Ika-6 Linggo ng Pagbubuntis: Development ni Baby
Natapos ang isa pang linggo at nasa ika-6 na linggo ng pagbubuntis ka na. Excited ka bang malaman kung ano ang nangyayari sa’yong katawan at sa’yong baby? Basahin ang guide na ito para malaman kung ano ang kalagayan ng iyong baby. At kung ano ang dapat mong asahan sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis.
Paano lumalaki ang aking sanggol?
Mula sa isang orange seed, ang iyong baby ay umunlad na sa laki tulad ng pomegranate. Na may sukat na humigit-kumulang 0.08 hanggang 0.2 pulgadang liit. Ito rin ang oras kung saan maaari mong makita (at marinig) ang tibok ng puso ng iyong baby. Hindi ito bababa sa 105 bpm (mga beats bawat minuto). Ang ilan ay nagsasabi babae ang iyong baby kung mas mabilis ang tibok ng puso nito.
Isa sa pang milestones sa oras na ito – ang baby’s neural tube ay nasa huling yugto nang pagbuo ng spinal cord nito. Nagsisimula ring bumuo ng mga bukol, na sa kalaunan ay magiging mga mata, tainga, braso, at binti ng iyong baby.
Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay
Paano nagbabago ang aking katawan?
Dahil ikaw ay nasa ika-6 na linggo ng pagbubuntis, karamihan sa mga sintomas na iyong nararamdaman ngayon ay nasa peak. Karamihan sa mga sintomas ay nawawala sa pagtatapos ng unang trimester at nagiging normal sa ika-4 na buwan ng pagbubuntis.
Maaaring maging medyo malambot at sensitibo ang iyong mga suso. Dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo. Inihahanda ka na ngayon ng iyong katawan para sa pagpapasuso. Isang bagay na dapat abangan kapag lumabas na ang iyong baby. Kung nakakaranas ka rin ng ilang sakit sa umaga (o buong araw), panatilihing hydrated ang iyong sarili. Maaaring medyo inconvenient, ngunit ang small frequent meals at pagkain ng magagaan na snacks tulad ng mga cracker na walang asin ay makakatulong na mapawi ang pagduduwal.
Maaari mo ring mapansin ang ilang cravings at pag-ayaw sa pagkain sa oras na ito. Ito’y maaaring epekto ng hormones na prinoproduce ng iyong katawan. Siguraduhing ipaalam mo ito sa’yong kapareha/pamilya, para makakain ka ng wastong pagkain at mapanatiling malusog ang iyong sarili.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Ang ilan sa mga mas karaniwang sintomas na mararanasan mo sa ika-6 na linggo ng pagbubuntis ay ang:
Pagkapagod o pagkahilo. Habang patuloy na tumataas ang progesterone, mas makararamdam ka ng pagod sa bawat araw. Ang pagkapagod sa pagbubuntis ay ganap na normal. Kung ikaw ay nagtatrabaho, maaaring tanungin ang iyong employer kung maaari mong ilipat ang iyong mga oras para makapagpahinga hangga’t maaari. Siguraduhing umiinom ka ng iron supplements o mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng legumes, berdeng madahong gulay, broccoli, patatas, at itlog. Ang folic acid at iron ay napakahalaga sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis. Dahil responsable sila sa paglikha ng mga pulang cell ng dugo para sa’yo at sa iyong baby.
Spotting. Kung hindi ka nakakaranas ng anumang bahagyang pagdurugo sa mga nakaraang linggo. Asahan na mangyayari ito sa ika-6 na linggo ng pagbubuntis. Huwag mag-alala kung makakita ka ng ilang mga spot sa’yong liner. Dahil ito ay normal at referred bilang “implantation bleeding.” Kung ang spotting ay tumatagal ng higit sa 2 araw, kasama ng matinding cramping. Kumunsulta kaagad sa’yong doktor.
Madalas na pag-ihi. Dahil ang iyong mga bato ay nagpoproseso ng mas maraming liquids sa ika-6 na linggo ng pagbubuntis ng baby. Asahan na magkakaroon din ng mas madalas na pagpunta sa banyo.
Walang sintomas. Maaaring may ilang masuwerteng ina na patuloy na nakakaramdam ng “normal” at walang anumang sintomas. Hindi lahat ng pagbubuntis ay magkakatulad. Ang iba naman ay nagsisimulang makaranas ng mga sintomas sa kanilang ikalawang trimester.
Bumisita sa Iyong Doktor
Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?
Kung sinusubukan mong manatiling maayos, tanungin ang iyong doktor kung anong mga ehersisyo ang ligtas. Maaaring kailanganin mo ring isaalang-alang ang anumang family history o kung nagkaroon ka ng miscarriage dati. Dahil nasa ika-6 na linggo ng pagbubuntis ang iyong hormones ay nagsisimulang maging mas challenging. Maaari mo ring tanungin ang iyong doktor kung paano kayo magse-sex na mag-asawa. At kung mayroong bang mga hakbang na dapat mong isaalang-alang kapag nakikipag-sex.
Habang papalapit ka sa first half, sa ika-6 na linggo ng pagbubuntis ng baby. Maaari mong simulan ang pag-explore at pagtalakay ng mga opsyon tungkol sa panganganak at paghahanda para sa kapanganakan: water birth, home birth, paggamit ng epidural sa panahon ng panganganak, atbp. Kumonsulta sa’yong doktor tungkol sa mga opsyon na posible para sa iyong pagbubuntis.
Kalusugan at kaligtasan
Huwag maalarma sa mga pagbabagong pinagdadaanan ng iyong katawan. Tulad ng pagiging maitim ng iyong utong at ang iyong mga suso ay nagsisimulang makaramdam ng pagkalambot at pamamaga. Isaalang-alang ito bilang isang magandang signs na ang iyong katawan ay naghahanda para sa panganganak.
Sa ika-6 na linggo ng pagbubuntis, oras na para tingnan ang iyong aparador. At maghanda ng ilang damit na magagamit mo habang nagsisimulang lumaki ang iyong tiyan. Ang mga maong ay maaaring hindi best choices. Maliban kung ang materyal ay medyo nababanat at maaaring suotin kahit lumalaki na ang tiyan (bukod sa iba pa).
Ito ang yugto kung saan gagastos ka mga suplemento, bitamina, at damit. Gumawa ng listahan ng mga mahahalagang bagay at maaari mong dahan-dahang simulan ang pagkuha ng mga ito. Bilang paghahanda para sa iyong bundle ng kagalakan.
Kung ikaw ay kasalukuyang nagtatrabaho, maaaring makipag-usap sa’yong boss o HR upang tanungin ang sumusunod:
- Mayroon ba silang contingency plan sa sandaling mag-maternity leave ka?
- Ano ang iyong health plan coverage?
- Mayroon bang anumang suporta kung sakaling kailanganin mo? Sa anumang kaganapan, mag-leave mula sa trabaho – para sa bed rest, appointment ng doktor, pagsusuri, at iba pa.
Habang patuloy na lumalaki ang iyong baby, kasabay ka ring lumalaki. Asahan ang ilan sa mga sintomas tulad ng morning sickness. Kahit na hindi komportable ang yugtong ito, ang ika-6 na linggo ng pagbubuntis ng paglaki ng baby ay kapana-panabik na panahon. Ito ang yugto kung saan maririnig mo ang unang tibok ng puso ng iyong baby.
[embed-health-tool-due-date]