backup og meta

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa SSS Maternity Benefits

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa SSS Maternity Benefits

Ang panganganak ay isang masayang panahon. Subalit para sa maraming pamilya, mahal ang manganak. Depende kung saan ipanganganak ang iyong anak at sa prosesong isasagawa sa iyo, maaaring kakailanganin mong gumastos ng P10,000 hanggang P100,000. Kaya naman, mahalagang humingi ng pinansyal na tulong sa parehong pampubliko at pampribadong ahensya. Sa ibang salita, kailangang isipin ng mga pamilya ang maaaring ibigay ng maternity benefits institution tulad ng SSS. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa computation ng SSS maternity.

Sino-Sino Ang Mga Qualified Para Sa SSS Maternity Benefits?

Bago alamin kung ano ang computation ng SSS maternity, isa-isahin muna natin ang criteria na kinakailangan upang maging kwalipikado para dito.

Upang maging kwalipikado, kinakailangang nakapagbigay ng kontribusyon sa “3 magkakasunod na mga buwan sa loob ng 12-buwang panahon agad na matapos ang semestre ng panganganak, miscarriage/emergency na pagtigil sa pagbubuntis.”

Halimbawa:

Kung inaasahang ikaw ay manganganak sa Disyembre 2022, ang semestre ng iyong panganganak ay kinabibilangan ng Hulyo hanggang Disyembre 2022. 

Ang qualifying criteria para sa computation ng SSS maternity ay kinakailangang nakapagbigay ka ng iyong 3 magkakasunod na kontribusyon sa loob ng 12-buwan na panahon BAGO ang semestre ng panganganak, na Hulyo 2021 hanggang Hunyo 2022.

Kaya kahit wala kang updated na kontribusyon sa mga buwang papalapit na ang iyong panganganak, kwalipikado ka pa rin — hangga’t nakapagbigay ka ng 3 magkakasunod na bayad sa loob ng taon bago ang semestre ng panganganak.

Tandaan:

Kung ikaw ay walang trabaho, self-employed o boluntaryong miyembro kabilang na kung miyembro ng OFW, kailangan mong personal na ipagbigay-alam sa SSS na ikaw ay buntis at nagpaplanong kumuha ng mga benepisyo. Kung ikaw naman ay may trabaho, kailangan mo lamang makipag-ugnayan sa iyong employer o HR department.

Computation Ng SSS Maternity Benefits

Ngayong alam mo na kung ikaw ay kwalipikado o hindi para sa mga benepisyo, alamin naman kung ano ang computation ng SSS maternity. Magkano ang maaari mong makuha para sa iyong panganganak?

Step 1. Alamin ang iyong Average Daily Salary Credit o ADSC

Upang malaman ang iyong ADSC, kinakailangan mong alamin ang iyong Monthly Salary Credit. Maaari mo itong makita sa imaheng ibibigay ng SSS na naglalaman ng SSS Contribution Table. Hanapin lamang ang iyong kontribusyon/ipon at tingnan ang katumbas na MSC.

  • Kung ikaw ay may trabaho at kumikita ng P30,000 kada buwan sa loob ng 12-buwang panahon bago ang semestre ng iyong pagbubuntis, ang iyong MSC ay P20,000.
  • Upang malaman ang iyong ADSC, kinakailangan mo lamang i-multiply ang P20,000 sa 6 at i-divide ang sagot sa 180.
  • Halimbawa: 20,000 x 6 = 120,000. I-divide ang 120,000 sa 180. Ang sagot ay P666.67. Ito ang iyong ADSC.

Para sa computation ng SSS maternity, kung ikaw ay isang boluntaryo o self-employed, kinakailangan mo lamang i-add ang 6 na pinakamataas na Monthly Salary Credit sa loob ng 12-buwang panahon bago ang semestre ng iyong panganganak. Matapos ito, i-divide ang sagot sa 180 upang makuha ang ADSC.

Step 2. Alamin kung magkano ang benepisyong makukuha

Ngayong alam mo na ang iyong ADSC, kailangan mo lamang alamin kung magkano ang benepisyong iyong maaaring makuha.

Para sa live births, kung vaginal birth man o CS, i-multiply ang iyong ADSC sa 105. Batay sa halimbawa kanina (ADSC ay  P666.67), nangangahulugang maaari kang makakuha ng P70, 000.

Kung ikaw ay solo na magulang, maaaring i-multiply ang iyong ADSC sa 120 alinsunod sa Solo Parent’s Welfare Act. Batay sa halimbawa kanina, ito ay tinatayang nasa P80, 000.

Kung nakunan o nagkaroon ng miscarriage, i-multiply ang iyong ADSC sa 60. Batay sa halimbawa kanina, ito ay nasa P40, 000.

Key Takeaways

Tandaang kwalipikado ka sa SSS maternity benefits para sa iyong bawat panganganak. Kung ikaw ay self-employed o boluntaryong miyembro, tandaang maaari kang mag-file para sa benefit nang online. I-login lamang ang iyong SSS account, puntahan ang e-services, at pindutin ang Maternity Benefit Application.
Gayundin, kung ikaw ay empleyado ng pamahalaan subalit pinapanatili mong updated ang iyong mga kontribusyon (boluntaryong miyembro), kwalipikado ka pa rin sa SSS maternity benefits.
At huli, huwag kalimutang bukod sa SSS, maaari din makatulong sa iyo ang Philhealth Maternity Benefits.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

MATERNITY BENEFIT, https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp?page=maternity, Accessed July 2, 2022

PAYMENT OF SSS AND GSIS CONTRIBUTIONS BY THE SAME PERSON AT THE SAME TIME, https://www.alburolaw.com/payment-of-sss-and-gsis-contributions-by-the-same-person-at-the-same-time, Accessed July 2, 2022

Social Security Act of 2018, https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=Booklet_SS-ACT-OF-2018_05172019.pdf. Accessed July 2, 2022

Women about to give birth may avail themselves of PhilHealth benefits, https://www.philhealth.gov.ph/news/2016/pregnancy_benefits.html, Accessed July 2, 2022

SSS rolls out online filing of maternity benefit claims,
https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/pages.jsp?page=PR2021_016#:~:text=To%20qualify%2C%20there%20must%20be,upon%20learning%20about%20their%20pregnancy., Accessed July 2, 2022

Kasalukuyang Version

12/05/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Erika Rellora, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Bakuna Para sa Nagbubuntis: Anu-ano ang mga Kailangan?

Follicular Study: Bakit at Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Erika Rellora, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement