backup og meta

Paano Mabuntis Ng Kambal: Hilary Swank Buntis Sa Edad Na 48!

Paano Mabuntis Ng Kambal: Hilary Swank Buntis Sa Edad Na 48!

Masayang ibinalita ng American Actress at film producer na si Hilary Swank na magiging magulang na sila ng kanyang asawa na si Philip Schneider.

“I’m so happy to share it with you and with America right now, this is something that I’ve been wanting for a long time, and my next thing is I’m going to be a mom,” pahayag ng aktres.

Sa kasalukuyan nasa second trimester na si Hilary Swank, at ang magandang balita ito ay inanunsyo niya sa palabas na Good Morning America. At ayon pa sa kanya ay hindi siya makapaniwala na magiging ina siya ng 2 bata.

Binanggit din niya sa interbyu na mabuti ang kanyang kalagayan at ang pagkakaroon ng kambal ay nasa dugo, lahi, o tumatakbo sa pamilya ng kanyang asawa.

Paano Mabuntis Ng Kambal?

Para magkaroon ng fraternal twins na pagbubuntis ang isang babae, kinakailangan nila nang higit sa isang ovalutation sa panahon ng pakikipag-sex. Kapag naganap ito, 2 o higit pang itlog ang pwedeng ma-fertilize. Habang sa pagbubuntis naman ng identical twins para maganap ito, dapat makapag-release ng isang itlog na nahati sa dalawa.

Ngunit hindi lahat ng kababaihan ay nabibigyan ng pagkakataon na magbuntis ng kambal lalo na kung wala naman sa lahi ng mag-asawa. Gayunpaman may mga ilang paraan upang tumaas ang tsansa ng pagbubuntis ng kambal sa anumang edad.

Ayon sa ilang mga artikulo ang pagsasagawa ng ilang sex position ay nakakatulong para makapagbuntis ang isang babae ng kambal.

Narito ang ilang sex position na pwedeng subukan ng mag-asawa para mapataas ang posibilidad ng pagbubuntis ng kambal:

Standing Position

Ang sex position na ito ay kilala rin sa tawag na “door jam position”. Sa posisyon na ito ang mag-asawa ay magkaharap sa isa’t isa, at habang nakasandal dapat itaas ang isang paa. Huwag mo ring kakalimutan na ang deep penetration ay nakakapagpataas ng pagkakataon na magbuntis ang babae ng kambal.

Side-By-Side Position

Sa sex position na ito ang babae dapat ay nakayuko nang paunahan habang ang kanyang asawa ay nasa kanyang likuran.

Missionary Position

Ang posisyon na ito sa sex ang pinakakaraniwan kung saan sa pamamagitan ng missionary position ay madaling makakarating ang sperm sa itlog.

Disclaimer: Bagamat nakakatulong ang ilang sex position para magbuntis ng kambal, tandaan pa rin na ang multiple ovulation ang pinakasusi para magbuntis ang isang babae ng kambal.

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Factor Sa Pagbubuntis Ng Kambal?

Narito ang ilang mga factor na pwedeng magpataas ng iyong pagkakataon ng pagbubuntis ng kambal:

  • Genetics — Kapag nananalaytay sa isang pamilya ang pagkakaroon ng kambal mas nagiging mataas ang pagkakataon na magkaroon ng pagbubuntis ng kambal.
  • Tangkad — Ang mga babae na may tangkad na 5 feet 5 inches o 165 cm ay may malaking tsansa na magkaroon ng multiple pregnancies. Ayon pa sa Journal of Reproductive Medicine ang mga babaeng matatangkad ay may mataas na tyansa na magkaanak ng kambal.
  • Lahi — Malaki rin ang posibilidad na maapektuhan ng lahi ng magulang ang pagkakaroon ng kambal. Sa katunayan, may pinakamataas na tsansa ng pagbubuntis ng kambal ang mga babaeng Aprikano, partikular ang Nigerians. Ang mga babaeng Japanese ang may pinakamababang tsansa ng pagkakaroon ng kambal.
  • Nakaraang pagbubuntis — Kapag nakaranas ka ng pagbubuntis ng kambal, nagkakaroon ka ng mataas pagkakataon na magbuntis muli ng kambal.

Tandaan: Ang mga nabanggit na factors ay pwede lamang makaapekto sa posibilidad na magkaroon ng fraternal twins.

Key Takeaways

Ang tanong sa kung paano mabuntis ng kambal ay isang usapin na madalas napag-uusapan, lalo na sa mga taong gusto na magpamilya. Hindi rin posible ang pabubuntis ng kambal sa edad na 48 lalo na kung parehas naman kayong malusog ng iyong partner. Subalit kinakailangan lamang ng ibayong pag-iingat para manatiling ligtas ang ina at ang bata.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Delayed Childbearing as a Growing, Previously Unrecognized Contributor to the National Plural Birth Excess, https://journals.lww.com/greenjournal/Fulltext/2018/10000/Delayed_Childbearing_as_a_Growing,_Previously.26.aspx, Accessed October 10, 2022

Assisted Reproductive Technology, https://medlineplus.gov/assistedreproductivetechnology.html, Accessed October 10, 2022

Is the probability of having twins determined by genetics? https://medlineplus.gov/genetics/understanding/traits/twins/, Accessed October 10, 2022

Relationship of maternal body mass index and height to twinning, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15738030/, Accessed October 10, 2022

Mechanisms of twinning: VII. Effect of diet and heredity on the human twinning rate, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16779988/, Accessed October 10, 2022

Mechanisms of twinning: VIII. Maternal height, insulin like growth factor and twinning rate, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17039697/, Accessed October 10, 2022

Twinning and the changing pattern of breast-feeding: a possible relationship in a small rural population, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/7349695/, Accessed October 10, 2022

Dizygotic twinning, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18024802/, Accessed October 10, 2022

FAQs Multiple Pregnancy, https://www.acog.org/womens-health/faqs/multiple-pregnancy, Accessed October 10, 2022

Twins – identical and fraternal, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/ConditionsAndTreatments/twins-identical-and-fraternal, Accessed October 10, 2022

Twin pregnancy: What twins or multiples mean for mom, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/twin-pregnancy/art-20048161, Accessed October 10, 2022

A genome wide linkage scan for dizygotic twinning in 525 families of mothers of dizygotic twins, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2912534/, Accessed October 10, 2022

Pregnant with twins, https://www.nhs.uk/pregnancy/finding-out/pregnant-with-twins/, Accessed October 10, 2022

Study Finds That A Woman’s Chances Of Having Twins Can Be Modified By Diet, https://www.sciencedaily.com/releases/2006/05/060521103211.htm, Accessed October 10, 2022

Taller Women Are More Likely To Have Twins, Obstetrician’s Study Confirms, https://www.sciencedaily.com/releases/2006/09/060923104930.htm, Accessed October 10, 2022

Study Finds That A Woman’s Chances Of Having Twins Can Be Modified By Diet, https://www.sciencedaily.com/releases/2006/05/060521103211.htm, Accessed October 10, 2022

Taller Women Are More Likely To Have Twins, Obstetrician’s Study Confirms, https://www.sciencedaily.com/releases/2006/09/060923104930.htm Accessed October 10, 2022

Kasalukuyang Version

10/11/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement