backup og meta

Pregnancy Milestones Na Dapat Abangan Sa Bawat Trimester

Pregnancy Milestones Na Dapat Abangan Sa Bawat Trimester

Congrats! Magkakaroon ka na ng anak! Ano ang iyong nararamdaman? Natutuwa ka ba o nagugulat pa rin — o kombinasyon ng dalawa? Anuman ang iyong nararamdaman ngayon, hindi maipagkakailangang habambuhay nang magbabago ang iyong buhay. Panibagong kabanata ang naghihintay sa iyo, at tiyak na ito ay magiging kapanapanabik. Ang pagbubuntis ay isang malaking milestone, at bawat trimester ay may “mini milestones.” Ano ang trimester? Ano-ano ang mga dapat mong asahan? Alamin sa artikulong ito.

Unang Trimester: Ano Ang Trimester Milestones Na Dapat Abangan?

Positibong Pregnancy Test

Ito man ay planado o surpresang pagbubuntis, ang dalawang linyang ito ay nagbibigay ng shock waves sa iyong buong sistema. Habang tinitingnan ang pregnancy test, marahil ay maraming tanong ang tumatakbo sa iyong isipan. Ito ay normal na normal lamang. Ihanda ang iyong sarili sa susunod na hakbang.

Pagbabalita Sa Iyong Karelasyon

Oras na para ibahagi sa iyong asawa o karelasyon ang balitang ito. Huwag sarilinin ang balitang ito — ipaalam sa kaniya ang iyong nararadaman tungkol sa pagbubuntis. Ipinapayong gawi ito nang personal. Sa ganitong paraan ay makikita mo ang kanyang reaksyon at mapoproseso ninyo ang bagay na ito.

Unang Prenatal Na Konsultasyon Sa Doktor

Mahalaga ang unang konsultasyon sa iyong obstetrician-gynecologist (OB-GYN) upang matiyak na tama ang mga hakbang na iyong ginagawa sa pagbubuntis, at alam mo ang mga mahahalagang impormasyong iyong kinakailangan. Habang isinasagawa ang konsultasyon, ipaalam sa iyong doktor ang iyong medical history. Magsasagawa ang iyong doktor ng mga kinakailangang pagsusuri upang makumpirma ang pagbubuntis (oo, ang home pregnancy test ay minsan hindi wasto), titiyakin ding akma ito para sa iyo, at magbibigay ng mga payo kung may anomang mga problemang kahaharapin sa proseso ng pagbubuntis.

Tandaan, ang iyong OB-GYN ay iyo ding magiging kapares sa susunod na 40 linggo. Mahalagang piliin ang doktor na iyong mapagkakatiwalaan at iyong makakapalagayang loob.

Hindi Komportableng Pakiramdam Habang Nagbubuntis

Ang pagbubuntis ay hindi madali para sa ilang mga kababaihan. Makararanas ka ng maraming pagbabago sa katawan at hindi komportableng pakiramdam habang nagbubuntis. Ang ilan ay maaaring makapagpalungkot sa iyo kung hindi mo alam kung ano ang dapat gawin. Kabilang dito ang kakaibang paglilihi sa pagkain, pagsusuka, pananakit ng suso, at marami pa.

Maaari ding magsimulang makaramdam ng pagkakaroon ng timbang ng isang taong buhat-buhat at mabanat ang katawan. Sa panahong ito, tiyaking magkaroon ng isang taong makatutulong sa lahat ng iyong mga pinagdaraanan. Maaaring subukan ang prenatal lotion o ang oil upang maiwasan ang stretch mark.

Pakinggan Ang Unang Tibok Ng Sanggol Sa Iyong Sinapupunan

Ang unang ultrasound ay kadalasang isinasagawa sa yugtong ito. Makikita mo sa unang pagkakataon ang iyong anak sa pamamagitan ng pakikinig sa tibok ng kanyang puso. Sa ganitong paraan ay nagiging mas totoo ang lahat. Matutuklasan mong ang panahong ito ay nakapagpapabago ng buhay sa maraming mga magulang. Huwag kalimutang i-document ang panahong ito (kung papayagan ka ng iyong doktor).

Ikalawang Trimester: Ano Ang Trimester Milestones Na Dapat Abangan?

Pag-Aanunsyo Ng Pagbubuntis

Ang pagbabahagi ng espesyal na balitang ito sa lahat ng iyong mga kakilala ay isang personal na desisyon. Bagama’t agad itong inaanunsyo ng iba matapos makita ang dalawang linya sa pregnancy test, ipinapayo ng mga eksperto na hintayin ng babae na makalipas ang ika-12 linggo dahil ito na ang ligtas na panahon. Ito ay dahil, ang tyansa ng pagkalaglag ng sanggol ay mas mababa kaysa noong unang trimester. Sa ngayon, marami ng mga malikhaing paraan upang sabihin ang balitang ito, ito man ay sa pamamagitan ng social media o simpleng selebrasyon.

Pagsuot Ng Mga Damit Na Pambuntis

Ang ikalawang trimestre ay maaaring maging dahilan upang maging mas kapansin-pansin ang mga pagbabago sa iyong katawan. Magsisimulang umumbok ang iyong tiyan, at ang iyong paglilihi at pagsusuka ay mas lulubha. Dagdag pa, lubha ring magbabago ang iyong diet upang matiyak na nakukuha mo ang lahat ng mga nutrisyong kailangan ng iyong anak. Sa usapin ng iyong laki, huwag magulat kung kakailanganin mong bumili ng mas maraming damit na pambuntis. Piliin ang mga mas nababanat na pants at leggings at damit na pambuntis (maging swimwear na pambuntis). Mainam na magkaroon ng support belts at maternity bra.

Unang Paggalaw Ng Iyong Anak

Ang paggalaw ng sanggol ay maaaring mangyari nang hindi inaasahan sa yugtong ito. Kaya kinakailangan mong bantayan ang mga maliit na pagkakataong ito kung kailan nagsimula na ang iyong anak na sumipa at tumagilid sa loob ng iyong tiyan. Ang mga ito ay maaaring tila maliliit na alon at magiging mas madalas kaysa hindi. Ito ay magbibigay sa iyo at sa iyong karelasyon ng lubhang kasiyahan.

Pag-Alam Sa Kasarian Ng Iyong Anak

Mas kapani-paniwalang matukoy ng iyong doktor ang kasarian ng iyong anak sa pagitan ng ika-18 at 22 linggo ng iyong pagbubuntis. Sa sandaling marinig mong ang iyong anak ay babae o lalaki, habambuhay na itong tatatak sa iyong isipan. Nasasaiyo na kung gusto mong magsagawa ng espesyal na gender reveal announcement o hindi.

Pagbili Sa Mga Pangangailangan Ng Iyong Anak

Syempre, nasasabik kang bumili ng damit, gears, diaper, at wipes, mga kailangan sa pagkain, paliligo, at groomings, at mga libro at laruan para sa iyong anak. Ang pagbili ng mga gamit ng iyong anak ay isa sa milestones pinakakinasasabikan ng mga ina. Ngayong alam mo na ang kasarian ng iyong anak, maaaring simulan mo na ang pag-check out sa mga bagay na nasa iyong cart (na marahil ay iyo nang nasimulan noon pang unang trimester)!

Pagpili Sa Pangalan Ng Iyong Anak

Para sa mga inang nagbubuntis, mayroon na silang listahan ng pangalan ng mga sanggol simula pa noong unang buwan ng kanilang pagbubuntis. Maaaring maging kapana-panabik na sandali ang pagpili sa pangalan ng iyong anak, subalit isa rin ito sa mga pinakamahirap na gawain. Sa huli, ang pangalang iyong mapipili ay magiging permanenteng bahagi ng pagkakakilanlan ng iyong anak.

Pagsali Sa Prenatal At Childbirth Na Mga Klase

Mahalagang maging handa sa pagiging magulang, at ang pagsali sa mga prenatal at childbirth na mga klase ay makatutulong na mapataas ang iyong kumpiyansa at mabawasan ang iyong takot at pagkabalisa habang papalapit na ang iyong panganganak. Bawat kuwento ng panganganak ay kakaiba, kaya mahalaga ang pagiging handa sa anomang sitwasyon. Maaari itong isagawa sa huling bahagi ng ikalawang trimester o sa pagsisimula ng ikatlong trimester upang magkaroon ka ng sapat na oras sa iyong panganganak.

Ikatlong Trimester: Ano Ang Trimester Milestones Na Dapat Abangan?

Mga Huling Preparasyon Sa Magiging Kuwarto Ng Iyong Anak

Ang nesting instinct ay nasa pinakamataas na antas habang nasa huling yugto ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa lubhang kagustuhang linisin at ayusin ang iyong bahay bilang paghahanda sa pagdating ng iyong anak na bagong mapagkukunan ng kasiyahan. Ang magiging kuwarto ng iyong anak ay iyo nang inaayos at nilalagyan ng dekorasyon ngayon. Dapat nang nasa kama ng iyong anak ang mga mahahalagang gamit.

Pagsasagawa Ng Baby Shower

Ang milestones ay dapat na ipinagdiriwang. Ang baby shower ay isang paraan upang ibahagi sa iyong pamilya at kaibigan ang sobra-sobrang kaligayahang iyong nararamdaman. Sa huli, hindi lamang ikaw at ang iyong asawa ang nasasabik na salubungin ang bagong miyembro ng inyong pamilya. Magsagawa ng stress-free party sa pamamagitan ng paghahanap ng mapagkakatiwalaang event suppliers na magpapaganda ng inyong selebrasyon.

Linggo-Linggong Konsultasyon Sa Iyong Doktor

Mula sa buwanang konsultasyon, ang konsultasyon sa iyong doktor ay magiging tuwing ika-dalawang linggo at magiging linggo-linggong konsultasyon sa pagsapit ng ika-36 na linggo. Ito ay upang masuri ang mga senyales at sintomas ng pag-labor, maging upang mabantayan ang tibok ng puso at paggalaw ng iyong anak.

Pagiging Ina

Ito na ang araw na iyong pinakahihintay, magiging sulit na ang lahat ng iyong mga sakripisyo at mga pagbabagong iyong naranasan sa nakalipas na siyam na buwan. Sa sandaling mahawakan mo na ang iyong pinakamamahal na anak matapos ang lahat ng pananakit na naranasan noong nag-labor at nanganak, bigla mong makalilimutan ang lahat. At sa huli ay lubha kang magpapasalamat sa magandang biyayang iyong natanggap.

Ang kuwentong ito ay orihinal na lumabas sa Edamama at muling ginamit nang may permiso: https://www.edamama.ph/discover/nurture/pregnancy-milestones-in-every-trimester

Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

11/29/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement