backup og meta

Rica Paralejo Ibinahagi Ang Pangatlong Beses Na Pagkalaglag

Rica Paralejo Ibinahagi Ang Pangatlong Beses Na Pagkalaglag

Maraming mga nanay ang tumatangkilik sa mga content na inilalabas ng celebrity mom na si Rica Paralejo-Bonifacio, mapa tungkol sa pamilya, pananampalataya, o kanyang fitness journey. Ito ay marahil marami ang nakakakuha ng suporta at inspirasyon sa kanyang pagiging totoo sa kanyang buhay maybahay. Subalit, sa kanyang vlog noong Hulyo 24 sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niyang siya ay nagpositibo sa pagbubuntis, ngunit nauwi sa pagkakakunan. Alamin ang mga detalye at ang mga senyales ng pagkalaglag dito. 

Ang Pagkwento Ni Rica Paralejo-Bonifacio Ng Kanyang Karanasan 

Sinimulan ng aktres ang sit-down part ng kanyang vlog sa pagsisiwalat na ito ay magiging iba kumpara sa mga nagdaang vlogs na inilabas niya. Sa kanyang pag-aanunsyo ng balita, ibinahagi rin niya ang mga hamon na pinagdaanan niya noong unang bahagi ng taon. 

“I was positive, not for [COVID-19], thankfully. The other good news is that I was positive for pregnancy. Yay, happy good news. But the bad news there is I was positive. That means, I no longer am,” panimula niya.

Bago siya tumungo sa mga detalye at senyales ng pagkalaglag para sa kanya, binanggit niya muna ang tatlong iba’t ibang klase ng pagkawala sa buhay niya.

Una niyang nabanggit ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na babae. Matapos noon, sinundan naman ito ng pagkatalo ng kanyang kandidato sa pagkapangulo na si Dating Bise Presidente Leni Robredo noong nakaraang halalan 2022. At ang pangatlo ay ang kanyang pangatlo ring pagkakakunan. 

Bagama’t sinabi ni Rica na ang pagkalaglag ay hindi ang kanyang unang sakit ng taon, nagpasya siyang ibahagi ang kanyang karanasan sa kanyang mga manonood para kahit papano ay mabawasan ang pakiramdam ng pagiging mag-isa. 

Pag-Aakala Na Ito Ay Pre-menopausal Symptom Lamang

Nalaman ni Rica na siya ay nagdadalang-tao noong Hunyo, at unang niyang naisip na baka ito ay pre-menopausal symptom. Ito ay dahil siya ay nasa kanyang early 40s na. 

“I was in disbelief. Ito siguro ‘yung first time na hindi kami nagta-try pero merong nakalusot,” sabi niya. Dinagdag din niya na pinag-uusapan na nila ng kanyang asawa ang iba’t ibang opsyon upang hindi na magbuntis. 

Sa kabila ng pagkonsulta sa doktor tungkol sa pagkakapositibo sa P.T., mayroon pa rin silang reserbasyon na ibahagi ang balita. Marahil ito ay buhat ng kanyang dalawang nagdaan na karanasan sa pagkalaglag. 

“[My husband and I] already know the drill na kapag nabubuntis ako, hindi namin pwede agad-agad i-embrace ‘yung pregnancy as though it’s going to happen. Kasi alam naman natin na may possibility na mawala yun,” sabi niya. 

Noong simula, nakaramdam daw si Rica ng ilang mga sintomas ng pagkabuntis tulad ng Sciatica. Ngunit, matapos ang ilang mga check-ups, napag-alaman ng mga doktor na mayroon lamang gestational sac pero walang embryo na nabubuo sa loob. Doon niya naramdaman na nawawala na ang mga naunang sintomas, nagiging senyales ng pagkalaglag na.

“I felt less pregnant. Nawala iyong sciatica ko. Then, I also started bleeding.”

Pagtanggap Ng Pagkalaglag

“I was kind of prepared. This was different from the other two because this one spontaneously, I just bled. I felt na my body knew already na there was no life in my womb. When I went for my last ultrasound, nakita nila na it’s still a sac (they saw that it was still a sac). It did not develop an embryo at all. We had to already accept the reality that this is not gonna develop anymore…. I knew the pregnancy had ended,” sabi ni Rica. 

Kung ikukumpara ito sa kanyang nakaraang dalawang pagkalaglag, inilarawan ni Rica ang kanyang kamakailan bilang mas kalmado at mas mapayapa. Anya, inhanda na ng Diyos ang ang kanyang puso para sa pagkakataong ito. Gayunpaman, hindi pa rin maiwawaglit ang kalungkutan dulot ng pagkawala. 

Bagaman mabigat ito para kay Rica, nakatutulong ang pagbabahagi ng ilang mga manonood sa comment section ng kani-kanilang mga testimonya. 

senyales ng pagkalglag
mula sa Instagram

Mga Senyales Ng Pagkalaglag

Mayroong ibat ibang uri ng pagkalaglag. Kabilang dito ang missed miscarriage, complete at incomplete miscarriage, recurrent miscarriage, threatened miscarriage, at inevitable miscarriage. Karamihan sa mga ito ay nangyayari bago ang ika-12 linggo ng pagbubuntis. 

Ilan sa mga karaniwang senyales ng pagkalaglag ang mga sumusunod:

Alamin ang iba pa tungkol sa Problema sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rica Paralejo-Bonifacio’s Vlog: I Was Positive, https://www.youtube.com/watch?v=OKrxWoL_RWw, Accessed August 1, 2022

Rica Paralejo-Bonifacio’s Instagram Post, https://www.instagram.com/p/CglLPQlLQzI/, Accessed August 1, 2022

‘I was positive’: Rica Peralejo suffers third miscarriage, https://www.rappler.com/entertainment/celebrities/rica-peralejo-suffers-third-miscarriage/, Accessed August 1, 2022

Miscarriage, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pregnancy-loss-miscarriage/symptoms-causes/syc-20354298, Accessed August 1, 2022

Miscarriage, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9688-miscarriage, Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

11/10/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Nakunan Na Buntis: Paano Ang Pag-recover Ng Mental Health?

Paano Maiiwasan Ang Pagkalaglag Sa Unang Trimester Ng Pagbubuntis?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement