backup og meta

Epekto Ng Maagang Pagbubuntis, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na “teenage pregnancy rate” sa mga bansang miyembro ng ASEAN. Itinuturing ito na malaking suliranin ng bansa dahil sa mga negatibong epekto ng maagang pagbubuntis sa pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan.

Epekto Ng Maagang Pagbubuntis, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Dagdag pa rito, marami rin sa kanila ang hindi ikinakasal agad dahil sa iba’t ibang kadahilanan at sitwasyon. At bilang resulta sila ay nakakaranas ng diskriminasyon at ito’y nagiging sanhi upang mahirapan silang makipamuhay sa lipunan.

Gayunpaman, hindi lahat ng mga indibidwal na maagang nabuntis ay nakakaranas ng mga negatibong epekto tulad ng nabanggit. Subalit hindi rin natin maitatanggi na maraming kabataan ang nakakaranas ng mga negatibong epekto ng maagang pagbubuntis.

Basahin ang artikulong ito upang malaman ang iba’t iba epekto ng maagang pagbubuntis sa kalusugan, mental health at iba pa.

Mga Epekto Ng Maagang Pagbubuntis

Isang konserbatibong bansa ang Pilipinas, kaya hindi na nakapagtataka kung nakikita at itinuturing na “taboo” sa ating lipunan ang maagang pagbubuntis. Bukod pa rito, napakaraming hindi magagandang epekto ang maaaring idulot nito sa isang tao at narito ang mga sumusunod:

1. Paghinto Sa Pag-Aaral

Ang mga kabataan na maagang nabuntis ay karaniwang humihinto sa kanilang pag-aaral upang mapangalagaan ang sarili at ang batang nasa sinapupunan habang sila ay nasa panahon ng pagbubuntis. May mga pagkakataon din na hindi nila itinutuloy ang kanilang pagkakamit ng mataas na edukasyon dahil mas pinipili nila na alagaan na lamang ang kanilang anak.

Lumalabas din sa maraming pag-aaral ng mga researcher na karamihan sa mga kabataan na nabuntis ng maaga ay nagda-drop out sa paaralan dahil sa mga sumusunod:

  • Takot
  • Kahihiyan
  • Panghaharas at pambu-bully ng kapwa kamag-aral

2. Pagkakaroon Ng Emotional Trauma

Hindi maiiwasan kung minsan na nakakaranas ng diskriminasyon ang mga kabataang maagang nabuntis sa paghahanap ng trabaho, lalo na kung hindi pa sila kasal sa kinakasama o wala silang asawa pero may anak na. Kaugnay nito maaaring magdulot sa kanya ito ng emotional trauma at pagbaba ng kanyang self-esteem na sumubok at gawin ang mga bagay na gustong makuha.

Ang maagang pagbubuntis din ng isang babae ay maaaring magresulta ng pagkakaroon niya ng trabaho na may mababang pasahod, dahil sa kakulangan ng pagkakamit ng edukasyon at basic qualification sa trabaho.

3. Problema Sa Pinansyal

Hindi lahat ng kabataang nagkaanak nang maaga ay nakakakuha ng pinansyal na suporta sa kanyang mga magulang at kaibigan. Kaya naman ang pagbubuntis ng maaga ay pwedeng maging dahilan para magkaroon siya ng problema sa pera, dahil sa mga gastos sa pagpapaospital, gamit ng anak, at pagpapalaki ng bata.

4. Pagkakaroon Ng Medikal Na Komplikasyon

Ang pagbubuntis ng maaga ay pwedeng maging sanhi ng pagtaas ng mga komplikasyon sa bata at sanggol. Ang kakulangan sa “prenatal care” ay maaaring maging dahilan ng mga sumusunod:

  • Pagtaas ng presyon
  • Anemia
  • Premature birth
  • Pagkakaroon ng mababang timbang ng anak
  • Pagkabulag
  • Pagkabingi
  • Pagkakaroon ng problema sa respiratory ng bata

Sa ilang mga kaso rin, dahil sa bata pa ang katawan ng nabuntis, maaaring maging sanhi ito ng kanyang kamatayan.

5. Pagkakaroon Ng Emotional Crisis

Kapag ang isang kabataan na maagang nabuntis ay hindi nakakuha ng sapat na suporta sa kanyang mga magulang at kaibigan, maaaring maging dahilan ito ng pagkakaroon niya ng malubhang mental breakdown. Ito’y pwedeng mag-trigger ng kaniyang pagpapakamatay, at pagpapalaglag ng sanggol.

Dagdag pa rito, maaaring dahil sa mga nararanasan na pangmamaliit, panghihiya ng ibang tao dahil sa kanilang maagang pagbubuntis ay maging sanhi ng kanilang depresyon.

Narito pa ang ilan sa mga pwedeng mag-trigger sa pagkakaroon ng depresyon ng isang kabataan na maagang nabuntis:

  • Emosyonal na stress
  • Problema sa pera
  • Post partum

Mahalagang Paalala

Bagamat napakaraming masamang epekto ang maagang pagbubuntis laging tandaan na hindi naman ito ang katapusan ng kanilang buhay. Marami pa ring mga kabataan ang gumagawa ng paraan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan at malabanan ang pagkakaroon nila ng iba’t ibang emotional crisis.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eliminating Teenage Pregnancy in the Philippines, https://philippines.unfpa.org/sites/default/files/pub-pdf/UNFPA_Policy_Brief_Teenage_Pregnancy_%282020-01-24%29.pdf, Accessed September 7, 2022

Negative Impacts of Teenage Pregnancy in the Philippines, https://nnc.gov.ph/regional-offices/mindanao/region-ix-zamboanga-peninsula/4931-negative-impacts-of-teenage-pregnancy-in-the-philippines, Accessed September 7, 2022

Addressing teenage pregnancies declared as ‘national priority’, https://www.pna.gov.ph/articles/1145373, Accessed September 7, 2022

Post-lockdown, teen pregnancy in the Philippines is on the rise, https://www.cnnphilippines.com/life/culture/Health/2022/3/24/teen-pregnancy-philippines-emergency-contraception.html, Accessed September 7, 2022

Negative Impacts of Teenage Pregnancy in the Philippines, https://nnc.gov.ph/regional-offices/mindanao/region-ix-zamboanga-peninsula/4931-negative-impacts-of-teenage-pregnancy-in-the-philippines#:~:text=Pregnancy%20during%20teenage%20years%20is,and%20poor%20mental%20health%20outcomes, Accessed September 7, 2022

11 Negative Effects Of Teenage Pregnancy On Society, https://www.momjunction.com/articles/effects-of-teen-pregnancy-on-society_00384725/, Accessed September 7, 2022

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Maselang Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?

Sintomas Ng Depresyon Sa Teenager, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas