backup og meta

Sex Sa First Trimester, Safe Nga Ba? Alamin Dito

Sex Sa First Trimester, Safe Nga Ba? Alamin Dito

Sa panahon ng pagbubuntis, ang mga ina ay nagiging mas maingat sa lahat lalo na mula sa unang 3 buwan ng pagbubuntis, mula sa kanilang diet, sa kanilang mga posisyon sa pagtulog. Sa mga alalahaning ito, ang isa pang bagay na inaalala ng mag-asawa ay kung dapat bang mag-sex sa first trimester o hindi?

Sex sa first trimester, ligtas ba?

Katanungan ito ng maraming mga buntis dahil nararamdaman nila na ang kanilang mga sexual urges ay mas lumakas sa panahon ng pagbubuntis.

Ang sanhi ng pagtaas ng libido ay dahil sa mabilis na pagtaas sa hormone sa pagbubuntis. Nagiging mas malaki at mas sensitibo ang mga suso. Ang ari ng babae ay bahagyang mamagâ dahil sa pagtaas ng sirkulasyon ng dugo sa lugar na ito.

Gayunpaman, maraming nagsisikap na ihinto ito dahil sa takot  sa magiging epekto sa sanggol. Maaaring makadama ng mabilis na pagod. 

Maraming mga buntis ang maaaring makaranas ng malubhang pagduduwal o pagkakasakit sa umaga. Ang pamumulikat pagkatapos ng pakikipagtalik o sakit ng dibdib sa panahon ng pagbubuntis ay maaari ding maging dahilan ng ilang mag-asawa upang iwasan ang pakikipagtalik sa panahong ito.

Hindi mo kailangang mag-alala kung nararamdaman mo ang pagbabago ng iyong sekswal na pangangailangan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis. Maging maagap at prangka sa iyong partner upang mahanap ang pinakamahusay na solusyon upang matugunan ang pareho ninyong mga pangangailangan. Humingi ng payo sa iyong doktor kung nararamdaman mo ang pangangailangan. Lalo na kung nakararanas ka ng mga hindi pangkaraniwang sintomas pagkatapos makipagtalik.

Puwede bang makipag-sex sa first trimester?

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng British Journal of General Practice, okay na magkaroon ng pakikipagtalik sa unang 3 buwan ng pagbubuntis kung ang iyong kalusugan ay matatag at nararamdaman mong interesado sa pakikipagtalik.

Gawing panatag ang isip dahil ang fetus ay protektado ng amniotic sac sa sinapupunan. Bilang karagdagan, pinoprotektahan din ng cervical mucus plug ang sanggol mula sa external influences.

Hindi ka dapat makipagtalik kung mayroon ka ng sumusunod na kondisyon:

  • Nakunan o may panganib na makunan 
  • Hindi maipaliwanag na pagdurugo ng vagina pagkatapos ng pakikipagtalik 
  • Sakit ng tiyan at pamumulikat 
  • Hindi stable na cervical (kasaysayan ng cone resection o nakaraang cervical procedure) 
  • Buntis sa kambal o higit pa 
  • Na – diagnose na may mababang placenta o may significant subchorionic hemorrhage

Kapag ikaw ay buntis, dapat mo ring iwasan ang pakikipagtalik kung ang iyong kapartner ay may genital herpes. Bilang karagdagan, siguraduhin na ang iyong kapareha ay laging gumagamit ng condom kapag nakikipagtalik. Ito ay para maiwasan ang panganib na mahawa ng mga sakit na nakukuha sa sex sa panahon ng pagbubuntis, tinitiyak na hindi ito nakakaapekto sa development ng sanggol sa panahon ng pagbubuntis.

Safe sex posisyon para sa mga babaeng buntis na nakikipag-sex sa first trimester 

Bilang karagdagan tungkol sa pakikipagtalik sa unang 3 buwan ng pagbubuntis, maraming mga buntis ang nahihirapan sa pagpili ng mga posisyon ng pakikipagtalik sa panahon ng pagbubuntis.

Ang first trimester ng pagbubuntis ay itinuturing na pinaka-sensitibong panahon sa pagbubuntis. Ang natural na mekanismo ng pagpapadulas ng vagina ay mas aktibo, ang katawan ng babae ay mas iritable, at ang baywang ay hindi gaanong malaki upang mag-alala tungkol sa pakikipagtalik .

Samakatuwid, ang unang 3 buwan ng pagbubuntis ay ang oras kung kailan ma-e-enjoy ang pakikipagtalik na may iba’t ibang mga posisyon dahil ang mga pisikal na pagbabago sa oras na ito ay hindi masyadong nakakaapekto. Lahat ng mga posisyon ng sex sa first trimester ay safe. Maaaring subukan ang anumang posisyong pinakakomportable para sa mag-asawa.

Gayunpaman, dapat mo pa ring unahin ang mga posisyon sa pakikipagtalik na hindi umiipit sa tiyan. Bilang karagdagan, kung ikaw ay nag-aalala na ang fetus ay hindi matatag, dapat mong iwasan ang masyadong malakas na pagganyak. At limitahan ang pagpasok ng titi ng malalim sa vagina. Sa halip, subukan ang malumanay at dahan-dahan.

Sa impormasyon sa itaas, sana ay natagpuan mo ang sagot sa tanong kung dapat kang makipagsex sa first trimester o kung dapat kang umiwas. Para sa anumang mga alalahanin, pinakamahusay na magtiwala sa iyong pinagkakatiwalaang doktor.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Can sex during pregnancy cause miscarriage? https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3310038/ Accessed January 20, 2022

Do’s and Don’ts During the First Trimester of Pregnancy https://news.sanfordhealth.org/womens/dos-and-donts-during-first-trimester-pregnancy/ Accessed January 20, 2022

Do’s and Don’ts for a Safer Pregnancy

https://www.tommys.org/pregnancy-information/im-pregnant/early-pregnancy/dos-and-donts-safer-pregnancy Accessed January 20, 2022

Sex in Trimester 1, 2, 3 of pregnancy https://www.nct.org.uk/pregnancy/relationships-sex/sex-trimester-one-two-and-three-pregnancy Accessed January 20, 2022

Sex During Pregnancy: What’s OK, What’s Not

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/sex-during-pregnancy/art-20045318#:~:text=Is%20it%20OK%20to%20have,preterm%20labor%20or%20placenta%20problems. Accessed January 20, 2022

Sex in Pregnancy

https://www.nhs.uk/pregnancy/keeping-well/sex/

Accessed January 20, 2022

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ika-10 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Pagbabago Sa First Trimester ng Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement