backup og meta

Facts Tungkol Sa Ovulation: Heto Ang Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Facts Tungkol Sa Ovulation: Heto Ang Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Alinman sa kung gusto mong magbuntis o gusto mong iwasang mabuntis, mahalagang alam mo ang iyong cycle. Kasama dito ang mga pagbabago sa katawan. Ito ay makakatulong na planuhin ang iyong reproductive health. Kung mas marami kang alam sa iyong ovulation period, mas mahusay ito para ma-maximize mo para sa pagbubuntis. Magbasa para matutunan ang facts tungkol sa ovulation.

Mahalagang Facts Tungkol sa Ovulation

Ano ang ovulation?

Nangyayari ang ovulation kapag ang katawan ng babae ay nag-release ng egg cell mula sa ovaries. Ito ay dadaan sa fallopian tube kung saan maghihintay na ma-fertilize ng isang sperm cell. Kapag hindi nangyari ang fertilization, magsisimula ang regla.

Ang normal na ovulation ay isang araw at nagaganap sa gitna ng buwanang cycle ng isang babae. Ito ay nangyayari dalawang linggo bago matapos ang monthly cycle. Isa sa pinakamahalagang fact tungkol sa ovulation ay iba-iba ito sa bawat babae. Walang pattern na nakatakda.

Facts Tungkol sa Ovulation: Anong mga Factors ang Maaaring Makakaapekto sa Ovulation?

Ang isang babae ay karaniwang ipinanganak na may milyun-milyong mga itlog na wala pa sa gulang ngunit tinatayang 400 lamang ang mature. Ang mga immature na itlog o follicle na ito ay sumasailalim sa serye ng mga pagbabago hanggang sa pagkahinog sa pamamagitan ng hormonal influence.

Karaniwan, isang itlog ang inilalabas sa bawat oras ng ovulation. Gayunpaman, ang ovulation ay maaaring maapektuhan o maabala ng stress o sakit. Maaari nitong baguhin ang haba ng iyong buwanang cycle o maantala ang simula ng iyong susunod na cycle.

Facts Tungkol Sa Ovulation

Sintomas ng Ovulation

Hindi lahat ng kababaihan ay nakakaranas ng mga sintomas kapag sila ay nag-ovulate ngunit para sa mga nag-ovulate, narito ang ilang mga senyales:

  • Discharge ng ari na malinaw at nababanat 
  • Malambot sa bahagi ng dibdib 
  • Pagtaas ng libido o pagnanais para sa pakikipagtalik 
  • Banayad na pagdurugo o spotting
  • Bahagyang pagtaas sa temperatura ng iyong basal body temperature
  • Mittelschmerz o pananakit ng ovary na karaniwang nararamdaman sa gilid ng tiyan

Mas alam mo ang iyong katawan. At kapag natutunan mong obserbahan ang iba’t ibang mga palatandaan at pahiwatig, magkakaroon ka ng tamang ideya kung kailan ang ovulation mo. Tandaan din na ang isang doktor lamang ang makakapagsabi kung kailan ang ovulation mo.

Ano ang Fertile Window?

Ang isa sa pinakamahalagang fact tungkol sa ovulation ay ang maintindihan ang “fertile” window.

Karamihan sa mga kababaihan ay nagagawang mabuntis ng 5 – 6 na araw lamang bawat buwan. Dahil ang ovulation ay nangyayari isang beses lang sa isang buwan, at ang isang mature na itlog ay nananatiling buhay sa loob lang ng 12 – 24 oras. Kaya, mahalagang makiramdam sa iyong katawan kung sinusubukang mabuntis. Sa ganitong paraan, maaaring planuhin ang iyong pakikipagtalik sa iyong kapareha para mapakinabangan ang mga pagkakataong mabuntis.

Dahil ang sperm ay maaaring mabuhay ng 3 – 5 araw sa loob ng katawan ng isang babae, maaari ka talagang makipagtalik bago ka mag-ovulate. May mas mataas na tyansang mabuntis kung ang sperm ay naghihintay na sa paglabas ng itlog sa loob ng 3-5 araw.

Facts tungkol sa ovulation: 3 Phases

Ang isa sa pinakamahalagang fact tungkol sa ovulation ay nangyayari ito sa tatlong phases. Ito  ang panahon ng pagtaas ng mga hormone sa buwanang cycle:

  1. Preovulatory Phase of Follicular Phase – Nangyayari ito sa unang bahagi ng cycle mula sa unang araw ng regla hanggang sa obulasyon. Ang development ng mga ovarian follicle, ay nangyayari sa phase na ito. Dito rin nagsisimulang kumapal ang lining ng matris.
  2. Ovulatory Phase – Ito ay kapag ang ovulation o fertility ay aktwal na nangyayari. Tumatagal ito ng 24 – 48 oras. Nangyayari ito sa kalagitnaan ng cycle dahil sa hormonal changes ng isang peak sa estrogen, anumang oras mula sa ika- 10 -17  araw ng follicular phase. Pinati-trigger nito ang luteinizing hormone surge. Pagkatapos, ang mature ovarian follicle ay pumuputok at naglalabas ng isang itlog.
  3. Postovulatory o Luteal Phase – kung ang itlog ay fertilized, ito ay ilalagay sa sinapupunan at kung ang itlog ay hindi fertilized, ang makapal na lining ng matris ay masisira din at naghahanda na lumabas sa katawan sa pamamagitan ng regla.

Mga Karamdaman na May kaugnayan sa Ovulation

Kapag may mga problema sa ovulation, maaaring mangyari ang pagkabaog. Isa sa mga pinakakaraniwang problema ay ang Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS. Ginagawa ng PCOS na mas mahirap ang pagbubuntis para sa karamihan ng mga kababaihan dahil sa malubhang anovulation at hormonal imbalance.

Iba pang mga karamdaman na maaaring makaapekto sa paggana ng ovarian

  • Premature ovarian insufficiency kung saan maagang huminto ang produksyon ng itlog dahil sa pagbaba ng estrogen level.
  • Ang hyperprolactinemia ay kapag ang isang babae ay gumagawa ng labis na dami ng prolactin na nakakasagabal sa normal na produksyon ng iba pang mga hormone, tulad ng estrogen at progesterone.
  • Ang hypothalamic dysfunction ay nangyayari kapag ang mga hormone na nagpapasigla sa obulasyon ay nagambala.

Ovulation Calendar

Kung alam mo ang ovulation mo o may ideya kung kailan ang iyong fertile window, maaaring makatulong ito sa iyong mabuntis. At makakatulong din sa iyong maiwasan ang pagbubuntis kung iyon ang gusto mo. Ang pagiging pamilyar sa paggana ng katawan, mga kailangang signs, ay maaaring magpataas ng tyansa ng pagbubuntis o mabawasan ito, depende sa iyong plano.

Para sa karaniwang babae, ang average na cycle ng regla ay tumatagal ng 28 araw + /- 7 araw. Tumatagal ng 6 na araw ang fertile window sa gitna ng cycle. Ang “fertile window” na ito ay binubuo ng limang araw bago ang ovulation at ang araw mismong araw ng ovulation.

Ito ay hindi isang garantiya na ikaw ay mabubuntis kung ikaw ay nagkaroon ng unprotected sex sa iyong fertile window. Ito ay isang pagtatantya lamang para mabigyan ka ng ideya kung kailan ang pinakamagandang oras para makipagtalik.

Key Takeaways

Kung mas may alam tungkol sa menstrual cycle at mga facts tungkol sa ovulation, mas mahusay na makokontrol mo ang iyong katawan.  Mahalaga na alam mo kung paano gumagana ang iyong sariling ovulation. Kung may anumang mga alalahanin, palaging kumunsulta sa iyong doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Your fertility: Right Time for Sex https://www.yourfertility.org.au/everyone/timing Accessed June 8, 2020

Getting Pregnant https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/expert-answers/ovulation-signs/faq-20058000 Accessed June 8, 2020

How Can I Tell When I’m Ovulating? https://www.nhs.uk/common-health-questions/womens-health/how-can-i-tell-when-i-am-ovulating/ Accessed June 8, 2020

Ovulation https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/ovulation Accessed June 8, 2020

Menstrual Cycle: An overview

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/menstrual-cycle-an-overview

Accessed September 8, 2021

What ovulation signs can I look out for if I’m looking to conceive?

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/expert-answers/ovulation-signs/faq

Accessed September 8, 2021

Kasalukuyang Version

03/29/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa SSS Maternity Benefits

Follicular Study: Bakit at Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement