Ika-12 Linggo ng Pagbubuntis: Development ni Baby
Ang ika-12 na linggo ng pagbubuntis ng development ng baby ay nagma-mark sa pagtatapos ng first trimester. Ang mga organ system ng fetus ay halos nakumpleto na ang pagbuo. At patuloy na lumalaki at function habang ang pagbubuntis ay nagpro-progress. Ang paglaki at pag-unlad ng baby ay bumibilis nang malaki; sa huling buwan ng trimester na ito, ang baby’s size ay dapat na dumoble ang laki.
Size-wise, ang baby ngayon ay sumusukat ng humigit-kumulang tatlong pulgada (3 inches) ang haba at tumitimbang ng humigit-kumulang 1 onsa. Ang baby bump ay maaaring hindi pa halata, gayunpaman, ang sinapupunan ay lumalawak upang ma-accommodate ang mabilis na paglaki ng fetus.
Dahil sa tumataas ang hormone activity, ang external sex organ ay dapat na magsimulang lumitaw. Sa ika-11 na linggo, ang mga daliri at paa ng fetus ay mawawalan ng webbed characteristics at magiging indibidwal na digits. Sa linggong ito, nakatuon ang sanggol sa pagpapalaki ng mga kuko nito. Ipoposisyon ng mga mata ang kanilang mga sarili nang mas malapit sa isa’t isa ngayong linggo. At ang mga bato nito ay maaaring magsimulang gumawa ng ihi.
Sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis ng baby, nagkakaroon sila ng mga kumplikadong reflexes, tulad ng pagsuso at paglunok. Ang spontaneous movement ay isa ring bagay na maaaring asahan ng mga magiging ina para sa linggong ito.
Iba pang mga pag-unlad sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis ng pag-unlad ng sanggol:
-
Ulo at leeg
Ang ulo ay bumubuo sa kalahati ng laki ng katawan ng fetus, habang ang glandula salivary ay nagsisimulang gumana.
-
Tibok ng puso
Ang tibok ng puso ay maaaring matukoy nang maaga sa ika-10 linggo. Dapat na marinig ngayon ito gamit ang isang external Doppler scan.
-
Tiyan
Ang mga organo ng tiyan ay nabuo na ngayon. Kabilang dito ang spleen, bituka, at atay.
-
Pelvis
Nabuo na ang mga sex organ.
-
Limbs
Ang mga braso ng sanggol ay proporsyonal na ngayon at mayroon na silang mga kamay na lalong nagiging gumagana. Ang kanilang mga binti, gayunpaman, ay maikli pa rin.
-
Balat
Ang muscular at nervous system ng baby ay patuloy na nagma-mature. Nadedebelop ang balat at mga kuko, at lumilitaw ang mga nakakalat na buhok.
Kasama sa iba pang mga pagbabago ang hormone production, salamat sa mga glandula ng thyroid at pancreas.
Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay
Paano nagbabago ang aking katawan?
Sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis, ang isang ina ay maaari pa ring makaranas ng mga sintomas na lumitaw sa mga naunang linggo ng unang trimester. Maaaring lumitaw ang ilang mga bagong sintomas: pagtaas ng timbang, melasma (na kilala bilang chloasma o skin pigmentation), mas madidilim na areola sa paligid ng utong at malambot o masakit na mga suso.
Skin pigmentation
Ang hormones ay patuloy na nagpro-produce sa katawan ng isang buntis, na nagiging sanhi ng lahat ng uri ng mga pagbabago. Ang isang pagbabago ay ang skin pigmentation. Pagkatapos ng panganganak, ang mga dark spot na ito ay maaaring mag-lighten at tuluyang mawala.
Mga pagbabago sa dibdib
Habang sa ika-11 na linggo, ang mga suso ng isang buntis ay lumalaki at sumasakit. Sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis nakaaapekto ito sa areolar area ng suso. Ang mga areola ng isang tao ay malamang na iitim sa yugtong ito ng pagbubuntis. Ang lambot o pananakit ng suso ay maaari pa ring lumabas sa ikalawang trimester.
Mga tip para sa kaginhawaan
Inirerekomenda para sa mga pagbabago sa suso sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis ng paglaki ng sanggol – ang support bra sa tama o pinalaking size. Ang mga buntis na nakararanas ng discomfort sa kanilang dibdib ay maaaring maglagay ng ice packs habang nakahiga. Makatutulong din ang maliliit na silicone-filled breast soothing products.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Ang isang buntis ay maaaring magsimulang makaramdam ng pangangailangang magsuot ng maluwag na damit o maternity clothes sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis.
Ang iba pang mga sintomas ay ang pagkahilo, mga pagbabago sa sex drive. Madalas na pag-ihi, pagkapagod, labis na laway, bloating o gas, pagtaas ng pang-amoy, paminsan-minsang pananakit ng ulo at pagtaas ng vaginal discharge.
Dapat tandaan na may mas mataas na risk ng urinary tract of infection (UTI) sa panahon ng pagbubuntis. Mahalagang subaybayan ang mga sintomas ng impeksyon na ito. Makipag-usap sa’yong doktor o sa isang healthcare professional tungkol sa tritment.
Habang bumababa nang husto ang risk ng miscarriage sa linggong ito. Pinipili ng maraming kababaihan ang oras na ito para gawin ang kanilang pregnancy announcements. Ang mga plano para sa maternity leave ay dapat simulang gawin. Kausapin ang iyong employer tungkol sa paglilipat ng iskedyul at responsibilidad habang papalapit ka sa’yong takdang petsa. Para makakuha ka ng sapat na pahinga.
Ang Pilipinas ay mayroong Expanded Maternity Leave Act, bukod sa maraming pang mga benepisyo ng mga buntis. Bayad ang panahon ng maternity leave mula 60 hanggang 105 araw. Kahit ilang beses ka pang nagbuntis, paano nanganak ang babae, o kung ang babae ay may asawa o hindi.
Higit pa riyan, nakasaad sa batas na ang mga nag-iisang ina na kwalipikado sa ilalim ng Solo Parents’ Act ay maaaring makakuha ng karagdagang 15-araw na bayad na bakasyon. Ang lahat ng mga bagong ina ay mayroon ding opsyon na i-extend ang kanilang bakasyon ng 30 pang araw ngunit wala ng bayad.
Bumisita sa Iyong Doktor
Ano ang dapat kong sabihin sa’king doktor?
Habang ang iyong pagbubuntis ay magtatapos sa first three months, ang mga prenatal appointment ay mag-iiba-iba.
Tatalakayin din ng iyong OB ang iyong mga tanong at alalahanin sa’yo. Mabuting kasanayan din na magtago ng journal sa pagbubuntis. Para isulat ang mga tanong na nais sabihin sa pagbisita sa’yong doktor.
Anong mga test ang dapat kong malaman?
Sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis (at sa mga susunod na prenatal visits pagkatapos noon), gagawin ng iyong OB ang sumusunod:
- Susuriin ang presyon ng dugo
- Susukatin ang pagtaas ng timbang
- Tukuyin ang “fundal height” – ang paglaki ng fetus – sa pamamagitan ng pagsukat sa tiyan ng ina
- Susuriin ang heartbeat ng baby at heart rate
- Suriin ang mga kamay at paa kung may pamamaga
- Magsagawa ng mga pagsusuri para tingnan ang sugar at protein levels
- Isang ultrasound scan
Kalusugan at kaligtasan
Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas?
Sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis, ang atensyon sa diyeta ay mahalaga. Ang mga buntis na karaniwang tumataba. Ang isang tamang diyeta ay dapat na masigurado na hindi ka tataba ng sobra. Ang pagpapabaya sa timbang ng iyong pagbubuntis ay maaaring magresulta sa mga komplikasyon tulad ng gestational diabetes, mataas na presyon ng dugo. Pati na rin ang mga pisikal na karamdaman tulad ng pananakit ng likod at pananakit ng binti.
Gayunpaman, ang pagkain ay hindi dapat aktibong iwasan. Ipagpatuloy ang pagkain ng balanseng diyeta na binubuo ng mga prutas, gulay, walang taba na protina at complex carbohydrates. Ang junk food ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang mga meryenda tulad ng yogurt, pinatuyong prutas, at iba pa na naglalaman ng protina, calcium at mineral ay hinihikayat.
Ang pagsusuot ng sunscreen na may SPF 15 o mas mataas ay inirerekomenda kapag lumabas, para maiwasan ang skin pigmentation.
Ang ika-12 na linggo ng pagbubuntis, angkop na oras ito para simulan ang Kegel exercises. Dahil nagpapalakas ito sa mga kalamnan ng pantog, matris at bituka. Sa pamamagitan ng Kegels, matututunan mo kung paano i-relax at kontrolin ang iyong mga kalamnan sa puwerta para maghanda para sa labor at panganganak. Inirerekomenda rin ang mga ito pagkatapos ng panganganak para pagalingin ang mga perineal tissue, palakasin ang mga kalamnan ng pelvic floor. At ibalik ang kalusugan ng mga kalamnan at ma-increase ang kontrol sa ihi.
Mainam din na magsimula ng mga simpleng stretching exercise, tulad ng pag-ikot ng ulo, leeg at bukung-bukong. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa kung anong mga gawain sa ehersisyo ang tama para sa iyo.
[embed-health-tool-due-date]