Development sa Ika-28 Linggo ng Pagbubuntis
Paano lumalaki ang aking sanggol?
Ang ika-28 linggo ng pagbubuntis ay isang napakahalagang panahon dahil nagmamarka ito ng ilang mga milestone na dapat mong malaman. Ang artikulong ito ang magbibigay sa’yo ng magandang ideya kung ano ang dapat mong aasahan sa ika-28 na linggo ng iyong pagbubuntis.
Kung nabubuksan ng iyong baby ang kanyang mga mata sa mga nakaraang linggo bago ang ika-28 na linggo ng iyong pagbubuntis, maaaring nakikilala na niya ang malakas na liwanag. Kung saan kapag nagpailaw ka sa’yong tiyan, pwedeng tumalikod ang iyong baby sa liwanag.
Ang brain wave ng isang sanggol sa ika-28 linggo ng pagbubuntis ay magpapakita ng mga reaksyon sa mga tunog na nangyayari sa paligid niya. Oo, naririnig nang iyong sanggol ang mga ito habang siya ay nasa loob ng iyong tiyan, at kung gugustuhin mong makinig ng musika habang nagpapahinga ka, siguradong maeenjoy ito ng iyong baby.
Ang brain waves na sinusukat sa panahong ito ay magpapakita rin ng makabuluhang aktibidad na nangyayari sa oras ng pagtulog at paggising. Nangangahulugan ito na ang iyong baby ay umaangkop sa mga normal na cycle ng pagtulog. Mas magiging malinaw ito habang papalapit ang iyong takdang petsa.
Narito ang iba pang mga pangunahing developments ng iyong sanggol sa iyong ika-28 linggo ng pagbubuntis:
- Mabilis na umuunlad ang respiratory system ng iyong baby sa panahong ito, at ang mga baga at iba pang bahagi ay dapat na handa para sa unang hininga ng oxygen. Ang katawan ng iyong sanggol ay gumagawa din ng surfactant sa yugtong ito at pinipigilan ng materyal na ito ang air sac na dumikit sa isa’t isa, kung saan ay magpapahintulot sa sanggol na huminga nang maayos.
- Ang bronchial tubes ng iyong sanggol ay nagsisimula nang maging mature habang sila ay nahahati sa mas maliliit na sanga.
- Ang iyong sanggol ay magsisimulang makaranas ng mabilis na paggalaw ng mata (REM) sa yugtong ito at ibig sabihin nananaginip siya, and for sure napapanaginipan niya si mommy!
- Ang iyong sanggol ay dapat na mga 37 cm ang haba sa ngayon kapag sinusukat mula sa tuktok ng ulo hanggang sakong.
- Ang iyong baby ay maaaring mag-make face ngayon! Paminsan-minsan ay nilalabas din niya ang kanyang dila. Naniniwala ang mga siyentipiko na ito ay para i-test ang amniotic fluid.
- Ang isa pang kapana-panabik na pag-unlad ay ang sanggol ay magkakaroon na ngayon ng mga pilikmata.
- Sa loob ng sinapupunan ang balat ng sanggol ay natatakpan ng vernix caseosa, isang pula, waxy substance na gumagana bilang isang protective film. Ito’y pinaniniwalaan na may anti-infective, waterproofing properties.
Ilan lamang ito sa mga development sa ika-28 linggo ng pagbubuntis na dapat mong abangan. Kung saan, malaki ang nagiging pag-unlad ng iyong baby at excited siya na makita ang iyong mukha!
Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay
Paano nagbabago ang aking katawan?
Papalapit na ang iyong takdang petsa at papataasin ng iyong katawan ang paghahanda nito para sa panganganak. Ito ang ilan sa mga sintomas at pagbabagong mararanasan ng iyong katawan sa panahong ito:
- Magsisimulang lumitaw ang mga stretch mark sa iba’t ibang bahagi ng iyong katawan at sumasang-ayon ang mga eksperto na wala kang magagawa tungkol sa mga stretch mark. Bagaman maaari kang mag-aplay ng mga cream sa mga apektadong lugar para mabawasan ang mga epekto.
- Dahil lumalaki ang iyong tiyan, lilipat ang iyong center of gravity sa iyong mga kasukasuan bilang paghahanda para sa panganganak. Kaya maaari mong mapansin na madali kang mawalan ng balanse.
- Maaari kang magsimulang makaranas ng Sciatica o tingling leg pain sa panahong ito. Ito’y sanhi ng shifting ng iyong sanggol at pagtama ng iyong Sciatic nerve. Maaaring mawala ang sakit kung lumipat ang iyong sanggol, ngunit maaari itong manatili at maging matindi.
- Maaari kang makaranas ng scattered Braxton Hicks contraction na siyang pagpapatigas at magrerelaks ng matris.
- Maaari mong mapansin na mas madalas kang umiihi habang ang matris ay patuloy na nagtutulak sa pantog.
Maraming pagbabago ang mangyayari sa’yong katawan sa ika-28 linggo ng pagbubuntis ngunit manatiling kalmado at enjoyin ang paglalakbay.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Sa ika-28 linggo ng pagbubuntis inirerekomenda na malaman mo ang iyong rhesus (Rh) status. Kumonsulta sa’yong doktor tungkol dito, lalo na kung ang iyong kalagayan ay hindi tumutugma sa kalagayan ng iyong baby, kakailanganin mo ng injection.
Ang mga pagbabagong nararanasan ng iyong katawan sa oras na ito ay maaaring magparamdam sa’yong dibdib na parang may mga bukol. Ang finding ng bukol sa’yong suso sa panahon ng pagbubuntis ay karaniwang hindi concern. Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng kanser sa suso sa panahon ng pagbubuntis ay napakabihira.
Bumisita sa Iyong Doktor
Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?
Mag-iskedyul ng mga regular checkups sa’yong doktor sa buong panahon ng pagbubuntis. Ito ay kailangan kang kinakailangan kang bigyan ng Rh immune globulin shot.
Sa panahong ito, maaaring suriin ng doktor kung ang iyong sanggol ay nasa preferred position para sa panganganak. Kung saan dapat na nakayuko. Gayunpaman hindi na kailangang mag-alala kung ang iyong sanggol ay wala pa sa posisyon.
Kalusugan at kaligtasan
Habang papalapit ka sa iyong takdang petsa patuloy na kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron. Kakailanganin ito ng iyong katawan para mapanatili ang paglaki at pag-unlad ng iyong anak.
Bilang karagdagan ipinapayong sa ika-28 linggo ng pagbubuntis ay magsisimula kang magsaliksik at makilahok sa mga klase sa panganganak. Ang mga klase na ito ay makatutulong sa’yo na maghanda para sa panganganak.
Ang ika-28 linggo ng pagbubuntis ay panahon para sa maraming pagbabago – para sa’yo at sa iyong baby. Ang mahalaga ay armado ka ng lahat ng impormasyong kailangan mo. Para manatiling malusog sa panahong ito.