Infertility o pagkabaog ang tawag sa kawalan ng mag-asawa ng kakayahang makabuo ng anak matapos ang ilang ulit na pagtatangka sa loob ng isang taon, o sa loob ng anim na buwan kung lagpas na sa edad na 35 ang babae. Kung hindi makabuo ang mag-asawa, maaaring nasa babae o lalaki ang problema. Sa pagkabaog ng babae, ang infertility ay dulot ng hindi sapat na produksyon ng egg cells upang makabuo. Narito ang mga paraan upang malaman kung baog ang isang babae.
Ano Ang Sanhi Ng Pagkabaog Ng Babae?
Upang mabuntis ang isang babae, may mga hakbang na dapat mangyari. Kailangang:
- Mag-ovulate ng babae. Kailangang gumawa at maglabas ng mature egg ang kanyang ovaries.
- Dumaan sa fallopian tube ang egg papunta sa uterus.
- Magtagpo ang sperm at egg at mag-fertilize.
- Kumapit ang fertilized egg sa uterus (implantation).
Kung magkakaproblema sa alinman sa mga hakbang na ito ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog ng babae. Kung ang partner na lalaki ay baog (dahil sa mababang bilang ng sperm halimbawa), maaaring maging dahilan din ito upang hindi kayo makabuo.
Maraming factors ang maaaring maging dahilan ng pagkabaog ng babae. Paano malalaman kung baog ang babae? Suriin ang iyong kalusugan at kumonsulta sa iyong doktor para sa alinman sa sumusunod na kondisyon:
- Ovulation disorders
- Sira sa fallopian tubes (tubal infertility)
- Endometriosis ( tissue na karaniwang matatagpuan sa iyong uterus at lumalaki sa iba pang area)
- Uterine or cervical causes
- Iregular o hindi dinadatnan (menstruation)
- Napakasakit na buwanang dalaw
- Pelvic inflammatory disease (na maaaring sanhi ng STIs)
- Higit sa isang beses na nakunan
May mga kaso na ang direktang sanhi ng pagkabaog ng babae ay hindi matukoy, kahit na nasunod ang mga proseso kung paano malalaman ang dahilan ng pagkabaog. Sa mga kasong ganito, ang kombinasyon ng minor issues sa parehong babae at lalaki ay maaaring makadagdag sa dahilan kung bakit hindi sila makabuo ng baby.
Mga Panganib Ng Pagkabaog
May ilang mga factors na maaaring mauwi sa mas mataas na posibilidad ng pagkabaog. Kabilang dito ang:
- Edad
- Paninigarilyo
- Obesity (sobrang katabaan)
- Pag-inom ng alak
- STIs (sexually transmitted infections)
Lahat ng ito, sa anumang kondisyon, ay malaki ang epekto sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao.
Gaano Kadalas Nangyayari Ang Pagkabaog Ng Babae?
Ayon sa isang pag-aaral ng grupo ng mananaliksik na Synovate noong 2013, nasa 7.9% ang infertility rate sa Pilipinas. Napag-alamang 1 sa 10 mag-asawang Pilipino ang makararanas ng pagkabaog. Mahalagang kumonsulta sa doktor at matutuhan kung paaano malalaman ang pagkabaog at anong gamutan at therapies ang puwedeng gawin upang mapataas ang tsansa na kayo ay makabuo.
Kailan Ako Dapat Magpunta Sa Doktor?
Kung sinusubukan na ninyong makabuo ng baby sa loob ng 12 buwan, kumonsulta na sa doktor. Ang mga babaeng lagpas na ang edad sa 35 ay maaaring makipag-usap sa kanilang doktor tungkol sa mga posibilidad at panganib ng pagbubuntis.
Paano Malalaman Ang Pagkabaog Ng Babae?
Kung ikukunsidera ang pag-alam kung ikaw ay baog, maaaring magdesisyon ang iyong doktor na magsagawa ng infertility check-up. Kabilang dito ang physical test, kasabay ng masinsinang review tungkol sa iyong family at health history. Para sa mga babae, karamihan sa mga taong ay umiikot sa kung gaano karegular siyang nag-o-ovulate. Itong findings na ito ang susundan ng doktor.
Kadalasan, kailangan ng mga doktor na magsagawa ng marami pang test upang malaman kung baog ang babae o hindi. Narito ang ilan sa mga posibleng test upang malaman kung ikaw ba ay baog:
Ovulation Testing
Isa ito sa mga paraan kung paano malalaman ang pagkabaog ng babae. Isa itong simpleng blood test o urine test upang malaman kung nag-o-ovulate ang babae o hindi.
Hysterosalpingography
Isa rin ito sa karaniwang paraan upang malaman kung baog ang isang tao. Sinusuri nito ang kalagayan ng uterus at fallopian tubes, at sinusubukang tingnan kung may anumang bara o komplikasyon na sanhi ng pagkabaog. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-inject ng x-ray contrast sa sinapupunan, saka kinukuha ang x-ray nito.
Ovarian Reserve Testing
Limitado ang suplay ng itlog ng babae. Binibilang ng test na ito ang bilang ng itlog na mayroon ang babae para sa ovulation.
Iba Pang Hormone Test
Sinusuri ng hormone tests ang level ng ovulatory hormones at pituitary hormones na mahalaga sa reproductive process.
Imaging Test
Gumagamit ang mga doktor ng isa pang scan na tinatawag na pelvic ultrasound upang malaman ang pagkabaog. Sinusubukang alamin ng ultrasound na ito ang posibleng sakit sa ovary at uterus. Gumagamit minsan ng saline infusion sonogram upang malaman ng mga doktor ang mga problemang hindi nakikita ng mga normal na ultrasound.
Hysteroscopy
Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang hysteroscopy (bihira lang), depende sa iyong kondisyon. Inaalam ng procedure na ito kung may sakit sa uterus gamit ang manipis na lighted device na ipinapasok sa iyong cervix at uterus.
Laparoscopy
Isa itong minimally invasive surgical procedure. Susubukang alamin ng procedure na ito ang mga problema sa iyong obaryo, fallopian tubes, o uterus. Makikita sa test na ito kung may endometriosis.
Mahalagang tandaan na hindi lamang limitado sa mga nakatala sa itaas ang mga test. Dagdag pa, posible ring irekumenda ng iyong doktor ang isa o ilan lang sa mga test na ito. Nakadepende ito sa pagsusuri ng iyong doktor.
Gamutan
Para sa maraming babae at mga mag-asawa, maaaring magdulot ng matinding kalungkutan ang pagkabaog. Ngunit may mga paraan na makatutulong upang mapataas ang tsansang makabuo ng bata. Bilang mga posibleng gamutan sa pagkabaog, puwedeng irekomenda ng iyong doktor ang:
- Fertility drugs
- Intrauterine insemination (IUI)
- Surgery
[embed-health-tool-ovulation]
Key Takeaways
Dahil sa advance medical technologies na mayroon tayo ngayon, maaari nang sumubok ang mga babae at mga mag-asawa ng mga paraan upang mapataas ang tsansa nilang makabuo at makabuntis. Napakaraming mga pagpipilian kung paano malalaman ang pagkabaog ng babae at ang mga gamutan dito. Kung nahihirapan kayo ng iyong partner na makabuo ng baby, kumonsulta sa doktor.
Matuto pa tungkol sa Fertility dito.