Ang ilang mga mag-asawa na may mga hamon sa fertility ay maaaring mawalan ng pag-asa pagdating sa pagpapalaki ng kanilang pamilya. Ngunit may iba’t ibang mga paraan kung saan magagawa pa rin nila ito nang hindi magiging mahirap para sa kanila.. Isa na rito ay sa pamamagitan ng surrogate pregnancy. Tatalakayin ng artikulong ito kung ano ang surrogacy at kung paano ang proseso upang matulungan ang mga mag-asawa na magpasya kung ito ba ang landas sa pagiging magulang na tama para sa kanila.
Pag-unawa Kung Ano ang Surrogacy
Madalas itanong ng mga tao kung ano ang surrogacy. Ang ganitong uri ng pagbubuntis ay nangyayari kapag ang isang babae ang nagdadala at magsisilang ng isang bata para sa ibang tao o mag-asawa na walang kakayahang magkaroon ng sarili nilang anak.
Ang babaeng nagdadala ng bata sa loob ng kanyang sinapupunan ay tinatawag na surrogate, dahilan kung bakit ito ang pangalan ng proseso. Bilang surrogate mother, siya ay nagbubuntis sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF).
Sa isang surrogate pregnancy, ang mga doktor o surrogacy specialist ay nakaka pangalaga ng embryo sa pamamagitan ng pagfertilize ng mga itlog mula sa mga nagnanais maging mga magulang. Maaaring ito ay isang egg donor na may sperm mula sa ama o ibang sperm donor. Ngunit kadalasan, ang ama ang nagbibigay ng semen sample.
Ang legal at internal arrangement sa pagitan ng dalawang panig ay maaari ring tawagin bilang isang gestational carrier o gestational surrogate.
Ano ang Surrogacy at Ano ang mga Rason para sa Surrogate Pregnancy?
Matapos malaman kung ano ang surrogacy, ang madalas naman tanungin ay kung ano ang dahilan kung bakit ito isinasagawa. Ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit ikinokonsidera ng mga mag-asawa ang ganitong uri ng pagbubuntis ay ang kanilang pagkabaog. Iba pang mga rason para rito ay kasama ang isa o higit pa sa mga sumusunod na salik:
- Ang ina ay hindi makapagbuntis dahil sa isang surgical procedure na tinatawag na hysterectomy. Ito ay nagreresulta sa nawawalang bahagi ng kanyang matres, o kaya naman ay ovaries, o iba pang bahagi ng reproductive system.
- Ang pagkawala ng matres o ang pagkakaroon ng uterine malformations mula sa kapanganakan (congenital).
- Mga medikal na kondisyon na maaaring magdulot ng pinsala sa pagkapanganak ng sanggol.
- Pagkakaroon ng paulit-ulit na hindi maipaliwanag na IVF implantation failure.
- Mga nakaraang pagbubuntis o iba pang komplikasyon sa panganganak na maaaring maglagay sa panganib ng buhay ng ina o ng bata.
- Magkasintahang pareho ang kasarian (same-sex couples) na gustong magkaroon ng sariling anak. Sila ay maaring gumamit ng sarili nilang sperm or egg para dito.
- Isang binata na nagnanais magkaroon ng anak sa pamamagitan ng paggamit ng sariling sperm. Kung hindi naman ay kapag namatay ang isang babae na may mga frozen na embryo sa isang freezer, gugustuhin ng lalaking partner na gamitin ang mga embryo para magkaroon ng anak sa kanya sa hinaharap.
Ano ang Surrogacy at Sino ang Maaaring Maging Surrogate?
Ang pinakamainam na surrogate o gestational carrier ay dapat isang malusog na babae sa kanyang prime years panganganak (21-45). Dapat madala niya ang sanggol sa loob ng 9 na buwan sa kanyang katawan upang maipanganak ito nang maayos.
Isang magandang konsiderasyon din na ang surrogate mother ay mayroon ding magandang support system at sitwasyon sa buhay upang maayos niyang madala ang pagbubuntis. Bukod dito, hindi siya dapat magkaroon ng higit sa limang normal na panganganak o dalawang cesarean.
Maaari kang makahanap ng surrogate mother na kilala mo o hindi mo kilala. Mahalagang talakayin ang mga bagay na ito sa iyong asawa bago magpatuloy sa anumang bagay na may kinalaman sa usapin.
Binabayaran ba ang Surrogate Mother?
Sa mga pangkalahatang tuntunin, ang surrogate mother ay madalas na binabayaran para sa oras, pagsisikap, at maging sa emosyonal na kapasidad na dalhin ang proseso ng pag dadalantao, at panganganak — mula simula hanggang matapos.
Gayunpaman, may mga hindi umaasa ng anumang kapalit. Kaya, ang mga naturang alalahanin at kondisyon ay dapat na mapagkasunduan bago maganap ang anumang treatment.
Ang parehong partido ay dapat pumirma ng isang binding contract upang gawing legal at wasto ang mga bagay-bagay.
Key Takeaways
Ang surrogate pregnancy ay isang magandang opsyon para sa mga mag-asawang gustong palakihin ang kanilang pamilya, ngunit maaaring nahihirapang magbuntis. Gayunpaman, dapat mong isaalang-alang ang bawat detalye tungkol sa proseso. Nangangailangan ito ng higit na oras, pera, at pagsisikap mula sa magkabilang panig. Ang mga taong kasangkot sa kasunduang ito ay dapat magkaroon ng isang malakas na emosyonal at pinansyal na kapasidad na dumaan sa pangyayaring ito na makapagbabago ng buhay nila.
Alamin ang iba pa tungkol sa Problema At Gamutan sa Fertility dito.