Karaniwang birth defect ang clubfoot kung saan lubhang mas maiksi ang tendons (tissues na nagdurugtong sa muscles at bones). Ang resulta, nagiging pilipit ang hugis at posisyon ng paa ng baby. Kadalasan sa mga kasong ito, naiuulat na non-syndromic ang clubfoot, ibig sabihin, hindi ito nangyayari kasabay ng iba pang problema sa kalusugan. Pero, dahil nagiging dahilan ito upang mahirapan ang baby na makalakad, mahalagang matugunan ito sa lalong madaling panahon. Ano ang clubfoot sa mga sanggol?
Narito ang dapat mong malaman tungkol sa prenatal diagnosis ng clubfoot sa babies at mga bagay na dapat asahan ukol sa treatment at management nito.
Ano ang Clubfoot? Mga Paunang Kaalaman
Ano ang clubfoot at ano ang karaniwang senyales nito? Nangyayari ang clubfoot o talipes equinovarus kapag kapansin-pansing plantar flexed ang isa o parehas na mga paa ng baby. Ibig sabihin, papaloob na nakapihit ang talampakan ng paa.
Karaniwang birth defect ito na nakakaapekto sa kakayahan ng batang maglakad. Ang magandang balita, bihira ang ganitong mga kaso at malusog ang bata.
Prenatal Diagnosis ng Clubfoot
Maaaring malaman ng doktor kung may clubfoot ang baby sa pamamagitan ng ultrasound at/o MRI scans. Tipikal na ginagawa ang ultrasound sa pagitan ng unang semestre at ika-28 linggo ng pregnancy. Ayon sa mga ulat, may 86% na accuracy rate ang prenatal ultrasound na may 14% na may false positive result.
May tatlong uri ang clubfoot:
- Idiopathic (congenital) Pinakakaraniwang uri ito kung saan may malformation sa blood vessels, muscles, tendons, o mga buto sa isa o sa parehas na paa. Bibihira ang mga kaso ng idiopathic o di kaya’y sadyang malusog lang din ang bata.
- Sa isang banda, nangyayari ang syndromic cases kasabay ng ibang malformation o genetic anomalies.
- Nangyayari ang positional clubfoot habang nasa sinapupunan pa ang baby dulot ng restrictive environment. Sa kabutihang palad, flexible ang positional clubfoot at kayang maitama ng kamay pagkasilang sa baby. Maraming mga kaso ng positional clubfoot ang self-correcting, ibig sabihin, hindi ito nangangailangan ng intervention.
Treatment at Management ng Clubfoot
Kung nagkaroon ng idiopathic o syndromic talipes equinovarus ang newborn, ano ang pwedeng pamamaraan ng paggamot?
Ayon sa American Academy of Pediatrics, makatutulong ang Ponseti Method. Nabuo ni Ignatio Ponseti ang treatment na ito na may tatlong phase:
Phase 1
Ginagamitan ng casting ang apektadong paa sa loob ng 1 hanggang 3 linggo pagkasilang. Pinapailitan ang cast linggo-linggo hanggang maitama ang lahat ng mga elemento ng deformity (maliban sa tight Achilles tendon). Sa maraming kaso, sapat na ang pitong linggo upang matapos ang Phase 1. Pakitandaang ang mga certified pediatric orthopedic surgeon lang ang nakakaalam ng Ponseti method at maaaring gumawa ng casting.
Phase 2
Kabilang dito ang minor surgery na tinatawag na Achilles tenotomy para maitama ang rigid Achilles tendon. Maaaring ibigay ito nang may anesthesia sa mga klinika ng iyong doktor. Ang maliit na hiwa sa tendon dulot ng Achilles tenotomy ang tutulong sa apektadong paa upang ma-stretch ito pataas, at madalas itong dapat gawin sa 90% na mga kaso. Pagkatapos ng surgery, kailangan ng baby na magsuot ng cast nang huling beses sa loob ng tatlong linggo.
Phase 3
Kabilang dito ang long-term full-time bracing sa loob ng tatlong buwan pagkatapos matanggal ang pinakahuling cast. Pagkatapos isagawa ang full-time bracing, kailangan ng baby na isuot ang brace tuwing gabi na lamang hanggang sila ay mag apat o mag limang taong gulang na.
Tandaan na sa kabila ng pagsasagawa ng Achilles Tenotomy, isinasaalang-alang ng American Academy of Orthopedic Surgeons ang Ponseti Method bilang isang pamamaraan na hindi kinakailangan ng surgery para gamutin ang clubfoot ng bagong silang na sanggol. Kung magpatuloy o bumalik ang deformity nito, nirerekomenda nila ang iba pang extensive surgical procedures.
Key Takeaways
Karaniwang birth defect na nakakaapekto sa mga bagong silang na sanggol ang clubfoot o talipes equinovarus. Nakikita ito pagkatapos ng maipanganak, ngunit maaari ding makita sa pamamagitan ng routine ultrasound scans. Sa maraming kaso nito, sapat na Ponseti method upang maitama ang deformity, bagaman nangangailangan ang pamamaraan na ito ng tulong mula sa pamilya upang masunod ang treatment plan na ito sa loob ng ilang taon. Sa maraming malalang kaso nito, inirerekomenda ng doktor ang maraming extensive surgical procedure.
Matuto pa tungkol sa Pregnancy Problems dito.