backup og meta

Ika-19 Linggo Ng Pagbubuntis: Ilang Facts Na Dapat Mong Malaman

Ika-19 Linggo Ng Pagbubuntis: Ilang Facts Na Dapat Mong Malaman

Binabati kita, naabot mo ang ika-19 na linggo ng pagbubuntis ng sanggol! Marami ka nang naabot at marami pang kapana-panabik na sorpresa na darating. Maghanda para sa kung ano ang susunod sa’yong paglalakbay sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagbabasa ng gabay na ito sa ika-19 na linggo ng pagbubuntis.

Development ng Sanggol sa Ika-19 Linggo ng Pagbubuntis

Ang pagbubuntis ay maaaring maging kapana-panabik. Lalo na dahil ang iyong maliit na bundle ng kaligayahan ay malapit na. Maaari rin itong maging nakatatakot. Dahil sa lahat ng mga pagbabago sa’yong katawan, buhay, at mga relasyon. Wala ring blueprint para sa pagbubuntis, kaya maaaring iba ang iyong paglalakbay sa pagbubuntis sa iyong inaasahan. Anuman ang halo-halong emosyon na iyong nararamdaman, humanap ng comfort sa pag-iisip na sa wakas ay makikita mo na rin ang iyong anak. At, ikaw ay nasa mas malapit na yugto nang pagiging isang ina

Ang unang trimester ay karaniwang nagsisimula mula sa unang linggo, hanggang sa katapusan ng linggo 13. Ang mga unang ilang buwan ng pagbubuntis ay maaaring maging mahirap. Dahil karaniwang ang mga sintomas ng pagbubuntis ay nagsisimulang magpakita. Haharapin mo ang mood swings, morning sickness, constipation, at kahit ang madalas na pag-utot. Maaaring kailanganin mo ring ipagpalit ang iyong mga paboritong kasuotan para sa mas komportableng damit para bigyang-daan ang mga pagbabago sa’yong katawan.

Sa kabutihang palad, ang ikalawang trimester ay hindi magiging kasing hirap. Sa ikalawang trimester, na sumasaklaw sa linggo 13 hanggang linggo 28. Dito na magsisimula na ang iyong katawan ay magsimulang bumuti. Sa ikalawang trimester, na karaniwan ay nasa ika-4, ika-5, at ika-6 na buwan ng pagbubuntis, lumilipas na ang mga malalang pagduduwal. At sa bahaging ito, hindi pa rin mabigat ang iyong baby bump. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa ika-5 buwan ng pagbubuntis o ika-19 na linggo ng pagbubuntis ng pag-unlad ng sanggol, magbasa pa.

Linggo 19: Development ng Sanggol

Sa humigit-kumulang limang buwan o ika-19 na linggo ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay kasing laki ng mangga! Ang iyong sanggol sa limang buwan sa sinapupunan ay humigit-kumulang 7 pulgada ang haba at tumitimbang ng humigit-kumulang 6.5 hanggang 8 onsa. Sa ika-19 na linggo ng pagbubuntis, ang iyong anak ay magsisimulang magdebelop ng bodily functions at characteristics na partikular sa ilang bahagi o organs ng katawan.

Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay

Paano Nagbabago ang Aking Katawan?

Dahil ikaw ay nasa ikalawang trimester, maaari kang maging mas mabuti at mas masigla ka kung ikukumpara sa unang trimester. Sa panahong ito, mapapansin ng maraming kababaihan na nagkakaroon sila ng “pregnancy glow.” Kaya asahan na mas maganda ang hitsura ng iyong balat kaysa noon. Maraming mga sintomas ang maaaring magpakita sa iyong ika-5 buwan o ika-19 na linggo ng pagbubuntis. Narito ang mga sumusunod:

  1. Melasma: Kadalasang tinutukoy bilang “mask of pregnancy,” ang melasma o chloasma ay nagiging sanhi ng paglitaw ng mga dark spot sa’yong balat, lalo na sa mukha. Ito ang resulta ng mga hormone sa pagbubuntis. Na maaaring magdulot ng hyperpigmentation sa balat. Maglagay ng sunscreen sa tuwing lalabas ka o palaging gumamit ng proteksyon laban sa araw, para maiwasan ang karagdagang hyperpigmentation.
  2. Round Ligament Pain: Ang mga round ligament ay mga istrukturang sumusuporta sa matris. Ang pananakit sa rehiyong ito ay karaniwan sa pagbubuntis. Lalo na sa ilang paggalaw tulad ng paggulong sa kama. Para maibsan ang sakit na ito, baguhin ang iyong posisyon o subukan ang mga malambot na pag-uunat na makakatulong sa pagpapagaan ng mga kalamnan sa lugar na iyon.

Sa ika-19 na linggo ng pagbubuntis ng sanggol, ang mga magiging mommy ay maaari mag-look forward para sa mga unang sipa at flutters mula sa kanilang mga sanggol. Ito’y tinatawag na “quickening”. Magsisimulang gumalaw ang iyong baby sa oras na ito. At ito ay dahil nagsisimula na silang magkaroon ng pattern ng pagtulog, tulad mo! Gayunpaman, ang ilang mga kababaihan ay maaaring hindi nakakaramdam ng mga flutters. Hindi ito dapat maging sanhi ng pag-aalala. Dahil karamihan sa mga kababaihan ay mararamdaman lamang ang malalakas na sipa sa ikatlong trimester.

Bumisita sa Iyong Doktor

Ano ang Dapat Kong Sabihin sa Aking Doktor?

Pagkatapos ng iyong unang ilang prenatal check-up sa unang trimester. Ang iyong doktor ay mag-iskedyul na ng mga susunod na pagbisita para sa susunod na trimester. Sa mga pagbisitang ito, gugustuhin ng iyong doktor na subaybayan ang paglaki ng iyong sanggol. Kung nagsimula kang makaramdam ng kaba o pagsipa, siguraduhing sabihin din sa kanila.

Kung nakakaranas ka ng anumang paglala ng mga sintomas, tulad ng pananakit ng likod o bilog na ligament, pinakamainam din na ibahagi ito sa iyong doktor. Sa ganoong paraan, masusuri nila ang anumang pinagbabatayan na mga problemang medikal o magrereseta ng anumang bagay para maibsan ang discomfort. Tandaan, ang ilang mga painkiller ay maaaring makapinsala sa’yong sanggol. Kaya bago uminom ng anumang pangpawala ng sakit o gamot, tiyaking tanungin ang iyong doktor kung ligtas ang mga ito para sa kalusugan ng iyong sanggol.

Maaari mo ring asahan na marinig ang tibok ng puso ng iyong sanggol sa unang pagkakataon sa mga pagbisita ng doktor sa ikalawang trimester.

Kalusugan at kaligtasan

Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Pagiging Malusog at Ligtas Habang Nagbubuntis?

Sa panahong ito, ang iyong sanggol ay nasa proseso ng pagbuo ng mga critical bodily functions. Iwasang magdala ng mabibigat na bagay o gumawa ng napakaraming gawain sa trabaho. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng hindi kinakailangang strain sa iyong katawan at kalusugan ng isip.

Sa Pilipinas, hinihikayat ang herbal medicine na pagalingin ang lahat ng uri ng sakit o mapabuti ang pangkabuuang kagalingan. Gayunpaman, ang ilang mga halamang gamot ay maaaring nakakalason para sa’yong sanggol. O maaari silang maging sanhi ng napaagang mga contraction na maaaring magdulot ng miscarriage. Bago uminom ng anumang “mga halamang gamot”, siguraduhing tanungin ang iyong doktor tungkol dito.

Ang isa pang paniniwala ay kailangan mong kumain para sa dalawang tao dahil hindi lang ikaw ang pinapakain ng iyong katawan ngayon. Hindi mo dapat pilitin ang iyong sarili na kumain nang labis. Ang pagtitiyak na magkaroon ng balanseng diyeta na puno ng mga prutas ng gulay ang paraan pa rin para matiyak na nakukuha ng iyong sanggol ang lahat ng sustansyang kailangan niya. Ang sobrang pagkain ay maaaring magdulot ng mga panganib sa kalusugan para sa’yo at sa iyong sanggol tulad ng gestational diabetes o labis na katabaan. Ang mga kondisyong ito ay maaaring magpahirap sa labor.

Sa ika-19 na linggo ng pagbubuntis ng sanggol, nasa kalahati ka na ng iyong pagbubuntis. Ang pagtangkilik sa pagpapalakas ng enerhiya at pagbaba ng mga sintomas ay magbibigay sa’yo ng kinakailangang oras para masiyahan sa’yong pagbubuntis. Makinig sa payo ng iyong doktor, at manatiling may kaalaman tungkol sa mga pagbabagong pagdaraanan ng iyong katawan at sanggol sa panahon ng iyong pagbubuntis. Makakatulong ito na gawing less stress at mas kapana-panabik ang iyong pregnancy journey.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://americanpregnancy.org/week-by-week/19-weeks-pregnant/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK526092/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2763724/

https://americanpregnancy.org/pregnancy-health/skin-changes-during-pregnancy/

https://americanpregnancy.org/pregnancy-health/skin-changes-during-pregnancy/

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/round-ligament-pain/faq-20380879

https://americanpregnancy.org/while-pregnant/first-fetal-movement/

Kasalukuyang Version

04/22/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement