Sa ika-32 linggo ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay mabilis na lalaki. Kasabay ng paglaki nito, ang iyong sanggol ay dapat bumibigat na sa ika-32 ng pag-develop ng sanggol habang buntis. Sa 8 mga linggo na natitira, ang iyong sanggol ay nagsisimula nang maghanda upang mabuhay sa labas ng sinapupunan.
Ang mga buto ng iyong sanggol ay magsisimula nang lumaki sa ika-32 linggo ng pagbubuntis. Gayunpaman, ang mga buto ng sanggol ay mananatiling malambot, upang manatili ang mga ito na flexible kung mapipisil ang sanggol palabas ng sinapupunan.
Kung mayroon kang naka-schedule na ultrasound sa ika-32 linggo ng paglaki ng sanggol, mapapansin mo rin ang mga buhok sa ulo ng iyong sanggol. Kasama ng mga buhok at buto, ay ang mga kuko sa daliri sa paa ay magpoporma na rin at makikita.
Kung ang iyong sanggol ay hindi pa natatanggal ang lanugo, ang layer ng malambot na buhok na nagtatakip sa iyong sanggol sa mga nakalipas na buwan ng pagbubuntis, ang ika-32 na linggo ng paglaki ng sanggol sa sinapupunan ay ang linggo na matatanggal na ang mga buhok na ito.
Mayroon na lamang 8 mga linggo bago ang panganganak, ang iyong sanggol ay magsisimulang iharap ang ulo na nakaturo paibaba. Ito rin ay tinatawag na cephalic presentation, dahil ang mga sanggol ay kadalasang lumalabas na nauuna ang ulo. Kung ang iyong sanggol ay hindi pa humaharap, hindi ka dapat mangamba dahil mayroon pang panahon mula sa ika-32 linggo ng paglaki ng sanggol bago ang panganganak.
Sa ngayon, mayroong pagtaas ng dami ng amniotic fluid (ang tubig na responsable para sa pagkain ng bata). Kakailangan ito ng iyong sanggol dahil siya ay mas lalaki.
Ika-32 linggo ng pagbubuntis: Pagbabago ng Katawan at Buhay
Paano magbabago ang aking katawan?
Sa ika-32 linggo ng pagbubuntis, ang pabalik-balilk na pagpunta sa banyo ay normal. Ang iyong uterus ay natutulak pa rin pababa sa iyong bladder, na nagiging sanhi ng palaging pag-ihi. Maliban rito, ang leg cramps at sakit sa likod ay mararamdaman pa rin. Ang colostrum o pre-pregnancy na gatas ay maaari ring tumagas mula sa suso.
Isa pang sintomas na dapat alalahanin ay heartburn. Mas tulad ng palaging pagpunta sa banyo, ang heartburn ay sanhi rin ng iyong uterus na lumalaki upang mabigyang daan ang sanggol.
Ang pagdagdag ng timbang ay normal at malusog habang nagbubuntis. Sa ika-32 linggo ng pagbubuntis, ang nanay ay maaaring magdagdag ng timbang kada linggo. Ang pounds na iyon ay kabilang ang iyong sanggol.
Mahalaga na patuloy na kumain dahil kailangan ng sanggol ng layers ng fat upang mabuhay sa labas ng sinapupunan. Dahil hindi ka lang kumakain para sa sarili mo ngunit pati na rin sa iyong sanggol, laging siguraduhin na kumain ng masustansya at balanseng diet.
Ang pagpili ng masustansyang pagkain ay makasisiguro na kayong dalawa ng iyong sanggol ay nakakukuha ng tamang nutrisyon mula sa paglaki hanggang sa panganganak.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Maaari kang makaranas ng “Braxton Hicks” sa ika-32 linggo ng paglaki ng sanggol sa sinapupunan. Ito rin ay tinatawag na fake contractions, ang mga contractions na ito ay paraan ng iyong katawan na mag-ensayo para sa totoong labor.
Maaari itong maging sanhi ng pagpa-panic, kaya’t mahalaga na malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng totoong sintomas ng labor at “Braxton Hicks.”
Isa sa madaling paraan upang malaman ang pagkakaiba ng Braxton Hicks: mula sa totoong senyales ng labor ay patuloy at tagal na nararanasan ang contractions. Ang “Braxton Hicks,” hindi tulad ng totoong senyales ng labor, ay hindi madalas. Madali lang din itong mawawala.
Tatagal ito mula 30 segundo hanggang dalawang minuto at mawawala na pagkatapos. Sa kabilang banda, ang totoong labor contractions ay nangyayari sa regular na pagitan sa pag-igiting ng sakit. Kung sa tingin mo ay ikaw ay nakararanas ng maagang labor contractions, agarang kumonsulta sa iyong doktor o magtungo sa ospital.
Maaari ring magkaroon ang mga babae ng pelvic pain. Bagaman hindi ito nakaaapekto ng masama sa iyong sanggol, maaaring maging sanhi ito ng hindi pagiging komportable. Liban sa pag-inom ng gamot, magandang ideya na manatiling fit at magsagawa ng light stretches upang hindi maranasan ang sobrang sakit. Makipag-ugnayan sa iyong doktor tungkol sa posibleng option upang guminhawa ang sakit sa pelvic area.
Maliban sa mga kondisyon na ito, tawagan ang iyong doktor o magtungo sa ospital kung nararanasan ang anuman sa mga sintomas na ito:
- Pagdurugo ng ari o fluid leakage
- Lagnat
- Patuloy na sakit ng ulo
- Matinding sakit sa tiyan
- Mahapding pakiramdam sa pag-ihi
- Paglabo ng paningin
Ika-32 linggo ng pagbubuntis: Pagbisita sa Iyong Doktor
Ano ang sasabihin ko sa aking doktor?
Maaari mong talakayin sa iyong doktor ang kahit na anong contractions na iyong nararamdaman sa linggong ito. Kung mino-monitor mo ang iyong presyon ng dugo, sabihin ang resulta sa iyong doktor. Maaari ka ring magtanong sa iyong doktor ng mga posibleng options, kung mayroon kang sakit sa iyong pelvis, cramps, at sakit sa likod na mahirap na tiisin.
Option sa Panganganak
Ang Philippine Department of Health’s Safe Motherhood program ay naglalayong magbigay ng ligtas at malalapitan na pagpipilian sa panganganak para sa mga nanay na Pilipina. Humanap ng ospital at doktor upang manganak. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay hinihikayat ang mga magiging ina na manganak sa mga pasilidad o ospital. Mapatataas nito ang tsansa ng pagiging matagumpay ng panganganak.
Anong tests ang dapat kong malaman?
Maaaring nais mo ring mag-schedule ng ultrasound sa linggong ito kung gusto mong makita ang paglaki ng iyong sanggol. Mapapansin mo rin na susuriin ng doktor ang iyong presyon ng dugo.
Planong Aksyon
Narito ang mga bagay na dapat ikonsidera sa ika-32 linggo ng pagbubuntis:
- Pumili ng ospital sa panganganak
- Bumasa ng pangangalaga sa anak
- Pumili ng mga posibleng tao na kasama sa delivery room
- Uminom ng sapat ng tubig
- Kumalma at huwag mangamba
Matuto nang higit pa tungkol sa bawat linggo ng pagiging buntis, dito.