backup og meta

Pamahiin Sa Buntis: Alin Ang Mga Dapat At Hindi Dapat Paniwalaan?

Pamahiin Sa Buntis: Alin Ang Mga Dapat At Hindi Dapat Paniwalaan?

Kilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang paniniwala, kultura, kasabihan at mga pamahiin. May mga pamahiin sa buntis,  libing, pag-alis, pagdalaw sa patay at iba pa. Nakadepende na lamang din sa tao kung paniniwalaan niya ito o hindi.

Ano ang Pamahiin?

Ang pamahiin ay isang paniniwala o kasanayan na bunga ng pagkaignorante sa isang bagay, pagtitiwala sa mahika o pagkakataon. Ito rin ay mga paniniwalang hindi pa higit na napapatunayan ng anumang pag-aaral.

Madalas na maririnig ang mga pamahiin sa mga matatanda. Ang mga ito ay pinagpasa-pasahan mula sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kasalukuyan. May ilang naniniwala at ang iba naman ay isinasantabi na lamang ito.

Mga Pamahiin sa Buntis

Ang Laki ng Iyong Tiyan ay Katumbas ng Kalusugan ng Sanggol

Ang pamahiin na ito ay walang katotohanan sapagkat magkakaiba ang laki ng baby bump batay sa katawan ng babae. Hindi ito kailangang ikabahala sapagkat walang kaugnayan ang laki ng tyan sa pangkalahatang kalusugan ng sanggol. Sa katunayan, walang sinasabing wastong laki ang mga doktor na dapat ay makamit ng isang buntis.

Hindi Dapat Magpakulay ng Buhok

Magandang ideya ang pagbabawas ng kemikal na nakukuha kapag ikaw ay buntis. Ngunit ang pamahiin na ito ay hindi napatunayan na makasasama sa sanggol at ina nito. Hindi ganoon nakakalason ang mga pangkulay ng buhok. Ganoon din, kaunting dami lamang nito ang na-a-absorb ng balat.

Kumain ng Kambal na Saging para maging Kambal ang Anak

Ang pamahiin na ito ay madalas na pinaniniwalaan ng mga matatanda. Gayunpaman, ang mga pag-aaral ay mas nagpapatunay kung paano nga ba nagiging kambal ang sanggol. Maaaring ang sumusunod na dahilan ay:

  • Isang egg cell ang inilabas pero na nahati sa dalawa kaya nabuo ang identical na kambal
  • Maaming egg cell ang inilabas at maraming fertilized kaya nakabuo ng freternal na kambal

Kapag ang Tiyan ay Patusok, Lalaki at Kapag naman Pabilog, Babae

Walang kaugnayan ang hugis o itsura ng tiyan ng buntis sa magiging kasarian ng kanyang sanggol. Sa katunayan, may mga dahilan ang hugis nito, tulad ng muscle tone, uterine tone, at posisyon ng mismong sanggol.

Nangyayari lamang sa Umaga ang Morning Sickness

Ang pagduduwal o pagsusuka ng buntis ay maaaring mangyari sa kahit na anong oras. Ito ay sanhi ng mga pagbabago sa hormone ng isang babaeng buntis. Madalas lamang itong nagsisimula tuwing umaga at paunti-unting nawawala pagkalipas ng unang tatlong buwan.

Paghakbang sa Buntis, Naipapasa ang Paglilihi

Batay sa pag-aaral, ang pamahiin na ito ay walang basehan. Ang paglilihi ay normal na nararanasan ng isang buntis sanhi ng pagbabago sa kanyang hormone. Normal lamang na naghahanap sila ng mga kakaibang pagkain. Ganoon din, mas nagiging sensitibo ang mga buntis kaya may mga pagkakataong may hindi sila nagugustuhang pagkain o amoy.

Pangingitim ng Kilikili ay Pahiwatig na Lalaki ang Sanggol

Ang lumang pamahiin ng matatanda ang pangingitim ng kilikili ay senyales na lalaki ang sanggol ay walang matibay na patunay. Sa katunayan, 90 porsyento ng buntis ay nakararanas ng pag-iiba ng kulay ng mga bahagi sa katawan. Ito ay normal lamang na lamang ay sanhi ng pagbabago sa hormone.

Pinakamabisang paraan upang malaman ang kasarian ng dinadalang sanggol ay ultrasound.

Mabalbon ang Sanggol kung Makati ang Tiyan ng Buntis

May paliwanag sa pamahiin na ito, ang pangangati ng tiyan ay walang kaugnayan sa magiging itsura ng sanggol. Normal lamang na mangati ang tiyan ng buntis dahil sa pagbanat ng balat nito. 

Mahalagang Tandaan

  • Ang mga pamahiin ay mga paniniwalang mula pa sa mga matatanda na naipasa sa kasalukuyang henerasyon.
  • Napatunayan ng mga dalubhasa na walang katotohanan ang mga pamahiin at walang matibay na patunay.
  • Mabuting kumonsulta sa iyong doktor upang mas maging maalam sa panahon ng pagbubuntis.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

14 Pregnancy Myths You Should Stop Believing

https://rightasrain.uwmedicine.org/life/parenthood/pregnancy-myths

Accessed August 1, 2022

Common Myths about Pregnancy

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/common-myths-about-pregnancy

Accessed August 1, 2022

Fact or Myth: Old Wives’ Tale About Pregnancy

https://rmccares.org/2020/08/13/fact-or-myth-old-wives-tale-about-pregnancy/

Accessed August 1, 2022

20 Filipino Pregnancy Superstitions: Dapat nga bang Paniwalaan?

https://ph.theasianparent.com/pamahiin-debunking-5-pinoy-pregnancy-myths

Accessed August 1, 2022

Superstition

https://www.merriam-webster.com/dictionary/superstition#:~:text=Definition%20of%20superstition,or%20God%20resulting%20from%20superstition

Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

07/24/2024

Isinulat ni Marenila Bungabong

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Prutas para sa mga Buntis: Ano ang mga dapat kainin?

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement