Mayroong mga babaeng nahihirapan magbuntis o magdala ng bata sa kanilang sinapupunan dahil sa iba’t ibang mga problema at komplikasyon. Isa na rito ang kondisyon na tinatawag na Antiphosolipid syndrome. Ating alamin kung paano nakaapekto ang APAS sa buntis sa pagbabasa ng artikulong ito.
Ano Ang Antiphospholipid Syndrome?
Ang antiphospholipid syndrome o APAS ay tumutukoy sa isang autoimmune disorder kung saan ang immune system ay gumagawa ng antibodies na aatake sa mga tissue ng katawan. Ngunit, hindi ito normal. Kung matatandaan, ang lipids ay mga fats at ang phospholipid ay isang partikular na uri nito na makikita sa lahat ng cell sa iyong katawan.
Dahil dito, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng namuong dugo sa iyong mga artery o ugat. Maaari rin itong mabuo sa mga binti, baga at iba pang mga organ, tulad ng mga bato at spleen. Ang mga clots na ito ay maaaring humantong sa atake sa puso, stroke, at iba pang mga kondisyon. Para naman sa APAS sa buntis, posible ang pagkalaglag ng bata at iba pang komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng preeclampsia. Karaniwan itong nasusuri matapos ang pamumuo ng dugo o ilang beses na pagkakunan.
Bilang karagdagan, ang kondisyong ito ay unang kinilala bilang sticky blood syndrome o Hughes syndrome. Ito ay marahil ang unang antibody na natuklasan ay ang lupus coagulant na siyang unang natukoy sa mga pasyenteng mayroong systemic lupus erythematosus.
Ano Ang Sintomas Ng APAS?
Ang ilan sa mga taong mayroon ng naturang kondisyon ay hindi nagpapakita ng mga sintomas. Gayunpaman, ang karaniwang senyales at sintomas ng APAS ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Mga namuong dugo sa binti (deep vein thrombosis). Kabilang sa mga sintomas nito ang pananakit, pamamaga, at pamumula. Ito ay maaaring magtungo sa mga baga, dahilan para magkaroon ng pulmonary embolism.
- Paulit-ulit na pagkalaglag o stillbirths. Ang APAS sa buntis naman ay karaniwang nagpapakita ng iba pang komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng altapresyon habang nagbubuntis (preeclampsia), mabagal na paglaki ng fetus, o premature delivery.
- Stroke. Isa sa mga sintomas na maituturing ang stroke na karaniwang nangyayari sa mga kabataan.
- Transient ischemic attack. Katulad ng stroke, ito ay karaniwang tumatagal lamang ng ilang minuto at hindi umaabot sa permanenteng pinsala.
- Rash. Ang ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng mga pulang pantal na may lacy at net-like na pattern.
Bukod pa rito, maaari ring ikonsidera bilang senyales ang neurological symptoms, cardiovascular diseases, at mababang platelet count o thrombocytopenia.
Nagagamot Ba Ang APAS Sa Buntis?
Bagaman walang partikular na gamot sa naturang kondisyon, ang pangunahing layunin ng paggamot ay para maiwasan ang pagkakataon na maulit muli ang pamumuo ng dugo o pagkakakunan. Ito ay marahil nagbibigay ng mas malaking panganib na maulit muli ang mga ito dahil sa presensya ng mga naturang antibodies.
Karaniwang ginagamit ang mga blood thinners o anticoagulants upang maiwasan ang pamumuo ng dugo. Maaari kang resetahan ng iyong doktor ng alinman sa mga sumusunod na gamot:
- IV heparin
- Oral warfarin
- Aspirin
Tandaan na ang pag-inom ng mga ito ay nagpapataas ng iyong pagkakataong magkaroon ng pagdurugo, sa loob man o labas ng katawan. Kung kaya, nagbibigay ng karampatang dosage ang doktor upang matiyak na ang iyong dugo ay sapat na makakapag-clot kung magkaroon ka man ng hiwa o pasa.
Para naman sa mga kababaihang mayroong APAS sa buntis, ang mga sumusunod ay maaaring ibigay upang maiwasan ang pagkalaglag at maipanganak ang sanggol nang ligtas at malusog:
- Enoxaparin injections at low-dose aspirin. Ito ay itinuturing na standard treatment para maiwasan ang pagkalaglag. Ang combination therapy na ito ay nagsisimula sa simula ng pagbubuntis at nagpapatuloy kaagad matapos ipanganak ang sanggol.
- IV immunoglobulin infusions. Sa mas mahirap na mga kaso ng paulit-ulit na pagkakunan, maaaring gamitin ang IV immunoglobulin infusions. Ito ay isinasagawa upang gamutin ang mga sakit sa immune system.
- Corticosteroids (prednisone). Ito naman ay ginagamit din upang maiwasan ang paulit-ulit na pagkalaglag.
Key Takeaways
Kung ikaw ay nagdadalang-tao at nakararamdaman ng ilan sa mga sintomas na ito, kumunsulta sa iyong doktor tungkol dito. Siya ay magsasagawa ng higit sa isang blood test upang masuri kung ito ay APAS sa buntis.
Alamin ang iba pa tungkol sa Problema sa Pagbubuntis dito.