backup og meta

Balat Ng Buntis, Paano Maaalagaan? Subukan Ang Products Na Ito!

Balat Ng Buntis, Paano Maaalagaan? Subukan Ang Products Na Ito!

Sa panahon ng pagbubuntis, normal para sa kababaihan na makaranas ng mga pagbabago sa kanilang balat. Kabilang na dito ang acne, stretch marks, at pangingitim ng balat ng buntis. Gayunpaman, anong pregnancy skin care product ang dapat gamitin ng kababaihan?

Pregnancy Skin Care Products

Mas kailangan mag-ingat ng mga buntis sa paggamit ng produkto para sa kanilang balat. Isa sa mga rason dito ang pagiging sensitive ng balat habang nagbubuntis dahil sa hormonal changes na pinagdaraanan ng katawan.

Higit sa lahat, ilang skin care products din ang maaaring delikado sa sanggol. Ito ang dahilan kung bakit kailangang tingnan ng mga nanay ang mga sangkap ng produkto na kanilang ginagamit at piliin lamang ang mga ligtas at walang anumang nakapipinsalang kemikal.

Narito ang ilang paalala pagdating sa mga skincare product:

Pumili ng mild soap

Isa ang pagpili ng tamang sabon sa mga pinakamahalagang bagay na kailangang isaalang-alang ng mga buntis.

Kapag pumipili ng sabon na pinakamainam para sa iyo, pinakamabuting pumili ng isang sabon na may kaunti o wala talagang amoy. At kaunti rin ang kemikal na nasa loob nito. Dahil ang dalawang kemikal na karaniwang matatagpuan sa antibacterial soap na triclosan at triclocarban ay maaaring magdulot ng problema sa mga buntis.

Dagdag pa rito, maaaring magdulot ng breakout at iba pang problema sa sensitibong balat ng buntis ang anumang matatapang na amoy at iba pang kemikal. Kung mas mild ang sabon, mas mabuti ito para sa sensitibong balat.

Gumamit ng natural moisturizers

Sa panahon ng pagbubuntis, normal na magkaroon ng ilang stretch marks sa balat ng buntis. Maaaring masakit ito at magdulot ng pangangati. Kaya ang paggamit ng mga pregnancy skin care products tulad ng moisturizers ang pinakamagandang remedy na tumutulong sa pagbabawas ng epekto ng stretch marks at gawing mas elastic ang balat ng buntis.

Gayunpaman, dahil mas madaling kapitan ng pangangati ang balat ng buntis, pinakamabuting pumili ng natural moisturizer. Dahil posibleng naglalaman ng mga nakapipinsalang kemikal ang ilang lotion at moisturizer na maaaring maging dahilan upang mag-break out, o magdulot ng pangangati at pagkatuyo sa balat ng buntis.

Siguraduhing pumili ng moisturizer na may natural na sangkap, tulad ng aloe vera, shea butter, cocoa butter, at naglalaman din ng vitamin E oils. Makatutulong ito na pabatain ang balat, magbigay ng moisture, at makatulong na maibsan ang pangangati dulot ng mga stretch mark.

Huwag kalimutan ang mineral-based na sunscreen

Pagdating sa pregnancy skin care products, palaging magandang ideya ang paglalagay ng sunscreen lalo na kung nasa labas ka. Ngunit kung nagbubuntis, kailangan mong malaman kung aling uri ng sunscreen ang kailangan mong piliin.

Iwasan ang paggamit ng mga sunscreen na naglalaman ng masasamang kemikal. Hindi lang ito nagdudulot ng pangangati, maaari ding makapinsala ito sa iyong sanggol. Mahusay at epektibong alternatibo ang paggamit ng mga mineral-based sunscreen.

Ito ang mga sunscreen na naglalaman ng zinc oxide at titanium dioxide. Ligtas para sa balat ng buntis ang mga ito, at nagbibigay din ng sapat na proteksyon sa araw.

At siyempre, kung maiiwasan ang direktang sikat ng araw, dapat itong gawin hanggang sa maaari. Makatutulong din ang pagsusuot ng sumbrero o shawl upang takpan ang balat ng buntis para maiwasan ang mga problema sa balat na dulot ng pagkakabilad sa araw.

Maging mapili sa mga acne product

Maraming buntis ang nakararanas ng pag-breakout ng acne sa panahon ng kanilang pagbubuntis. May kinalaman ito sa hormonal changes na pinagdadaanan ng katawan sa panahon ng pagbubuntis. Ngunit tulad ng iba pang pregnancy skin care products, kailangan pa ring alamin kung alin ang ligtas na gamitin para sa balat ng buntis.

Kailangan iwasan ang mga produkto na naglalaman ng retinoid, dahil kilala ito na nagdudulot ng birth defects. Sa halip, gumamit ng azelaic acid o benzoyl peroxide. Ligtas ang mga produktong ito para sa balat ng buntis, at ginagamit din ng mga dermatologist panggamot ng acne sa mga nagbubuntis.

Key Takeaways

Napakahalaga para sa mga buntis na mag-ingat pagdating sa mga produktong ginagamit nila sa kanilang balat. Dahil maaaring magdulot ng pinsala sa mga sanggol ang ilang kemikal na ginagamit sa mga pampaganda.
Kung hindi sigurado sa kaligtasan ng isang produkto, siguraduhing tanungin ang iyong doktor tungkol dito. Mahalaga ang kanilang rekomendasyon sa kung anong produkto ang ligtas na gamitin sa iyong balat. Sila ang pinakamahusay na makapagbibigay sa iyo ng kinakailangan mong impormasyon.

Matuto pa tungkol sa pagbubuntis at Prenatal Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Safety of skin care products during pregnancy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3114665/, Accessed February 22, 2021

What your skin should expect when you’re expecting – Harvard Health Blog – Harvard Health Publishing, https://www.health.harvard.edu/blog/what-your-skin-should-expect-when-youre-expecting-2020102721170, Accessed February 22, 2021

Oxybenzone Alters Mammary Gland Morphology in Mice Exposed During Pregnancy and Lactation | Journal of the Endocrine Society | Oxford Academic, https://academic.oup.com/jes/article/2/8/903/4999716, Accessed February 22, 2021

Cosmetics & Pregnancy | FDA, https://www.fda.gov/cosmetics/resources-consumers-cosmetics/cosmetics-pregnancy, Accessed February 22, 2021

Skin Conditions During Pregnancy | ACOG, https://www.acog.org/womens-health/faqs/skin-conditions-during-pregnancy, Accessed February 22, 2021

Kasalukuyang Version

03/17/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Prenatal Vitamins Para Sa Buntis: Mahalagang Micronutrients

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Matuklasan Sa Fetal Biometry?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement