Hindi madali ang pagbubuntis, lalong-lalo na ang pagbubuntis sa pandemya. Patong-patong rin ang kinakaharap na panganib ng mga ina. Kaya’t natural lamang na mag-alala ang mga mommy dahil stressful naman talaga ang pagbubuntis.
Pero anu-ano nga ba ang panganib na kasama ng pagbubuntis sa pandemya?
Mga Panganib Sa Pagbubuntis Sa Pandemya
Pagiging High Risk Sa COVID-19 o Pagkakasakit Kaugnay Ng COVID-19
Kakambal ng pagbubuntis ang pagbabago ng katawan ng bawat mommy. Mas higit silang nanganganib dahil sa mga pagbabagong ito. Kung sakali na tamaan sila ng virus, magkakaroon ng malaking chance na magkaproblema sa kalusugan tulad ng pagiging hirap sa paghinga at maagang pagle-labor.
Nagbigay rin ng babala ang Center for Disease Control and Prevention para sa mga nagbubuntis sa pandemya. Ito ay dahil mas matindi ang tama sa kanila ng virus kumpara sa hindi buntis.
Stress At Anxiety Sa Pagbubuntis Sa Pandemya
Lumabas sa resulta ng “The experiences of pregnant women during the COVID-19 pandemic in Turkey” na may malaking potensyal ng pagkabalisa ng mga buntis sa pandemya.
Ang mga ito ay may negatibong epekto sa buntis lalo na sa kanilang kalagayang pangkalusugan. Dagdag pa ng World Health Organization, ang concern nila tungkol sa kanilang baby at kalusugan ang dahilan ng kanilang stress at anxiety.
Ayon pa sa pag-aaral ng Pregnancy during the pandemic: The impact of COVID-19 related on stress on risk for prenatal depression ang pagbubuntis sa pandemya ay dalawang beses na mas malaking ang chance na magkaroon ng depresyon ang mga buntis kaysa hindi. Ito ay dahil sa hindi pantay na socio-economical na nauugnay sa nakatagong factor ng stress.
Itinuturing din na sanhi ng pagkabalisa ng mga mommy ang limitadong pakikipag-ugnayan sa lipunan dahil sa restrictions. Kaya naman mas mahirap para sa kanila ang pagbubuntis sa pandemya.
Nagkakaroon din ng takot ang mga mommy sa paglabas ng kanilang baby. Dahil sa oras na mailabas ang kanilang baby maaari na silang mahawa ng virus mula sa ibang tao. Kaya’t ipinapayo na limitado ang kontak nila sa iba. Lahat ng mga ito ay nakadaragdag sa anxiety nila.
Mga Dapat Gawin Para Sa Pagbubuntis Sa Pandemya
Magpabakuna
Inirerekomenda ng Center for Disease Control and Prevention, ang pagpapabakuna para sa buntis at sumusubok magbuntis upang magkaroon ng panlaban sa COVID-19.
Magsuot Ng Mask
Ayon din sa Center for Disease Control and Prevention, maganda rin na magsuot ng mask at umiwas sa mga tao lalo na kung may sakit. Siguraduhing lumayo nang ‘di bababa sa 6 feet mula sa iba.
Maging Malinis
Ugaliing maghugas ng kamay at maging malinis sa katawan para maiwasan ang anumang sakit. Sa pagbubuntis sa pandemya.
Pagkain Ng Masustansiya
Kumain ng sapat at naayon lamang para sa ikagaganda ng kalusugan. Ang pagiging malusog ay makatutulong para maalagaan si baby!
Reminder Para Sa’yo Mommy
Ang mga paraan na ito ay maganda upang maprotektahan ang bata at sarili. Mainam rin na komunsulta sa doktor kahit sa tawag o video conference appointments. Malaking bagay ito para mabawasan ang panganib sa pagbubuntis sa panahong ito. Makatutulong din sa’yo at sa bata para mabawasan ang personal na interaksyon mula sa iba.
Key Takeaways
Ang pagbubuntis sa panahong ito ay hindi biro. Kaya’t ugaliing maging maingat.
Ang pag-iingat sa sarili ay pagpapahalaga rin kay baby. Laging komunsulta sa’yong doktor, kahit online appointments para magkaroon ng kapanatagan at maiwasan ang panganib sa pagbubuntis sa pandemya.
Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.
[embed-health-tool-due-date]