ng mga unan upang tulungan silang makatulog nang komportable at mahimbing. Mayroong mga unan na angkop para sa mga nagbubuntis na maaari mong bilhin. Ngunit, maaari mo ring ilagay ang regular na unan sa gitna ng mga nakatiklop na tuhok at sa gilid o ibaba ng iyong tiyan.
Ayusin ang lugar kung saan natutulog
Ito ay nangangahulugang na kailangan mong panatilihing madilim at malayo sa mga gadget ang lugar na iyong pagtutulugan. Mahalaga rin na ikaw ay makatulog sa kwartong may komportableng temperatura.
Iwasan ang labis na pagkain
Bagama’t ang pagpapanatili ng isang masustansiyang diyeta at pagkakaroon ng wastong nutrisyon habang nagbubuntis ay mahalaga, dapat mo ring tandaan na huwag sobrahan ang pagkain. Ang labis na pagkain ay maaaring magdulot ng heartburn, na magdudulot ng mga problema sa iyong paghinga.
Kumain nang madalas ngunit sa maliit na halaga upang maiwasan ang pagkakaroon ng heartburn.
Magrelaks bago humiga sa kama
Ang paggawa ng ilang magaan at nakakarelaks na aktibidad bago matulog ay maaaring makatulong upang mapabuti ang iyong pangkalahatang kalidad ng pagtulog habang nagbubuntis. Maaari ka ring maligo, makinig sa musika, o kahit na magbasa ng kaunti bago matulog.
Maglakad upang malibang
Maaring isipin ng iba na kontradiksyon ang hilingin sa isang ina na gumawa ng kaunting pisikal na aktibidad habang sumasailalim sa bed rest pagkatapos manganak. Subalit, ang mga potensyal na panganib ng kawalan ng aktibidad ay maaaring magdulot ng mas malubhang problema sa kalusugan. Inirerekomenda ang mga paglalakad bilang paraan ng libangan, kahit sa paligid lamang ng bahay.
Mga Panganib ng Sobrang Bed Rest Pagkatapos Manganak
Sa ngayon, bihira ng ipinapayo ang bed rest sa mga nanay. Ito ay dahil mas maigting ang paglalahad ng mga pag-aaral ng mga potensyal na panganib kaysa sa mga benepisyo.
Ang ilan sa mga panganib na maaari mong maranasan buhat ng sobrang bed rest pagkatapos manganak ay ang mga sumusunod:
- Muscular deconditioning dahil sa hindi paggalaw
- Pagbawas ng bone mass
- Panghihina ng mga biyas
- Pamumuo ng dugo sa iyong your deep veins (tulad na lamang sa iyong binti)
Key Takeaways
Ang bed rest ay hindi na madalas inirereseta ng mga doktor dahil ang mga panganib ay mas matimbang kaysa sa mga benepisyo. Gayunpaman, pinakamainam pa ring kunsultahin at sundin ang iyong doktor upang matiyak ang isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Iwasan ang mabibigat na aktibidad o ehersisyo na maaaring maglagay sa iyo at sa iyong sanggol sa panganib. Ugaliing ang pagkunsulta sa iyong doktor para sa kung ano ang ligtas at naaangkop. Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o gamot. Alamin ang iba pa tungkol sa Problema sa Pagbubuntis dito.