Mahalagang tandaan na hindi dapat taba ang idinadagdag upang ikaw ay tumaba dahil ito ay magreresulta sa mas seryosong medikal na kondisyon. Ang pagkain ng mga masustansyang pagkain upang makabuo ng kalamnan ang dapat na isaalang-alang.
Ilan sa sumusunod ang maaari mong idagdag sa iyong diet upang madagdagan ang timbang.
Dark chocolate
Ang palaging tatandaan pagdating sa tsokolate, mas maitim/puro na tsokolate ay mas mabuti sapagkat naglalaman ito ng higit 70% ng cocoa. Makakakuha ng antioxidant, fiber, magnesium at iba pang nutrisyon. Nagbibigay ito ng hindi bababa sa 600 calories, na nangangahulugang makatutulong ito sa pampataba.
Abokado
Mayaman ang prutas na ito sa omega-3 fatty acids na mabuti para sa iyong kalusugan. Makatutulong ito upang makakuha ka ng malusog na taba upang makuha ang layunin na pagpapataba.
Cereal Bars
Bago bumili nito, mahalagang tingnan nang mabuti ang impormasyon tungkol sa nutrisyon nito. Alamin kung ito ay gawa sa whole grains, mani at pinatuyong prutas.
Pinatuyong Prutas
Ang mga pinatuyong prutas ay naglalaman ng mahahalagang mineral, vitamins at antioxidants na may mataas na calories. Nakatutulong din ito sa pampagana kumain ng isang tao.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap