backup og meta

Ika-29 Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat mong Malaman

Ika-29 Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat mong Malaman

Ang ika-29 linggo ng pagbubuntis ay nakapananabik. Ikaw ay nasa ikatlong trimester na ng pagbubuntis, at makikita mo na ang malaking pagbabago sa iyong katawan at makararanas pa ng marami. Narito ang mga impormasyong magagamit upang makatulong sa ika-29 na linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis.

Sa stage na ito, ang iyong sanggol ay nasa sukat na ng isang butternut squash. Ang iyong sanggol ay nasa 14 ½ -16 pulgada ang haba at may bigat na 2 ½ -3 na pounds. Habang ang iyong sanggol ay malapit na sa sukat ng paglabas niya, magiging doble o triple ang bigat niya sa oras ng panganganak.

Ang kutis ng iyong sanggol ay dating kulubot ngunit ngayon ay magsisimula nang lumambot. Ito ay sa dahilan na siya ay mas nakakukuha ng fat sa ilalim ng balat.

Gayunpaman, hindi ito katulad ng orihinal na brown fat na mayroon siya noon. Magkakaroon na siya ngayon ng white fat, na ginagamit natin na pinanggalingan ng enerhiya.

Ang utak ng iyong sanggol ay lumalaki, kaya’t ang kanyang ulo ay lalaki rin. Hindi lang ito ang lalaki. Ang mga baga at muscles ng iyong sanggol ay lalaki na rin. Karagdagan, ang mga buto ng iyong sanggol ay magsisimula nang mas tumigas sa ika-29 na linggo na pag-develop ng sanggol habang buntis.

Ika-29 Linggo ng Pagbubuntis: Pagbabago ng Buhay at Katawan

Paano magbabago ang aking katawan?

Sa puntong ito, ang iyong sanggol ay mas lumaki na nararamdaman mo nang tinutulak niya ang iyong tiyan. Maaari kang makaranas ng heartburn mula sa pressure na iyon. Upang mabawasan ang sintomas, maaari mong iwasan ang carbonated drinks at mga pagkaing maanghang at fatty foods, at kumain ng kakaunti ngunit palagian.

Ang isang nakakatawang sintomas na mapapansin mo ay ang iyong pusod ay luluwa. Walang dapat na ikapangamba dahil ito rin ay babalik sa normal matapos manganak. 

Isa pang sintomas na maaaring nagkaroon ka na nang mas maaga ay ang varicose veins. Ito ay kadalasang makikita sa mga binti at maaari mong mapansin na ito ay maumbok at namamaga. Maaari kang magsuot ng mga support tights, panatilihin na nakataas ang mga binti, at kausapin ang iyong doktor kung nagsimula na itong makaabala sa iyo.

Sa paglaki ng iyong sanggol, ang iyong katawan ay gagamit nang mas maraming iron kesa sa normal. Maaaring mababa ang iyong iron kung hindi karaniwan kang napagod o nahilo, kaya’t mainam na konsultahin ang iyong doktor.

Sa ika-29 na linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis, mapapansin mong lagi kang umiihi, at ito ay dahil sa lumalaki mong uterus. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na babawasan mo ang pagkonsumo mo ng tubig. Mainam na masiguro na ikaw ay nananatiling hydrated.

Karamihan ng mga kababaihan ay nakapagdaragdag ng timbang ng 19-25 na pounds sa ika-29 ng pag-develop ng sanggol habang buntis. Karagdagan, ang lumalaki mong sanggol ay madalas nang gumagalaw, at makararamdam ka ng nasa 10 pagkilos sa 2 oras.

Ano ang dapat kong alalahanin?

Sa paglaki ng iyong tiyan, mapapansin mo na na lalong sumasakit na rin. Nagbibitbit ka ng dagdag na bigat kaya’t mararanasan mo ang sakit sa ika-29 na linggo ng pagbubuntis.

Ang iyong balat ay mas magiging sensitibo rin dahil ang balat sa palibot ng iyong tiyan ay nagiging mas manipis. Ang pag-inom ng maraming tubig at paglalagay ng lotion sa iyong tiyan ay makatutulong sa pangangati. Gayunpaman, kung nagkaroon ka ng rash o matinding pangangati, makipag-ugnayan sa iyong doktor.

Pagbisita sa Iyong Doktor

Kung nakaranas ng mga malala o nakaaabalang sintomas ng pagbubuntis, mainam na bisitahin ang iyong doktor. Karagdagan, kung sa ika-29 na linggo ng pagbubuntis ay makakita ka ng mapanganib na senyales tulad ng vaginal spotting, tulad ng menstrual cramps o sakit sa ibabang bahagi ng likod, bumulwak na mala-tubig na pinkish o brownish na discharge na mayroong kapal ng jelly, kaagad na humingi ng medikal na atensyon.

Ika-29 linggo ng pagbubuntis: Kalusugan at Kaligtasan

Ano ang dapat kong malaman sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?

Sa puntong ito, ang iyong suso ay maaaring tumagas ng tubig na may colostrum. Upang masolusyonan ito, maaari kang bumili ng breast pads.

Gaya ng nabanggit kanina, sa ika-29 na linggo ng pag-develop ng sanggol habang buntis, maaaring makaranas ka ng palagiang pag-ihi at heartburn. Maaari ka ring magkaroon ng leg cramps. Samakatuwid, ang pananatiling aktibo (na iminungkahi ng iyong doktor) at paglalakad ay makatutulong upang mapagaan ang mga sintomas.

Sa ikatlong trimester, ikaw ay mas may banta na makakuha ng urinary tract infection. Kung nakakita ng senyales ng UTI, iminumungkahi namin na agarang makipag-ugnayan sa medikal na propesyonal.

Ang mga senyales ng UTI ay kabilang ang:

  • Lagnat
  • Mabahong amoy ng vaginal discharge
  • Yellowish o greenish na vaginal discharge
  • Pangangati

Kung nahihirapan kang makatulog sa gabi, may mga paraan upang ikaw ay mahimbing na makatulog. Maaaring magsagawa ng mga katamtamang ehersisyo, uminom ng maraming tubig, iwasan ang pagkakape.

Mainam para sa iyo na kumain ng dagdag na 500 na calories kada araw upang masiguro na ang sanggol ay nakakukuha ng sapat na nutrisyon. Gayunpaman, ang totoong numero ay maaaring iba sa iba’t ibang babae, kaya’t mainam na magtanong sa iyong doktor.

Karagdagan, kailangan mong makasiguro na ang dami ng calories na iyong ikokonsumo ay mula sa masustansyang pagkain.

Iminumungkahi rin na siguraduhin na makakukuha ka ng sapat na calcium kada araw upang maiwasan ang low birth weight at pregnancy-induced hypertension.

Ang iyong tiyan ay mas magiging halata na mapapansin ng lahat, at ang mga tao ay maaaring sabihan ka ng pamahiin na hindi mo naman sinusunod. Isa sa mga halimbawa ng pamahiin ay ang iyong sanggol ay magiging matigas ang ulo kung ikaw ay umiinom ng softdrinks habang buntis. Hindi ito totoo. Gayunpaman, ang pag-iwas sa pag-inom ng softdrinks ay magandang ideya dahil ito ay may mataas na sugar at caffeine.

Maaari mo ring tingnan ang alituntunin sa iyong airline kung nagpaplano kang bumiyahe gamit ang eroplano. Hindi pa huli ang lahat upang bumiyahe. Gayunpaman, ang kada airline ay may iba-ibang alituntunin tungkol sa mga buntis na pasahero.

Ngayong ikaw ay nasa ika-29 na linggo ng pagbubuntis, makikita at mararamdaman mo ang malaking pagbabago sa paglaki ng iyong sanggol. Maaari ka ring magsimulang mas manabik sa araw ng paglabas niya. Sa paghahanda mo sa panganganak, ipagpatuloy na matuto sa mga pangangailangan ng sanggol kada linggo upang maayos na maalagaan ang lumalaking anak.

Matuto ng higit pa tungkol sa pagiging buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heartburn https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/symptoms-causes/syc-20373223

Varicose Veins https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/varicose-veins/symptoms-causes/syc-20350643

Weight Loss https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/brown-fat/faq-20058388

What is Colostrum? https://study.com/academy/lesson/what-is-colostrum-definition-benefits-side-effects.html

UTI – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447

Kasalukuyang Version

03/30/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement