backup og meta

Alamin: Mga Gamot na Hindi Safe sa Buntis

Alamin: Mga Gamot na Hindi Safe sa Buntis

Ang mga malapit nang maging ina ay maaaring hindi alam kung aling mga gamot ang hindi safe inumin habang nagbubuntis. Ang ilang mga gamot ay maaaring makaapekto sa pagbuo ng fetus sa loob ng sinapupunan, na maaaring makaapekto sa ina at sa bata. Anong mga gamot ang hindi safe sa buntis?

Maaaring makaapekto ang mga partikular na gamot sa development ng fetus sa loob ng sinapupunan ng ina.  Maaari din itong magdulot ng mga depekto at kapansanan sa oras na ipanganak ang sanggol, o maging sanhi ng pagkalaglag. Paano mapipigilan ang bagay na ito?

Ipaalam sa Doktor

Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat tandaan kung buntis ay ang magbigay sa iyong midwife o doktor ng  listahan ng mga gamot na kasalukuyang kailangan mong inumin. Maaaring kabilang dito ang mga gamot na iniinom mo kamakailan. Ang mga ito ay maaaring mga over-the-counter o resetang gamot, pati na rin ang mga nutritional supplement.

Kabilang dito ang gamot na iniinom at gamot na inilalagay sa bahagi ng katawan. Nangangahulugan itong maging ang therapeutic na paggagamot ay kabilang. Ilang sa mga gamot na ito ay hindi safe sa buntis dahil ang mga ito ay maaaring magsanhi ng masamang epekto sa kalusugan ng buntis, at maging sa anak nito

Maaaring magpayo ang doktor kung anong mga gamot ang hindi safe sa buntis.

Marapat ding ipaalam sa doktor kung naninigarilyo, umiinom ng alak, o gumagamit ng iligal na gamot. Ang mga ito ay maaaring sa nakaraan o kamakailan lamang, ginagamit sa pakikisama o madalas. Anuman ang kaso, ang pinakamagandang gawin ay panatilihing ipaalam ito sa doktor.

Anong mga Gamot ang Hindi Safe sa Pagbubuntis

Maraming mga gamot ang maaaring maapektuhan nang husto sa development ng fetus sa sinapupunan. Maaari din itong makaapekto sa pagbabago sa katawan ng nagbubuntis, sa pisikal na kalusugan, at kung paano siya nagpapasuso.

Anong mga gamot ang dapat iwasan ng isang buntis?

  • Angiotensin-converting enzyme (ACE), ginagamit para sa mataas na presyon ng dugo
  • Angiotensin II antagonists, katulad ng ACE
  • Lithium
  • Bitamina A na malaki ang dosis
  • Hormone ng lalaki
  • Mga antibiotic
  • Anticonvulsant na gamot
  • Gamot laban sa kanser
  • Gamot sa thyroid
  • Thalidomide
  • Diethylstilbestrol (DES)

Ang mga gamot tulad ng cannabis, cocaine, marijuana, at heroin ay maaaring makaapekto nang husto sa pagbubuntis. Ang mga ito ay nagdudulot ng mga depekto sa fetus, pati sa premature na panganganak

Nauugnay rin ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, maging ang pagkonsumo ng caffeine bilang masamang epekto sa buntis. Mas mainam na maging maingat at makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa anumang mga alalahanin at komplikasyon na maaaring maranasan.

Anong mga Gamot ang Safe sa Buntis?

Sa panahon ng pagbubuntis, ang mga kababaihan ay maaari pa ring makaranas ng maraming iba pang mga medikal na kondisyon. Ang mga ito ay mula sa impeksyon sa ihi hanggang sa mga allergy at iba pa. Ngunit anong mga gamot ang safe inumin ng buntis?

  • Remedies sa allergy tulad ng Benadryl, Claritin, at Zyrtec
  • Gamot sa sipon at trangkaso tulad ng Robitussin, Mucinex, Vicks Vapor Rub, cough drops, Tylenol, at mga pangmumog ng asin
  • Mga pamahid tulad ng Bacitracin at Neosporin
  • Tylenol para sa pananakit ng ulo
  • Para sa heartburn, Gaviscon, Maalox, Mylanta, at Zantac

Mahalagang Paalala

Mahalagang kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa anumang mga gamot na kasalukuyan iniinom, at iinumin habang buntis.

Kung niresetahan ng anumang gamot bago ang pagbubuntis, dapat na maipaliwanag sa iyo ng iyong doktor o midwife ang mga panganib na maaaring dulot ng pag-inom nito, at kung gaano kaligtas ang pag-inom nito habang nagbubuntis.

Mayroong sariling benepisyo at panganib ang bawat gamot. Karaniwan, ang doktor ay maaaring magbigay ng isang inirerekomendang alternatibo o baguhin ang bilang ng mga dose na dapat inumin araw-araw. Ito ay dahil ang ilang mga gamot ay nagdudulot ng mas maraming panganib kung hindi iinumin.

Anong mga gamot ang hindi safe sa buntis? Kabilang sa mga ito ang ACE, lithium, mga gamot sa thyroid. Ang mga iligal na sangkap ay hindi rin ligtas na inumin sa panahon ng pagbubuntis.

Matuto pa tungkol sa Problema sa Pagbubuntis dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Medicine Guidelines During Pregnancy, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/4396-medicine-guidelines-during-pregnancy

Accessed July 15, 2021

Pregnancy – medication, drugs and alcohol, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/pregnancy-medication-drugs-and-alcohol

Accessed July 15, 2021

Drug Use in Pregnancy; a Point to Ponder!, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2810038/

Accessed July 15, 2021

Treating for Two: Medicine and Pregnancy, https://www.cdc.gov/pregnancy/meds/treatingfortwo/index.html

Accessed July 15, 2021

Medicines and breastfeeding, https://www.healthdirect.gov.au/medicines-and-breastfeeding

Accessed July 15, 2021

 

Kasalukuyang Version

01/21/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement